Friday, December 20, 2013

Aksidente sa Airport - Isang Pilipino Patay

Doha Qatar - Isang aksidente ang nangyari dito sa Qatar noong nakaraang miyerkules, Kung saan isang Pilipino ang nasawi dahil sa isang karambola ng sasakyan sa mismong lugar na kung saan mahigpit ang batas trapiko.

Hindi natin talaga maiiwasan ang aksidente pero kung lahat tayo nag iingat sa bawat ginagawa natin ay malilimitahan ang ganitong klaseng aksidente sa kalsada. Hindi naman natin kailangan magpatakbo ng matulin para makarating tayo sa ating pupuntahan ang kailangan natin ay defensive driving kung saan kailangan nating isipin ang mga kasabayan nating mga driver.

Sa pagkakataong ito hindi natin alintana ang panganib sa daan dahil disgrasya nga kung tutuusin, pero mas mabuti na nga wag na lang gumala ng gumala para makaiwas sa mga ganitong sakuna.

Basahin po ninyo ang buong ulat mula sa Doha News: Doha News update