Monday, October 7, 2013

Batang Hinampas sa Semento Patay na

BuhayOFW - ni Alex P. Flores

Nagdudurugo ang aking puso sa isang balitang lumabas kamakailan lang tungkol sa isang bata na hinampas ng kanyang sariling ama sa semento sa harap pa mismo ng isang istasyon ng pulisya.

Hindi ko na halos tinapos panoorin ang nasabing balita sapagkat hindi kaya ng aking kalooban na malaman ang nangyari sa bata. Kaming mga OFW sa ibang bansa at nag tatrabaho para sa kinabukasan ng aming mga anak. Masakit sa kalooban na malaman ang ganitong klaseng pagmamaltrato sa mga bata.

Kahit hindi ko kakilala ang nasabing bata ay hindi ko matiis sa aking sarili ang panghinayang sa kinasapitan nito. Kahapon lamang ay nabalitaan kong pumanaw na ang nasabing bata. Kinokondena ng BuhayOFW ang ganitong klaseng kalokohan na hindi dapat pamarisan.

Kung sinasabing may sakit sa pag iisip ang nasabing Ama hindi ito dahilan upang ipawalang sala siya ng hukuman. Baka maulit pa ito sa ibang bata na mapag tripan niyang ihampas sa semento.

Ang ganitong klaseng kaso kinakailangang na mabigat na parusa. Ikulong ang salarin ayon sa sa ating batas katulad ng karaniwang inihahain sa mga taong nakapatay ng tao. Malinaw na ito ay mabigat na kasalanan kahit pa na mayroon siyang sakit sa pag iisip.

Mabulok sana sa bilangguan ang taong ito upang hindi na pamarisan pa ng ibang magulang na walang awa kung manakit sa kanilang mga anak. Kawawa lamang ang mga kabataan na patuloy na nagdaranas ng pananakit sa kanilang mga mahal sa buhay. 


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW