Mula sa Kaarawan ng aking panganay na anak "Alisa Joice Flores"
"Happy Birthday Anak" yan lang ang tanging lumalabas sa bibig ng isang OFW na nag tatatrabaho sa ibang bansa upang batiin ang kanyang mahal sa buhay na nagdidiwang ng kaarawan. Marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong pagkakataon sapagkat malayo tayo sa kanila.
Isang katagang pagbati mula sa ating puso ang nakakapagbigay na ng saya. Marami sa ating mga OFW na nasa ibang bansa ay nagpupumilit na makarating sa mga kaarawan ng ating mga mahal buhay, subalit paano kung hindi ka mauwi para personal mo sila batiin?
Alam ba ninyo nagulat talaga ako sa binanggit sa akin ng aking panganay na anak mula sa aking celphone na sasapit sa kanyang kaarawan nitong Mayo 16, 2012. Sa kanyang mura edad na limang taon ay dama niya ang lungkot na mawalay sa akin dahil pilit niya akong pinapauwi para makasama sa kanyang kaarawan.
Mga katagang hindi ko makalimutan hanggang sa aking pagtulog;
AJ: Papa birthday ko na ano naman regalo mo sa akin sambit ng aking panganay na anak.
Papa: Ano ba ang gusto mo anak?
AJ: Gusto ko yung pabitin yung tatalon kami tapos may laman na laruan o pagkain.
Papa: Ganun ba sige sabihin mo sa Mama mo gawin niya para may pabitin ka.
AJ: Sabi ni Mama hindi ka naman daw nagbigay ng pera pang birthday ko.
Papa: Hahahaha tanungin mo nalang si Mama mo.
Sa totoo lang ang perang pinadala ko ay sakto lang para sa kanila at may sobra man iyon ang panghanda niya.
AJ: Kuripot ka talaga Papa
Papa: hahahahaha ikaw talaga anak kilala mo na agad ako kahit ganyan lang ang edad mo. Okey lang ba sayo yung handa mo.
AJ: Opo okey lang po at syempre Papa kita ehhhh
Papa: Pasensya kana hindi naman marami pera ng Papa mo.
AJ: Okey lang yun at least may handa po ako.
Papa: Don't worry sa seven birthday mo kasama mo na si Papa diyan para mag celebrate ng birthday mo.
AJ: Yehey dun tayo sa may gumagalaw ahhhhh (Jollibee ang tinutukoy nito) hehehehe
Papa: Okey basta ba galingan mo mag aral ahhhh....
AJ: Opo no problem
Papa: Happy Birthday ulit Ate AJ ko.... Love you
AJ: Love you too bye bye (sabay abot sa Mama niya ng celphohe)
Sa kanyang mga sinabi tuwang tuwa ang aking kalooban dahil alam niya na ang pera aking kinikita dito ay para sa kanila at alam niya na hindi ganun kadaling kitain. Isang simpleng handaan ay ayos na para sa kanya. Marahil ay dama niya ang lungkot na mawalay sa akin. Sa katulad kong Ama ng tananan na pilit nagtitiis na magtrabaho sa malayong lugar para maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan isang karanasan ang aking nais ibahagi sa inyo.
Ate AJ,
"Proud si Papa Alex sayo anak kaya mag aral kang mabuti para hindi na ako mag aabroad at diyan na lang si Papa magwork sa pinas para kasama ninyo ako. love you so much"
Papa Alex
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW