Bakit nga ba pilit na inaangkin ng bansang china ang isla na kung tawagin ay Scarborough Shoal, marunong ba sila tumingin ng mapa. Kung makikita natin ni hindi umabot sa kalahati ang distansya nila sa pinag aagawang isla.
Ang Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Panatag Shoal ay dating pang nasasakupan ng ating teritoryo simula pa ng taong 1734 noong tayo pa ay nasa pananakop ng kastila. Kung dahil lang ba sa redmark na nakalagay sa Mapa nila ehhh kailangan bang talagang ganun kalaki ang kanilang nasasakupan.
Masyado naman gahaman sa teritoryo ang mga ito. Kung mapapansin ninyo halos buong karagatan na ito ay gusto nila angkinin. Sana makita ng buong mundo kung bakit tayo pilit na lumalaban sa kanila.
Wala tayong hangad kundi ang makuha ang karapatan natin sa lupang ating pinaglalaban. Tayo lang ang gagawa ng paraan upang maresolba ang alitan na ito. Kung makikipag laban tayo sa kanila kailangan paratingin ito sa pinaka mataas na kinauukulan upang maresolba ang gulo na ito tungkol sa lupang pinag aagawan.
Kaming mga OFW sa iba't ibang bansa ay nag aalala kung ano man ang mangyayari sa gulo na ito. Malayo kami sa aming mga mahal sa buhay at hindi kami papayag na may masamang mangyari sa kanila. Kung magkakaroon man ng gulo siguradong malaking problema ito.
Narito po ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa Scarborough Shoal:
ano pa ang pagiging pinoy mo kung d mo kayang ipag laban ang karapatan mo... lumaban ka pilipinas!!!... walang maliit walang malaki pag karapatan mo iapga laban mo!
ReplyDeleteTandaan niyo ito, "Maliit man, nakakapuwing din"...
ReplyDelete