Friday, June 27, 2014

Presyo ng Bigas - P42.00 na ang pinakamababa

Totoo nga na wala ng mabibili na murang bigas ngayon! Ang pinakamababang halaga ng bigas ay P42.00 at iyon pa ang pinaka mababang klase ng bigas. Anu na ba talaga ang nangyayari sa bayan natin. Mas marami na ngayon ang magugutom nito dahil sa taas ng presyo ng bigas. 

Kung iisipin natin sa isang pamilya kailangan ng 2-3 kilo ng bigas isang araw para makakain ng tama kung kayo ay mahigit sa 5 katao. Ang isang kilo ng bigas ngayon ay P45 na ang isa sa masarap kainin 45x3= 135 pesos sa isang araw para may maihain tayong bigas sa ating pamilya. Kung tayo ay mag kukwenta sa isang buwan ito ay aabot sa mahigit na 4,050 pesos para makain ang isang pamilya.

Masyado na atang malaki ang gastusin ng isang pamilya ngayon. Kailangan magtrabaho ng maiigi si tatay o maging si nanay para may maihain na bigas sa kanyang mga anak. Isipin natin na bigas palang yan wala pang ulam. Ganito na ba talaga ang mamuhay sa panahon natin ngayon. 



May magagawa kaya ang ating gobyerno upang maibalik sa normal na presyo ang bilihin lalo na ang bigas na siyang kailangan ng bawat tao. Sana magawa pa nilang maibaba ang presyo ng bigas upang kahit papaano ay maibsan ang hirap na dinadanas ng bawat pamilyang Pilipino.

Sariling opinyon lang po mga ka BuhayOFW

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW