Alam ba ninyo na ang NOKIA ay nagsimula pa ng panahong 1865 na kagaya ng kapanganakan ni Gat. Miguel Malvar y Carpio na isa nating bayani. Si Ginoong Fredrik Idestam ang siyang nagpasimula ng kompanya na ang tanging kalakal ay ang mga papel sa lugar kung tawagin ay Nokianvirta river doon kinuha ang pangalang NOKIA.
Noong taong 1898 kaalinsabay ng pagdedeklara ng ating kalayaan sa Pilipinas laban sa mga espanyol ay itinayo rin ang kompanyang "Finnish Rubber Works" na pagmamay ari ng kompanyang NOKIA. Magkasabay silang naiproklama sa iisang taon.
At ng taong 1912 kasabay nag pagbubukas ng Manila Hotel sa maynila ay tinatag din ang kauna unahang cables works ng NOKIA na kung saan ito ay nakilala sa pangalang "Finnish Cable Works"
Dumating ang taong 1937 kung saan hinirang si ginoong Verner Weckman na presidente ng kompanyang "Finnish Cable Works" at kasabay din iyan ng pag reresign ni Gen. Mac Arthur sa US army at pumunta sa Pilipinas upang maging CIC OMAGC at binigyan siya ng ranggong Field Marshall ng Philippine Army.
Lumago ng lumago ang kompanyang "Finnish Cable Works" at ng dumating ang taong 1960 nagsimula silang gumawa ng kaunaunahang electronic's department para sa komunikasyong radyo at telebisyon. Ito rin ang kasabay ng pagkuha ng prankisa ng RPN channel upang magkaroon ng radyo at telebisyon para sa mamamayang Pilipino rito sa ating bansang Pilipinas.
Taong 1967 naganap ang merger ng Nokia AB, Finnish Rubber Works at ng Finnish Cable Works at naging Nokia Corporation. Ang kanilang pagsasanib ay maganda ang resulta sa kadahilanan ay unti unti ng nabubuo ang pag gawa ng mobile phone na ating kinagigiliwan ngayon.Maraming ginagawang saliksik ang mga bumubuo ng Nokia Corporation para lamang makagawa ng isang idea na cellphone.
1979 ang taong kasabay ng aking pagsilang ay ang panahon kung saan ang kompanyang Mobira OY ay nakipagsanib sa Nokia Corporation para mabuo ang unang cellphone na gawa ng Nokia. Ito ay inilunsad ng taong 1981na kung tawagin ay Nordik Mobile Telephone (NMT). Sa paglipas ng panahon ay lumabas na ang mga iba't ibang uri ng mobile handset na gawa ng Nokia. Ipinagmamalaki ng kompanyang NOKIA na sila ang unang gumawa ng digital handset na kagaya ng TDMA, PCN, Japan Digital at ang kilala na GSM.
Itinalaga si Ginoong Jorma Ollila na maging CEO at Presidente ng kompanya na ang layunin ay palawakin ang GSM at sa kanyang pamamahala naging perpekto ang mga sumunod na taon ng NOKIA at ito ay naging matagumpay sa larangan ng komunikasyon.
Ang 5110 model ang kaunaunahang nahawakan kong mobile phone ng taong 1998 ito ang gamit ko ng ako'y working student pa lamang. Sobrang ingat na ingat pa ako sa mobile ko na ito dahil first time ko pa gamitin ang cellphone na yun. Naalala ko pa noon na ito ang pinaka matibay na cellphone na nahawak ko noon at ito rin ang pinaka matagal na gamit ko. Nakakalungkot sapagkat ang iniingatan kong 5110 ay naagaw ng walang hiyang magnanakaw. Ang pagkawala ng aking 5110 ay aking pinanghihinayangan dahil sa halos 5 taon kong ito gamit pang komunikasyon. Ito rin ang nagsilbing komunikasyon ko sa aking minamahal habang kami pa lamang ay magkasintahan maraming bagay akong naaalala kapag nakakakita ako ng 5110 model dahil parehas naming gamit ito.
Taong 2001 nang lumabas sa Pilipinas ang model na 3310, Pinapangarap ko na magkaroon ako ng ganyang cellphone dahil patok na patok ito ng panahon na iyon. 2002 ng mawala ang aking 5110 gumawa ako ng paraan para makabili ako ng 3310 at nangyari naman dahil sa aking pagpupursige na maka ipon para magkaroon ako ng panibagong cellphone. Nakakatuwang isipin dahil maraming bagay akong natuklasan sa aking panibagong cellphone dahil dito nagkaroon ako ng napakaraming kaibigan dahil ito ang pinaka madaling gamitin sa lahat.
Para sa akin ang Nokia Cellphone ang isa sa pinaka makasaysayan kong gamit pang komunikasyon dahil ito ang nagbigay sa akin ng daan upang lumawak ang aking komunikasyon sa ibang tao at higit sa lahat ito rin ang pinaka madaling gamitin kumpara sa mga iba't ibang klase ng mobile phone. Kasaysayan ng ating panahon ay kagaya din ng kasaysayan ng Nokia Corporation isang patunay lang na sa bawat panahon na nagtatapos muling napapalitan ang mga disenyo at likha ng mga iba't ibang kompanya na gumagawa ng cellphone ngunit iba pa rin ang orig ika nga nila. Ang nokia ay bahagi na ng ating buhay at panahon kung mayroon man naglalabasang iba't ibang uri ng cellphone wala pa rin tatalo sa gawa ng Finland Nokia.
Maraming salamat po! Mula dito sa bansang Qatar nagbabahagi ng aking karanasan tungkol sa Nokia.
Maraming salamat po! Mula dito sa bansang Qatar nagbabahagi ng aking karanasan tungkol sa Nokia.
hmmmmnnn.... sa pagkaka alam ko 3110 ang una kong cp ung nag wowork ako sa RAF int'l..... hehehhehe
ReplyDeletepero correct k dyan papa Alex easy to use ang NOKIA and until now i still choose to use it unlike any other brand....
correction 3210 pala unang kong fon way back year 2000 sumunod n matibay sa 5110....
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na ang Nokia Cellphone plant sa Finland ay magsasara na dahil sa nalulugi. Ibig sabihin noon ay halos lahat ng mabibiling cellphone sa mga darating na araw ay puro gawa na sa China.
ReplyDeleteDi ko makakalimutan ang una kong cellphone Nokia 3310, Made in Finland bili ko sa Saudi. Na holdup ako sa Africa ayun nakuha at na sugat pa ako sa kamay. Hayop na mga magnanakaw na mga baluga!