Heat
Stroke sa Middle East
ni: BuhayOFW
Ang
ating kalusugan ang isa sa pinaka importanteng bagay na dapat isalang alang ng
mga kababayan natin OFW. Marami sa
atin ang nagtatrabaho sa mga maiinit na lugar gaya ng sa disyerto at iba pang
maiinit na lugar. Noong naraang taon may ilang mga kababayan natin ang tinamaan
ng ganitong karamdaman at ito nang naging dahilan para sila umuwi ng ating
bansa at huminto sa kanilang mga trabaho.
Marami
ang umaasa sa atin kaya dapat nating alagaan ang ating mga sarili para na rin
sa ating mga mahal sa buhay. Ang pagtatrabaho sa mga maiinit na lugar, ang isa
sa mga dahilan ng pagdami ng mga kababayan nating tinamaan ng HEAT STROKE.
May
ilan akong nabalitaan na nagkaroon ng ganitong karamdaman at ang masakit pa
nito ay umuwi silang walang buhay dahil sa karamdaman at walang proteksyon sa kanilang
mga sarili. Kailangan po nating gawin ang mga tamang paraan upang maiwasan at
malampasan natin ang ganitong karamdaman.
Ang
pera na kinikita natin ay hindi magiging sapat kung tayo’y magkakasakit ng
katulad nito. Pag iingat po ang kailangan upang maiwasan natin ang ganitong
karamdaman.
Narito
po ilang mga TIPS upang maiwasan ang HEAT
STROKE
1. Uminom ng mahigit sa 2 basong tubig
bago gumawa ng trabaho na babad sa initan. Magbaon ng tubig kung malayo ang
pagkukuhanan.
2. Gumamit ng mga kasangkapan upang
proteksyon ang sarili mula sa tindi ng init ng araw.
3. Wag uminom ng softdrink dahil madali
itong makaka uhaw at nagiging dahilan
upang bumaba ang resistensya ng katawan ng tao.
4. Gumamit ng tuwalya pang punas ng pawis
at magkaroon ng extra na tuwalya para sa katawan.
5. Iwasan ang manigarilyo dahil isa ito
sa dahilan ng paghina nga katawan ng tao dahil sa init na ibinibigay nito.
Kung
meron man po kayong mga kasamahan sa trabaho na ganito ang sitwasyon mangyari
po sanang tulungan ninyo upang hindi na lumala pa ang kanyang karamdaman. Ang
impormasyon na katulad nito ay isang bagay na dapat gawin ng bawat OFW na
nakakaranas ng ganitong karamdaman.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW