KAYO ANG BOSS KO.....Pnoy
Ilang speech pa ba ang maririnig natin kay Presidente Aquino tungkol sa usaping tayo daw ang boss niya "ang mga mamamayan" kung hindi naman niya mapapatunayan na maging maginhawa ang pamumuhay ng ating mamamayan.
Multi bilyon ang perang involve na nawawala sa kaban ng bayan na dinidinig sa senado dahil sa mga senador at congressman na dawit sa malademonyong korapsyon sa ating gobyerno. Kung ang mga magnanakaw nga ng barya sa lansangan ay sinusupil paano pa kaya itong bilyong piso anomalya.
Nakakulong na ang sinasabing gumawa ng transaction para mailabas ang pondo ng gobyerno. Ano naman ang drama na makikita natin na gagawin ng mga ito. Sa totoo lang natatakot na talaga ako sa kinabukasan ng pamilya ko sa Pilipinas kung patuloy pa rin ang pagpahihirap nila sa taas ng bilihin. wala na ba talagang magagawa ang gobyerno para sa ikakabuti ng mga mamamayan.
Malaking ang TAX ng mga mamamayan samantalang sa Middle East wala kami kahit centemong TAX na kinakaltas. Naalala ko pa nga nung nagtatrabaho pa ako sa Makati na above minimum pa rate nang sweldo ko pero kung kaltasan naman ako ng kumpanya ko ay halos kaparehas ko na rin ang minimum wages noon at halos doon lang din napupunta ang sweldo ko.
Ito kaya ang TAX ang pinaghatian nila ngayon na kinaltas sa aming mga manggagawa, grabe bilyong piso sa dalawang taon. Ilang anomalya pa ang lumabas sa mga balita ang natuklasan ang nakakagulat hindi lang 10 bilyon piso kundi may 100 bilyong piso pa ang nawala na lang ng bigla sa kaban ng bayan.
Ilang pamilya ang matutulungan magkaroon ng puhunan para magtayo ng negosyo sa perang ito, ilang mag aaral na ang makakapag aral ng libre sa pera ito, at ilang mamamayan na ang mabibigyan ng programang pabahay.
Nakakalungkot talaga dahil sa pangyayaring ito, imbes na guminhawa ang mga mamamayan ay nasasadlak lalo sa kahirapan. Kung meron lang ako super power na pwedeng gamitin at matulungan ang mga tao gagawin ko agad pero wala ehhh! kaya idinadaan ko na lang sa munting panalangin kasama ang pag asenso ng ating bansa.
Para sa ating Presidente Pnoy hindi po ako againts sa inyong gobyerno pero sana naman po ay matupad ang sinasabi mong kami ang Boss mo. Kung nagkasala ang mga sanghay ng gobyerno sana wala kang kilingan sa kanila. Papanagutin mo kung anu man ang magiging kaparusahan nila.
Para naman kay Janet Napoles, marami na ang nag aakusa sayo sana sabihin mo na ang katotohanan dahil masyado ng bulgar ang ginawa mong kalokohan sa mga mamamayan. Hindi po tanga ang mga tao dahil totoo namang hindi kapanipaniwala ang kayamanan ng iyong pamilya. Kaya ituro mo na kung sino sino ang mga sangkot sa bilyong piso na naglaho ng parang bula.
-BuhayOFW-
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW