Ang buong akala ng isang binata madali lang para sa kanya ang mag abroad, yan kasi naging bukam bibig niya habang kausap ang kanyang mga barkada dahil may tutulong daw sa kanya para makapunta ng ibayong dagat. Sa totoo lang mahirap makipag sapalaran sa labas ng bansa lalo kung hindi mo naman gaano kakilala ang taong tutulong sayo. Baka siya pa ang maging dahilan ng kanyang kapahamakan.
24years old na si Michael at sa edad niya sabik na sabik siyang makaalis ng bansa dahil nais niya matulungan ang kanyang pamilya. Oo pwede naman talaga kahit naman sino gusto maranasan ang umalis ng bansa. Magtrabaho at kumita ng pera dahil iyon naman talaga ang nais ng karamihan ang lumipad patungo sa ibang bansa at kumita ng Dolyares.
Pinangakuan siya ng kanyang kakilala na ipapasok siya bilang isang server o waiter sa isang sikat na restaurant sa Middle East (hindi na natin babanggitin ang pangalan). Gagawan daw ng paraan ng kanyang kaibigan para siya ay makarating ng madalian sa Middle East. Kinakailangan niyang makumpleto ang mga dokumento na kailangan nila upang maiapply siya ng visa. Sa baguhang katulad niya wala siya kamalay malay na marami sa mga kababayan natin ang nabibiktima ng ganitong klaseng recruitment.
Makikipagsapalaran ka na hindi ka nakarehistro bilang isang OFW. May mga dapat tayong daanan para maging legitimate tayong OFW bago tayong sumabak sa labas ng bansa at yan po ay itinuturo sa PDOS na isinasagawa sa POEA.
Kalaunan pumayag si Michael sa alok ng kaibigan kahit hindi niya alam na ito pala ang magiging dahilan para lalo siyang mapahamak sa abroad. Nagpasyang mag resign si Micheal sa kanyang trabaho "sa totoo lang kumikita na siya ng P18,000/month sa Restuarant na pinapasukan niya bilang head waiter at iba ang TIPs na nakukuha niya kada linggo, higit sa lahat regular employee pa siya dito." Sa madaling salita may maganda ng trabaho si Micheal sa Pilipinas kasama pa niya ang kanyang pamilya.
Ito ang kanyang katwiran "sa abroad daw na kanyang pupuntahan kikita siya ng mahigit sa P30,000/month iba pa ang tips at bonus, libre bahay at libre din daw ang pagkain" marami na daw ang nakaalis papunta dun para magtrabaho na guminhawa ang buhay ayon sa kaibigan niya na tutulong sa kanya.
Buo na ang kanyang loob na matutuloy na siya sa kanyang pangarap na abroad.
Makalipas ang 2 linggo dumating na ang mga papeles niya papunta sa aboard gamit ang visit visa. Itinuro din sa kanya kung paano at ano ang isasagot sa immigration para makalusot siya unang pagsabak niya immigration officer.
Lobby counter ng Immigration Officer
(Passport/Visa/Ticket)
"Mr. Michael" - Immigration officer
"Yes Sir" - Michael
"Ano ba ang gagawin mo dun sa pupuntahan mo?" - Immigration Officer
"Visit lang po para magtraining" - Michael
"Marami na kasi kaming natuklasan na ganyang alibi" - Immigration Officer
"Kunwari visit pero magtatrabaho pala" - Immigration Officer
"Eh Sir yan po kasi yung binigay ng kumpanya ng kaibigan ko para makapagtraining ako sa kanila" - Michael
"May valid reason kaba para sa visit visa mo? Pinayagan kaba ng kumpanya mo dito sa Pilipinas" - Immigration Officer
"Opo! katunayan nga po narito po yung letter ng kumpanya namin para sa training ko. May pag aaralan po kasi akong international duties bilang isang professional head waiter" - Paliwanag ni Michael
Patingin nga nang proof mo para ma verify natin - Immigration Officer
Ipinakita ni Michael ang mga dokumento na nagpapatunay na invited siya para visit visa ng isang kumpanya kung saan siya ay mag tratraining tungkol sa kanyang trabaho.
Talagang bihasa ang kaibigan niyang recruiter sa paggawa ng alibi kaya naman napapayag siyang paalisin ng immigration officer dahil kumpleto ang mga papeles na kailangan at may sapat na pera ding dala si Michael kaya walang magagawa ang immigration officer para siya ay I hold.
Eto na nga......
Nakalipad ang eroplanong sinasakyan ni Michael at narating niya ang bansang gustong puntahan ng karamihan ang DUBAI sa Middle East. Ang paglapag ng eroplano ang magiging hudyad ng kanyang paghihirap dahil sa una palang ay hindi na sumipot ang kanyang kaibigan sa kanilang pinag usapan. Ang nangyari may inutusan ang kanyang kaibigan na sumundo sa kanya sa airport para dalhin sa kanyang matutuluyan.
Laking gulat niya dahil hindi nagpakita ang taong tumulong sa kanya. Kaya diretso na lamang siya kanyang tutuluyan. Nakita niya na halos karamihan ata sa mga kasama niya ay mga Pilipino na parang may malaking problema sa buhay.
"Kuya kamusta po kayo" - tanong niya sa isang kasama niya
"Bagong dating kaba dito" - anang ng isang lalake
"Oo kuya kararating ko lang galing sa Manila" - Michael
"Sino naman ang kumuha sayo dito at bakit dito kapa napunta" - sabi ulit ng lalake
"ahhh ehhhh yung kaibigan ko po" - Michael
"Sinong kaibigan? yung bading na recruiter ba" - sabi ulit ng lalake
"Opo si Froilan po" - sabi ni Micheal
"Hay naku si lokong Froilan ipinahamak na naman ang kapwa niya Pilipino" - sabi ulit ng lalake
"Hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo Kuya?" - anang ni Michael
"Magkano ang inoffer sayong salary?" - Tanong ulit ng lalake
"Sabi po sa akin kikita daw po ako ng P30,000 every month iba pa daw po ang tips weekly libre ang bahay at pagkain" - sagot ni Michael
"Kalokohan ang job offer na ibinigay sayo, malamang sa cleaner ka mapunta at pasahurin ka ng mababa kasya sa amin" - anang ng lalake
"Ha ganun po ba bakit kayo po ba magkano ang sweldo ninyo?" - tanong ni Michael
"1,200AED per month helper ako" - anang ng lalake
"Magkano po yun sa Pilipinas?' - tanong ulit ni Michael
"P14,000 per month lang yan ang baba diba kayang kaya ko kitain sa Pilipinas" - anang ng lalake
Hindi na nakapagsalita pa si Michael sa kausap niya bagkus ay hinintay niyang tumawag sa kanya yung kaibigan niyang bading na si Froilan. Magdamag ang lumipas ay hindi nagparamdam si Froilan sa kanya kaya naman nagpasaya siyang lumabas ng bahay para makasagap ng hangin.
Habang siya ay nasa labas ng bahay pinagsabihan siya ng mga kasamahan niyang Pilipino na wag maglalayo ng walang dalang passport copy dahil mahigpit daw ang mga pulis doon. Kaya naman hindi na siya nagtagal pa sa labas at pumasok na ulit siya sa loob ng bahay.
Lumipas ang 3 araw dumating si Froilan sa bahay na kanilang tinutuluyan kasama ang mga naglalakihang tao na animo'y body guard sa Gay bar. Hinanap siya nito at kinausap tungkol sa mapapasukang trabaho.
"Michael" - Sambit ni Froilan
"Uy Froilan buti naman at pinuntahan mo ako akala ko kinalimutan mo na ako" - sambit niya
"Bakit naman kita kakalimutan ehhh type kita" - Sambit ni Froilan
"Loko ka puro ka biro" - Ngiting sagot ni Michael
"Bakit muka ba akong nagbibiro" - seryosong muka ni Froilan ang nakabungad
"hehehehehe" - Ngiti ulit ni Michael
"Kamusta na pala yung papasukan kong restaurant sabi mo" - Tanong ni Michael
"Ahhh yun ba nagbackout hindi na matutuloy ang work mo dun" - banggit ni Froilan
"Sa iba kana maassign dahil hindi natuloy ang deal" - habol nito
"ehhh paano yan san ako magwowork at paano ako dito?" - alalang tanong ni Michael
"Wag ka mag alala dahil sa type kita nahanapan na kita nang bagong mapapasukan at dun kana rin mag stay" - sambit ni Froilan
"Talaga very good thanks ahhh akala ko mapapahamak ako dito" - sambit ni Michael
"Bukas na bukas ayusin mo na ang mga gamit mo at lilipat kana dun" - tungon ni Froilan
Wala ng nagawa si Michael sa naging pasya sa kanya ni Froilan dahil sa mga nangyaring hindi magandang usapan ng mga kumpanyang kanyang mapapasukan. Naging sunod sunuran siya sa anomang gustuhing ipagawa sa kanya ni Froilan naging mag BF pa sila ng baklang iyon para lang hindi siya mapahamak sa kanyang pag aabroad.
Sising sisi si Michael sa kanyang naging desisyon na makisama kay Froilan dahil nawalan na rin siya ng kontrol sa kanyang desisyon dahil nga sa bago lang siyang abroad hindi niya alam ang mga patakaran at rules sa bansang kanyang napuntahan.
Ang pinakamalaking pera na kanyang nahawakan ay 1,300 AED sa isang buwan na kung tutuusin ay kinikita na niya ito sa kanyang pinapasukang restuarant sa Manila. Wala din siyang lakas loob na magsalita sa kanyang pamilya dahil sa kahihiyan na kanyang sinapit. Tiniis niya ang hirap ng buhay sa abroad at maging ang pang gagamit sa kanya ng kaibigang bading na si Froilan.
Natapos niya ang kontrata na kanyang pinirmahan at ang dalawang taong pakikisama sa isang oppurtunistang kaibigan. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muli pang babalik sa abroad at dadaan sa "MADALIANG ABROAD" na sinasabi nila. Kailangan na dumaan sa tamang proseso upang hindi na muli pang maranasan ang bangungot na kanyang pinagdaan.
Ang kwentong ito ay mula sa isang OFW na hindi na nagpabanggit ng pangalan dahil na rin sa kanyang personal matter issue. Nais lamang niyang ishare sa ating lahat ang kanyang sinapit para hindi na muli pang maranasan ng iba ang nangyari sa kanya.
Sa ngayon po ay maayos na muli ang kanyang buhay at sa tulong ng mga tunay na kaibigan nakabalik siya sa dati niyang trabaho sa Manila at doon na muling nagpatuloy ng kanyang mga pangarap.
AngBuhayOFW - Ang kwentong ito ay buod lamang sa kanyang karanasan. Para sa impormasyon ng lahat kailangan po nating dumaan sa tamang proseso na mula sa POEA upang maiwasan ang katulad ng pangyayaring ito. Na ayon sa kwento bagaman nakapag abroad siya may mga problema pa rin nangyari sa mga nagmamadaling proseso abroad.
Mag iingat po tayo palagi sa ating pakikipag sapalaran abroad kahit saan mang panig ng mundo. God Bless and have a good day po sa inyong lahat.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW