Wednesday, March 28, 2012

Pinoy Radio Online - PRO


PRO (Pinoy Radio Online
Ni BuhayOFW

Doha, Qatar –Isang gabi na puno ng saya at tawanan ang aming nasaksihan sa naganap na 2nd EB ng mga Pinoy Radio Onlineo mas kilala sa tawag na PRO. Ang pagkikita ng magkakaibigan upang panandaliang pawiin ang lungkot na kanilang nararamdaman sa araw araw. Ginanap ito sa tahanan na mga Pilipino sa DOHA ang FCC (Filipino Cultural Center) dito sa Matar Kadeem - Doha Qatar.

Ang Pinoy Radio Online (PRO) www.pinoyradioonline.com ay isang Music Online na matatagpuan sa internet na kinababaliwan ng mga kaibigan nating OFW na mahihilig sa musika at pakikipag usap online, dito na lang nila dinadaan ang kanilang homesickness sa kanilang mga mahal sa buhay para pansamantalang malibang at mawala ang pangungulila sa kanilang mahal sa buhay.

Kasabay nito ginanap din ang birthday celebration ni Bro. Marlon Pamplona at iyon ang naging dahilan kaya lalong naging masaya at makulit ang gabing iyon. Ang mga admin ng grupo na sina Kingsolo, Yhadski, Papa Mhel, Bunso, Nheds, Insane, Blackheart, Kiko Matsing, Jonjon, Al Jazeera Boys - Top Printers Brotherhood at sa iba pa.

Ang matagumpay na EB ng mga PRO(Pinoy Radio Online) Qatar Chapter ang inaabangan ng lahat. Mabuhay po ang lahat na mga DJ na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo kina Papa Alvin, DJ foxy, DJ Cyber, DJ Sabby, at DJ Shaula good job guys and more power.