Sunday, June 26, 2011

Samahang Ilocano "Medical and Dental Mission" sa Qatar




Ang pagtulong sa kapwa ay isa sa ugaling pinoy na hinahangaan ng ibang lahi sa atin mga Pilipino. Karamihan sa mga OFW na nakasalamuha ko sa bansang aking pinuntahan ay hindi magkamayaw kapag nakakabalita ng libreng “Medical at Dental Mission” at iyan po ang isa sa mga pinagkakaabalahan ng iba’t ibang grupo dito sa Qatar. Mula ng ako ay naging aktibo sa pagsusulat ng mga istoryang usaping BuhayOFW ay naramdaman ko sa aking sarili ang paghanga sa ilan nating mga kababayan na walang sawang  na nagboluntaryo sa mga kababayan natin hindi kayang magpagamot sa ospital.




Isa sa hinahangaan kong mga grupo ay ang mga bumubuo sa  “Medical at Dental Mission Volunteer” ang mga kaibigan nating ito ay walang sawang tumutulong sa mga kababayan nating OFW na may karamdaman. Nitong June 24, 2011 biyernes nagsagawa ng free medical and dental check up ang mga kababayan nating volunteer at ilang sa mga naging sponsor ng nasabing misyon ay kinabibilangan ng FNAQ (Filipino Nurses Association Qatar), FDDVQ (Filipino Dentists and Dental Volunteers Qatar), Physicians, PhPAQ (Philippine Pharmacists Association Qatar), kasama ang mga iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng UPMMG, Guardians, BalitangQ, BME, TLCQ at ang mga naging sponsors para maging maayos lalo ang nasabing misyon ay ang lugar ng Filipino Community Center (FCC) sa Doha,Qatar. Sa tulong na rin ng mga binigay na donasyon ng  Western Union at Alicafe/Powerhorse.



Ang nagtaguyod ng nasabing mission ay ang CIASI (Confederation of Ilocano Association - Samahang Ilocano) ito ay binubuo nila national president Jayson Cubangbang, national chairman Melvin Yadao at si sorority president Engr. Jenny Fortin ito ay para makatulong sa mga kababayan nating hindi kayang magpagamot dala ng maliit na sahod at magastos na pamumuhay dito sa Qatar. Mula pa kagabi ay punong abala na ang mga kaibigan at kasama nating Ilocano para maging maayos ang gaganaping “Medical at Dental Mission” sa Filipino Community Center (FCC) sa Doha.




Totoo diba napakasarap ang pakiramdam na nakakatulong ka sa iyong kapwa gamit ang iyong talento na wala man lang hinihitay na kapalit. Ang taos pusong pag boluntaryo sa mga ganitong aktibidad ay ang ugaling pinoy na dapat po nating ipamalaki. Sa lahat po ng bumubuo ng ginanap na “Medical and Dental Mission” mabuhay po kayo at wag po kayong magsasawa na ibahagi sa ating mga kababayan ang inyong magandang hangarin sa kapwa. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong sinimulan at makakaasa po kayo na palaging sumusubaybay ang BuhayOFW sa inyong mga misyon.




Mula po sa inyong lingkod BuhayOFW humanga sa inyong kabayanihan. Proud to be Pinoy

2 comments:

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW