Wednesday, June 25, 2014

Lindol sa Pilpinas - 5.7 lakas ng pagyanig

BuhayOFW - Niyanig ng malakas na lindol ang bayan ng batangas sa ganap na 7:45 ng gabi araw ng miyerkules. Ayon sa Philvolcs nasukatan 5.7 na lakas ng pagyanig at naitala sa layong 22 kilometro sa timog kanluran ng bayan ng Calatagan. Ayon pa sa Philvolcs naitala ang sentro sa Mindoro.

Naramdaman ang lindol sa bahagi ng Batangas City at Puerto Galera Oriental Mindoro na intensity 5, Bulacan intensity 4, intensity 3 sa Tagaytay, Lucena city at ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon na rin sa kanila wala namang  naitalang pinsala sa nangyari lindol at wala din na magaganap na after shock.

May mga prediction lalo sa maynila na magkakaroon ng malakas na lindol at marami ang mapipinsala kaya pinapaalalahan tayong mag ingat lahat.

Balikan natin ang babala ng Philvolcs noon taong 2011.