Sa loob ng apat na taon ko sa ibang bansa ngayon ko lang naranasan ang maospital dahil sa nararamdaman kong trangkaso. Hindi ko inisip na ito ang magiging dahilan para mapunta ako sa Worker's Hospital sa Industrial Area Qatar. Akala noong una ay isang ordinaryong sakit lang ang aking nararamdaman dahil nagpapalit na ang klima ngayon dito sa Qatar.
Akala ko noong una ay mahihirapan akong magpacheck up dahil expired na aking Qatar Health Card. Mabuti na lang at na renew na pala ito ng aking kumpanya kaya saglit lang ang proseso ng pagpapacheck up ko.
Mababait ang mga staff sa simula pa lang kahit ibang lahi sila ay maasikaso din naman at ang Pilipino Nurse na natokahan ko ay wala din akong masabi dahil maasikaso din siya sa mga pasyente na katulad ko.
Nagulat ako sa resulta ng aking BP 90/60 ibig sabhin lowblood ako kaya pala nahihilo ako sa daan at masakit ang batok ko. Nakita rin sa findings na may viral fever ako at kailangan ng dalwang araw na pahinga. Tinanong pa ako ng nurse kung anung araw ko daw gusto magpahinga para magawan niya ako ng medical certificate kaya sinabi ko na sa susunod na araw na po para diretso na po ako magpapahinga.
Nang matapos ang aking check up sa nurse at doktor sinabihan ako na maghintay ako ng sa kabilang kwarto para kunin ko ang mga gamot na kailangan ko.
Maganda ang pamamalakad ng gobyerno ng Qatar kaya naman hindi nakakagulat na halos 5QRs o mahigit sa 60pesos lang ang nagastos ko sa ospital na iyon kasama na ang check up at mga gamot. May kasama pa vitamins at konsultasyon ng doktor.
Salamat ng marami Qatar dahil ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkakataon na libre lahat sa isang ospital.
Feeling Happy @buhayOFW +Pilipinas
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW