Nagulat ako sa isa kong kliyenteng Qatari na nagtatrabaho sa isang sikat na Unibersidad dito sa Qatar nang sabihin sa akin na nakakatakot daw magpunta sa Pilipinas dahil maraming iskadalong nangyayari gaya ng awayan sa Mindanao at maraming mga manduragas, manlolokong Pilipino.
Napa isip tuloy ako kung bakit niya nasabi ito sa akin, kaya tinanong ko siya kung bakit niya ito nasabi. Nagulat kasi ako dahil updated siya sa mga nangyayaring sa ating bansa na kinabibilangan ng sanghay ng Gobyerno at marami pang ibang dahilan.
Kilala niya ang grupong Abu Sayyaf, Kilala rin niya ang pamilyang Aquino, maging ang pamilyang Marcos, at maraming pang sikat na personalidad. Naging maganda ang aming usapan dahil napunta kami sa issue pulitaka sa ating bansa. Marami akong natutunan sa mga sinabi niya at sinabi niya sa akin ang kaibahan natin sa Middle East. Kaya napasarap lalo aming kwetuhan tungkol dito.
Ang lalong ikinagulat ko sa kanya ay marunong siyang magsalita ng tagalog kahit hindi pa siya nakakarating ng ating bansa, kaya niyaya ko siya minsan na dalawin niya ang Pilipinas para malaman niya ang tungkol sa mga issue na kaniyang sinasabi tungkol sa ating bansa. Sinagot niya ako "In Shalla" at wish niyang makarating ng ating bansa.
Nakakagulat dahil ito ang unang pagkakataon na makausap ko siya at ito agad ang napagusapan namin. Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya.
Sa totoo lang hindi na ako magtataka dahil alam ko naman na totoo at marami talagang ganito sa ating bansa. Maraming magnanakaw, manloloko, hindi mapagkakatiwalaan, mandurugas at kahalintulad nito. Lumaki ako sa manila at nakasalamuha ko na halos lahat ng klaseng tao sa aming lugar.
Kung ang opisyal nga ng ating gobyerno ay hindi mahatulan ng mabigat na parusa kung nagkakasala sila. Paano magkakaroon ng tiwala ang mamamayan kung ang mga matataas na opisyal ng ating gobyerno ay hindi maparusahan. Sa totoo lang nakakasawa ng magsulat ng mga batikos tungkol sa GOBYERNO kung wala din naman pupuntahan.
Patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin lalo na ang pagkain na pangunahing kailangan nang tao. Ang mga TAX na patuloy na kumakaltas sa mga kinikita ng mga empleyado. Gayundin ang TAX sa mga pagkain, gasolina, kuryente, LPG, at marami pang iba. Ito ang nagpapahirap sa ating mga mamamayan na kung tutuusin ay hindi na naman kailangan patawan pa ng TAX ang mga ito.
Kailan kaya mawawala ang TAX natin sa Pilipinas? Ito ang isang mungkahi na dapat pag aralang mabuti ng ating GOBYERNO. Sana sa paglaki ng ating mga anak ay hindi na nila maranasan ang ganitong kahirap na pamumuhay na alam kong ramdan nating lahat.
Ilang taon na ba tayo niloloko ng GOBYERNO? sa edad kong 34taong gulang 18years old palang ako ay TAX payer na ako dahil working student ako noon. Saan kaya napunta ang mga kinakaltas sa akin ng GOBYERNO? Sa PORK BARREL ba na issue ngayon sa atin bansa. Sa mga pekeng NGO ba o diretso sa mga bulsa ng mga ganid sa pera.
Bumilang na ang mga taon at wala pa ring magandang resulta. Sana matapos na ang mga kalokohan ng mga ito at maging maayos na ang pamumuhay nating lahat. Nakakaiinis dahil lahat tayo ay apektado sa mga iskandalong laganap sa ating bansa.
Tanggalin na ang SIN TAX na ito upang kahit paano ay gumaan ng kaunti ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.
Tanggalin na ang SIN TAX na ito upang kahit paano ay gumaan ng kaunti ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW