Nagkausap kami na aking asawa noong isang araw tungkol sa mga bagay bagay at isa sa nagpausapan namin ay ang pag taas ng pamasahe na ipapatutupad ngayong Hunyo taong 2014. Nakakalungkot isipin na ang pagtaas ng pamasahe ay isa sa nagiging dahilan nag pagtitipid sa aming pamilya. Dahil sa aming lugar sa Signal Village Taguig kailangan mong sumakay ng tatlong beses bago ka makalabas ng Taguig papunta sa Rotondo Pasay.
Totoong mabigat ang ginawang hakbang na ito subalit wala naman magagawa ang ordinaryong mamamayan na katulad namin kundi ang sundin ang naging panukala. Alam ko na isa rin kayo sa mga maaapektuhan nito.
Maraming mga kababayan natin ang kailangan na namang maghigpit ng sinturon para sa pamasahe. Kung ang karaniwang manggagawa ay kumikita lamang ng minimum wage kailangan niya P8.50 or P221.00 (1 month) pamasahe sa bawat sakay niya ng jeep patungo sa kanya ng papasukan. Isipin ninyo papunta palang yan paano pa kung sumasakay siya ng higit sa 3 beses sa isang araw. Nakuha ba ninyo ang ibig kong sabihin sa pinakita kong sample.
Nakakalungkot talaga dahil wala naman magagawa ang karaniwang empleyado kundi ang sumunod nalang sa pinatatakbo ng ating gobyerno. Ang kinikita niya ay para lamang sa pamasahe na kailangan niyang ibayad para makapasok sa kanyang trabaho.
Kailangan kaya natin malalaman na bumaba sa 3 piso ang pamasahe. malamang wala ng balak pa ang ating gobyerno na gawin ito dahil sila din naman ay wala ng magagawa pa.
Good luck nalang sa ating mga Pinoy kung ano na lang ang magiging kahihinatnan nang katulad nitong pagtaas na pamasahe. Wala na talaga tayong maasahan na ginhawa sa buhay kung patuloy pa rin ang ganitong sistema.
Ito ay sariling opinyon ko lamang!
BuhayOFW
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW