Saturday, May 12, 2012

Scarborough Shoal Protest

Manila - Isang mapayapang rally ang isinagawa ng ilan nating kababayan upang iparating sa bansang CHINA na ang lupaing Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Panatag Shoal ay nasa teritoryo ng bansang Pilipinas. Ang kanilang protesta ay para ilabas ang kanilang saloobin tungkol sa pinag aagawang isla. 




Walang ibang hangad ang ating bansa kundi ang magkaroon ng lupain na mula sa ating likas na yaman. Ipinaglalaban natin ito upang ipakita sa buong mundo na hindi tayo gahaman sa maliit na lupain dahil ito ay nasa ating teritoryo. 

Bumuhos ang maraming balita tungkol naganap na pangsisita ng ating mga Navy tungkol sa ilang mga fishermen na mula sa China. Mula doon ay tumaas na tensyon kaya dagliang nagpadala ng ilang mga barkong pangdigma ang bansang China upang protektahan ang kanilang mga mangingisda. 


Ang ating gobyerno ay gumagawa ng ilang hakbang para maging matiwasay at maayos na ang gulo na nangyayari sa nasabing isla. Ang nagiging magulo lang talaga ay ang mga taong gumagawa ng ilang istorya upang lalo pang palakihin ang tensyon. 


Narito ang balita mula sa mapagkakatiwalaang source.

Maraming balita ang nakakarating sa aming mga OFW kaya sana naman maging maayos ang negosasyon sa dalawang bansa at matapos na ang gulo na nangyayari sa ngayon. Ang bawat pilipino na nag tatrabaho sa iba't ibang panig na mundo ay nakatutok sa nagaganap na pag uusap ng dalawang bansa tungkol sa nasabing isla. 

Hangad ng bawat isa sa atin ang isang matiwasay at maayos na pag uusap upang walang maging isipinin ang mga Buhay OFW .




No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW