Saturday, July 31, 2010

kwento ni THEGREAT

Kahapon kausap ko ang pinaka mamahal kong asawa at syempre masaya naman ako sa kanyang ginawa kasi mahigit sa 3 oras kami mag kausap ang buhay talaga namin ay talaga namang napaka hirap kasi sa komunikasyon pa lang ay hirap na kami sa isa't isa kasi ba naman yung computer na bagong bili ko ay na virus kaya ayun nasira. Pero syempre ang bagay naman ay madaling palitan at maayos kaya no worry pa rin kasi maayos din naman iyon! Ang pinaka importante sa lahat ay ang komunikasyon sa bawat isa mahirap talaga kapag wala kayong komunikasyon dahil iyon ang magiging dahilan ng pag aaway at pag hantong sa hindi magandang mangyayari! Marami akong nabalitaan na ganyan ang sitwasyon lalo na dito sa pinuntahan ko maraming gumagawa ng hindi maganda para sa pamilya kaya ayun ang hantong ehhh sad story! Kaya nga pilit akong nagsasabi sa asawa ko na kailangan magkaroon agad kami ng komunikasyon dahil iyon ay para na rin sa aming mag asawa.

Friday, July 30, 2010

Buhay sa Amerika

AMERICAN FLAG




Ang sarap talaga pakinggan kapag sinabing nasa AMERICA ka kung baga dream come true ng bawat isa sa atin. Ikaw ba naman kumita ng DOLLAR. Ang sarap talaga isipin na nasa AMERICA ka, Pero Behind the good story sa America ay ipapakilala ko sa inyo ang isang kaibigan na  nag lathala sa GMANEWS.TV. Basahin ninyo ang kwento ng isang nagbaka sakali na makapag abroad at umasenso sa bansang AMERIKA.


Ito po ang story niya:

Thursday, July 29, 2010

Kwento sa Japan

Konbawa
Ng sinimulan ko gawin ang kwento ni Kaye ay may isang kaibigan ang sumulat agad sa akin upang idadag sa kwento ng buhay sa Japan. Tawagin na lang natin siyang si Maiko ayon sa kwento niya sa akin marami pa rin daw sa mga pilipina doon na nag tratrabaho sa japan bilang Entertainer kahit na may asawat anak na sinabi niya sa akin na hindi lahat ng may asawang Hapon ay mayaman. Mahirap daw ang buhay may asawa sa JAPAN kasi iba ang kultura at paniniwala doon. Isa sa binanggit niya sa akin ay ang paniniwala ng Nihonjin(Lalaki) kapag my asawa na sila tapos na ang obligasyon mo sa pamilya pero likas pa rin sa ating mga Pilipino ang hindi kalimutan ang pagtulong sa pamilya. Binanggit din niya sa liham niya na ang mga Nihonjin(Lalaki) daw kapag asawa mo na sila kailangang sumunod ka sa lahat ng gusto niyang ipagawa dahil siya daw po ang HARI ng tahanan dahil sila daw po ang nag tratrabaho sa bahay! Marami daw siya nabalitaan na binubugbog pa daw ng mga Nihonjin(Lalaki) ang kanilang asawa dahil sa hindi pag sunod sa kanila. May sinabi pa siya sa akin na likas daw sa mga Nihonjin(Lalaki) kapag namimili sila ang taga bitbit ng pinamili kasi daw nakakahiya daw sa mga Nihonjin(Lalaki) ang ganun na sitwasyon. Sinabi niya rin sa akin na dapat ikaw ang mag control ng iyong pamilya at ituro mo sa magiging asawa mo ang kultura ng PILIPINO para magkaintindihan kayo at sa bandang huli happy family diba ito lang masasabi ni Maiko sa atin “walang masama sa pagiging entertainer,,,nasa tao yan,, nasa tao kung mapapariwara siya... ako kahit may asawat - anak minsan NAGBABAITO pa rin me,,, at d same time nagwowork me as bedmaking sa isang sauna/capsule d2" yan ang sinabi niya sa akin na nais kong iparating sa mga kababayan. maraming salamat sayo at nakapagbigay ka ng isang kwento sa amin! Mabuhay ka at pagpalain nawa ang lahat ng iyong pamilya.


http://buhayofw2010-2015.blogspot.com/2010/07/kwento-sa-japan.html?spref=fb

Agawan ng Kliyente

Team work PILIPINO
Hay naku ang buhay Qatar talaga! Mahirap talaga ang mkipag agawan ng kliyente sa mga taong nauna na sayo sa bansang ito. Marami sa mga Pilipino dito ay nahihirapang makahanap ng tunay na kasangga kung baga kapag kalahi mo yun ang uunahin nila na kunin o makipag transakyon. Ganito dito sa bansang pinuntahan ko sa dami ko ba naman napuntahan at nakilala iba't iba ang kanila istilo meron makikipag kaibigan sayo pero my intensyon pala, meron naman kala mo kasangga mo yun pala yun ang taong magbabasak sayo. Hay's ang buhay ng mga Pilipino talaga napakasarap kasi pinanganak tayong maabilidad at hindi umaasa sa mga bigay ng iba. kaya nga ang daming pilipino sa ibang bansa kasi kilala tayo sa pagiging madiskarte at higit sa lahat matalino. Sa loob ng anim na buwan ko na pag tatrabaho dito ay nakita ko kung paano makipag kumpensya ganito talaga kapag ahente ka STAR ka kung baga. Hay ang buhay natin parang life ika nga. Kaya para sa mga Pilipino na katulad ko kaya natin mga BROTHER! PILIPINO is better than other nationalities....... 

Wednesday, July 28, 2010

Kwento sa Japan

Ohayo gozaimas

Ipapakilala ko sa inyo ang isang Pilipina na si (kaye) na nag bahagi ng kanyang kwento. Si Kaye ay isang pilipina na nagtapos ng mataas ng kurso sa PILIPINAS. Isa siya sa pinaka mabait na nakilala ko sa balat ng lupa, Marami sa kanyang ang nag aalok ng trabaho sa PILIPINAS pero minabuti pa rin niya na makapunta ng bansang JAPAN. Marami sa kanyang kamag anak ang humanga ng makapunta siya ng bansang JAPAN. Kilala ang promotion na napuntahan ni kaye hindi basta basta lang (BELLSTAR PROMOTION). Ikinuwento sa akin ni Kaye ang kanyang experince sa pag tratrabaho sa JAPAN. Sabi nya may tinatawag silang ONSEN(http://www.onsenjapan.net/onsenbasics.php) iyon daw ang namimiss niya sa bansang JAPAN. Karamihan kasi daw ng mga pilipina dun yun ang ginagawa para ma relak ang kanilang katawan at pag iiisip. Sa unang buwan niya doon ay panay ang tawag niya sa mga mahal sa buhay sa PILIPINAS dahil namiss-miss daw po nya ang kanyang pamilya. Marami sa atin ang nagtataka kung bakit karamihan sa mga Pilipina ay nasa bansang JAPAN. Anu ba ang meron hiwaga sa JAPAN, ganito lang ang kwento niya sa akin! Sa JAPAN daw kasi malaki ang pera na mai-uuwi mo kung ang trabaho mo ay entertainer iyon ang trabaho ng karamihan sa Pilipina dun! Doon siya nakapag pundar ng panimula para sa kanilang bahay at yun din ang naging daan kaya sila nakaahon sa kahirapan! Mahirap daw ang buhay ng mga Pilipina sa JAPAN pero taas noo pa rin nila ipinag mamalaki ang kanilang trabaho dahil doon sila nagsimula. Hindi ko na ikukwento ang pighati ng kanyang kalooban dahil ayaw niya ipaaalam pa sa atin ang naging kalagayan ni Kaye sa bansang JAPAN. Basta ang masasabi ko lang sa kanyang kwento ay buong pagmamamalaki niyang sinabi na kahit minsan ay hindi siya pumatol sa Nihonjin (lalaki). Taas noo niyang sinabi sa akin na ang buhay sa JAPAN ay isang pagsubok ng iyong katatagan lalo na sa iyong pag ibig.      

Tuesday, July 27, 2010

96th Anniversary of Iglesia ni Cristo around the world


Salamat po Ama sa palagi po ninyong pag alalay sa mga taong nasa ibang bansa at sa Pilipinas. Sa bawat hakbang na ginagawa po namin kami po ay lubos na nagpapasalamat higit sa lahat sa mga biyaya't tulong na ibinigay ninyo sa amin! Sa lahat po ng mga kapatid kay Cristo, Iglesia ni Cristo maligayang anibersaryo po sa ating lahat mula sa mga kababayan po nating bumati mula sa malalayong lugar na ibang bansa ito po ang kanilang bahagi!

http://www.youtube.com/watch?v=hM3VkoB3_Iw Mula sa Singapore


Manila Buliteen:
http://www.mb.com.ph/articles/268954/96th-anniversary-iglesia-ni-cristo-tuesday-july-27-2010


Sun Star Pampanga
http://www.sunstar.com.ph/pampanga/inc-celebrates-96th-founding-anniversary


Inquirer.net
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100727-283410/Politicians-greet-influential-religious-group-INC-on-96th-year


Via Youtube:
http://www.youtube.com/watch?v=zmzGXoJw7kw - Naalehu & Kona
http://www.youtube.com/watch?v=gq68iGnTAIM - Hawaii, USA
http://www.youtube.com/watch?v=C5e1rS0lxXw - United State of America
http://www.youtube.com/watch?v=FPMTxMPGRoI - Kowloon, Hongkong
http://www.youtube.com/watch?v=NE3VGYc4bAQ&NR=1 - Hawaii USA

Monday, July 26, 2010

Sarap ng Feeling

Villagio Mall
July 26, 2010 620pm.to 810pm - Hay's sa wakas nabuo na naman ang araw ko kasi naka usap ko ng matagal ang pinakahihintay kong kausap ASAWA ko. Halos dalawang oras din kaming magkausap sa Gmail Chat. Syempre balitaan kung anu ang mga pangyayari sa PILIPINAS kung anu na ang kalagayan nila doon. Ganito talaga ang buhayOFW masaya ka kapag nakakausap mo ang mahal mo sa buhay sa pamamagitan lang ng internet. kahit ilang oras lang kayo mag kausap magkakaroon kana ng sigla ng iyong katawan. Paano pa kaya yung mga kababayan nating nakakulong dito sa ibang bansa siguro naiisip na rin ninyo iyon kung gaano sila katatag sa buhay. Sa bawat mali na ginagawa mo dito sa ibang bansa ay may kapalit na dusa, May mga nabalitaan ako na kahit wala kang kasalanan pilit ka pa rin paaamin sa kasalanan na hindi mo naman ginagawa. Karamihan dito ay pawang pagtatanggol lang sa sarili kaya nila nagawa yung kasalanan at sila ang naparusahan. Sana kababayan sa bawat gagawin mong hakbang dito ay pag isipan mo munang mabuti mahirap makipag sapalaran lalo kung pamilyadong tao kana.......

-TheGreat-

Kwento ni Rod

Si Rod ay isa sa mga nakilala ko dito sa Qatar pinakilala sya sa akin ng isang kaibigan, Dumating sya dito sa Qatar noong September 2009. Marami akong nalamang kwento sa kanya nung kami ay nag uusap, Mahigit sa 4 buwan siyang hindi pinapasweldo ng kanyang amo! Ang masakit pa nun yung pinag usapan nila ng kanyang employer dun sa agency sa Pilipinas ay hindi natupad. Ganun ang Kwento nya sa akin at halos sa araw araw naming pakikita noon ay bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Di ko akalain na mangyayari pala sa kahit sino  dito sa ibang bansa ang ganung pangyayari. Lumipas ang mga walong buwan at nagsara ang kumpanyang pinapasukan niya rito at ang masakit pa nito tangay pati ang passport niya. Pilit nyang hinihingi sa kanya amo ang release pero ganun talaga dito sa QATAR kailangan ma irelease ka bago ka makahanap ng trabaho o makauwi ng pilipinas. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin syang naghahanap ng swerte dito sa Qatar kahit na wala syang PATAKA(QATAR ID) ay pilit pa rin nya binubuhay ang kanyang sarili dito. Nagpapasalamat siya ng marami sapagkat marami siya naging kaibigan dito at isa na ako doon (THE GREAT). Sana makagawa tayo ng konting tulong sa kanya at hindi sa pera kundi ang tama pakikisama. Yun ang kailangan ng bawat tao rito sa abroad hindi mo kailangan ipagmalaki o ipagyabang kung anu ang narating mo! Kailangan mo tumulong sa kapwa nating Pilipino na hindi pinalad sa abroad. Good luck na lang kay BROTHER ROD. Ipinanalangin ko na malalagpasan mo ang lahat ng problema na darating sayo! 

Sunday, July 25, 2010

Traffic Rule in Qatar

Isa sa pinaka importanteng malaman ng mga Pilipino na nag nanais makapunta ng bansang Qatar ay ang Traffic Fine  karamihan sa mga pinoy na nag tratrabaho dito ay hindi makakalampas sa mga Traffic fine lalo na kung ang trabaho mo ay Driver o my issue na company car ang iyong pinapasukan at hindi ka makakalampas sa mga ipinatutupad na batas sa bansang Qatar! Mahirap para sa mga Pilipino na may sasakyan dito ang mabigyan ka ng Sticker na may kaakibat na multa. Isa na ako sa mga nabigyan ng sticker na yan at yan ang palagi kong tinatandaan. Sabi nga nila kapag wala ka nun hindi ka GRADUATE sa bansang QATAR...check this link para sa mga impormasyon na maaari mong malaman tungkol sa TRAFFIC RULE ng bansang QATAR 

PATAKA (QATAR ID)

Sa Anim na buwan ko dito sa abroad marami akong nalamang kwento at gusto ko ibahagi sa inyo! Marami dito sa bansang QATAR ang naghahanap ng iba't ibang sideline para makadagdag sa kanilang pera para maipadala sa pamilya na naghihintay sa PILIPINAS. Sa halos na anim na buwan ko dito nakita ko ang salamin ng isang manggagawang PINOY na pilit naghahanap ng pagkakakitaan! Alam ninyo na kapag nahuli ka na gumawa ng sideline sa trabaho at hindi mo iyon trabaho ay kulong ka at pag mumultahin kapa. Dito kasi sa Qatar may Tinatawag na PATAKA (QATAR ID) at iyon ang nagsasabi kung anung klase ang pinapasukan mo kapag wala kang PATAKA(QATAR ID) ay naku isang malaking problema yun sayo. Hindi ka makakauwi ng Pilipinas kaya napaka importante sa Qatar ang PATAKA(QATAR ID). May mga nakilala ako na wala silang PATAKA(QATARI ID) dahil expired na kaya panay nalang ang tago nila kapag may dumating na pulis. Kasi dito minsan my mga pulis na nag iinspeksyon ng PATAKA(QATAR ID) kapag wala ka nun naku kulong ka at my multa pa.   

kwento ni Sam

Hello TheGreat, Ang bigkas nya sa akin nung kami ay nagkita. Si Sam ay isang Pilipina na kliyente ko ang kanilang kompanya dito sa Qatar, Sabi nya sa akin TheGreat labas naman tayo ohhhh! Syempre kliyente ko kaya sabi ko ok cge mamayang hapon pag tapos ng work. Ilang beses sya tumawag sa akin upang malaman nya kung tuloy ba kami o hindi. Nakakahiya naman tumangi kasi kliyente ko nga kaya sa madaling usapan natuloy kami. Sinundo ko sya ng bandang 5:30 ng hapon at habang nasa sasakyan kami ay panay ang kwento nya sa akin tungkol sa kanyang buhay at syempre ako naman panay lang pakinig. Hindi ko lubos maisip kung bakit kinuwento nya sa kin ang kanyang buhay. Mula sa kanyang asawa na hindi maganda ang kinalabasan ng pagsasama sa dahilang pinag bubuhatan sya ng kamay at higit sa lahat Babaero pa. Dalawa ang anak ni SAM (dalawang lalaki). Nagpunta sya ng Qatar sa dahilang my sinundan syang BF(boy friend) akala nya magiging masaya nung nakapunta sya dito sa qatar kasi magkikita sila ng kanyang BF(boy friend) yun pala hindi kasi nakabalik na nag pilipinas yung BF(boy friend) nya. Malungkot si Sam habang nag kukwento sa akin kaya ako naman sinasabi ko sa kanya Don't Worry my dadating sayo na mas higit pa sa inaakala mo (para lang sumaya sya kaya ko sinasabi yun). Kinuwento rin nya sa akin yung tungkol sa na link sa kanya sa opisina nya na si CHRIS natanggal sa opisina kasi dahil sa kanya....(Ganda kasi ni LOLA ehh). Sabi ko sa kanya wag mo na intindihin ang mga bagay na hindi ka makikinabang kasi ibang iba dito kasya sa Pilipinas. Sabi ko sa kanya na gawin nyang mabuti ang bawat trabaho na binibigay sa kanya ng opisina kasi mahirap dito sa abroad (maraming Tsimis). Ang buhay dito sa abroad ay sukatan kung gaano ka katatag sa buhay, hindi dito pede mag laro o gumawa ng mali kasi mahirap ang mga batas sa abroad lalong lalo na sa middle east. Hanggang sa matapos ang gabi ay panay pa rin ang kwento ni SAM sa akin at syempre my ending din. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko kung bakit marami talaga sa atin ang gusto subukin ang abroad pero ng dumating ako dito karamihan sa narinig ko ay puro kabaliktaran. Marami sa atin sa pilipinas ang nag sasabing kapag nasa abroad ka (MAYAMAN KANA). Hays kung alam nyo lang..... heheheheehehe

kwento ni THEGREAT

Hay's ang aga ko gumising kasi kagabi nakaka 50x akong tawag sa asawa ko at wala man lang respond sa kanya. kinakabahan ako kagabi pa! Salamat na lang at paggising ko nakita ko agad ang mensahe niya sa cellphone ko at ito ang sabi niya. "Hi Papa ko! Pasensya ka na ha hindi ko na charge i2ng cp ko. ok naman po kami. hawag kang mag alala. Pasensya ka na PAPA. Mahal na mahal din kita. Pati mga anak mo Mahal n mahal ka. Kaya ingat ka dyan". Sa bawat letrang kanyang sinasabi ay unting unting nawawala ang homesick at pag alala ko sa kanila. Buti na lang at meron cellphone. Kaya maaga akong pumasok at gumawa ng sked para sa aking trabaho... Hay's ang buhayOFW talaga!

kwento ni Tso Paeng

Kaninang umaga July 25, 2010, kausap ko ang iba kong mga kasamahan sa trabaho at nagkakwentuhan! Isa na doon ang tinatawag naming si Tsong Paeng. Kinuwento nya sa amin nung nakapunta sya ng SAUDI ARABIA at pumasok sa isang printing press doon. Sinabi nya kung anu ang kalagayan ng kanyang pinapasukan at doon namain nalaman ang kanyang kwento. Hindi sya nagtapos ng kontrata sa dahilang mahigit na sa 3 buwan syang hindi pinapasweldo ng kanyang AMO. Naging makulit lang sya kaya sya nakakuha ng sweldo at yung ang pagkakataon upang sya ay gumawa ng paraan para makatakas sa kanyang AMO. Nagpunta sya ng backdoor sa JEDDAH kasi doon lang daw my deportation ng mga pilipino. Kinulong sya ng dalawang linggo ng mga pulis doon at pina deport pabalik ng pilipinas. Nagpapasalamat siya ng marami sapagkat nakabalik siya ng bansang Pilipinas at ngayon ay nakikipag sapalaran muli sa bansang QATAR. Sinabi niya rin sa amin na mas magandang mamasukan sa mga taong may kapangyarian sa bansang iyong pinunpuntahan.

Saturday, July 24, 2010

Si Pareng Kiko

Si Kiko ay isa sa kasamahan ko sa trabaho at siya ang nagturo sa akin kung paano makatulong sa ibang tao na hindi mo kailangang mag labas ng malaking pera para lang makatulong ka. Isa si KIKO na maituturing kong KAIBIGAN hindi lang kaibigan kundi isang tunay na kaibigan. Siya rin ang tumutulong sa akin upang gumawa ng ganitong akda na mula sa kanyang imahinasyon (http://mga-kathang-isip-ni-kiko.blogspot.com/) Mula sa mga nilalabas nya tula hanggang sa kwento. Makakalimutan mo ang mga problema kung ikaw ay isang OFW sundan ninyo ang bawat pitak ng kanya gawa at kayo na rin ang huhusga (Brother your the MAN)


Click this link
http://mga-kathang-isip-ni-kiko.blogspot.com/2010/07/kada-buwan-ay-pasko-sa-pamilyang-ofw.html

Ang kwento ni Anthony

Base sa liham nya po sa akin ay ganito! Nung 2008 ng sya ay nag punta ng Saudi upang hanapin ang kanyang kapalaran si Anthony ay binata at my sapat na gulang. Nung unang nakarating daw sya sa bansang SAUDI ay napakasaya daw nya at lahat ng kanyang kamag anak ay tuwang tuwa sa dahilan sya pa lang ang una sa magkakapatid na makakarating ng ibang bansa. Subalit ng makarating sya doon ay hindi nya inaakala na siya daw ay maloloko ng mga taong mapagsamantala! ILLEGAL RECRUITER Hindi nya alam kung anu ang kanyang gagawin dahil bago lang sya sa pag punta ng ibang bansa" Ito ang sinabi nya: Kung alam ko lang na ganito ang magiging buhay ko dito hindi na sana ako nag punta pa dito" ang katagang iyon ay palagi nyang sinabi kapag sya ay nag iisa. Tiniis nya ang hirap at pighati ng isang OFW. Hindi alam ng mga taong nagmamahal sya kanya kung anung klaseng hirap ang pinag dadaanan nya. Patuloy daw ang pag trato ng hindi tama sa kanya ng mga taong matagal ng nag tratrabaho dun sya lang kasi ang unang PILIPINO na nag trabaho sa kompanya ng pinapasukan nya! Lumipas ang mga buwan, taon at tapos na ang kontrata. March 15, 2010 ang pinakahihintay nyang sandali na muling tumapak sa bansang Pilipinas. Sinabi nya sa liham nya po sa akin ay mag ingat sa mga ILLEGAL RECRUITER sa pilipinas. Marami daw sa mga Probinsya na nag aalok ng ibang bansa.....

Lindol sa Pilipinas

Ngayon araw nabalitaan ko na lumindol daw sa Pilipinas kaya nagmamadali akong tumawag sa pilipinas upang kamustahin ko ang aking pamilya. Subalit wala akong makuhang signal upang sila ay maka usap! Hays sana naman ay okey silang lahat! Ganito talaga ang buhay abroad kapag my balita ikaw ang nahihirapan kasi gus2 mo my balita kang makukuha mula sa mahal mo sa buhay! Eto ang lastest news ng GMA7 After magnitude-6.9 quake, aftershocks shake Mindanao - Regions - GMANews.TV - Official Website of GMA News and Public Affairs - Latest Philippine News basahin na lang natin kung anu ang balitang hatid mula sa Pilipinas 

kwento ni THEGREAT



Tawagin na lang po ninyo akong si THE GREAT, tubong pasay at laki sa pasay! Nag pasya po akong mag ibang bansa sa kadahilan na mahirap ang buhay sa pilipinas, my asawa at dalawang anak. Naka alis ako ng bansa noong JANUARY 06, 2010. Karamihan sa atin sa pilipinas ay nag babalak na mag ibang bansa subalit hindi lahat ay pinalad bagkus salamin lang ito ng isang tunay na laban. Karamihan sa atin ay nagtitiis na mag trabaho upang my maihain sa ating pamilya. Isa ako sa mga taong nakasaksi kung anung klase ang mamuhay sa ibang bansa, buti na lang at pinalad ako na makapasok sa isang kompanya na maluwag ang may ari! Ginawa ang blog na ito upang maibahagi ang mga pangyayari sa aking buhay. Ang lahat ng aking isusulat dito ay pawang katotohanan na tungkol sa mga kababayan nating nakikipag sapalaran upang bigyan ng magandang kinabukasan ating mahal sa buhay!

Kung my nais kayong ibahagi na kwento ng iyong buhay ay mangyari po lamang na isulat ninyo sa aking email: jonh_axcelserolf@yahoo.com. Upang maibahagi po natin ang ating karanasan sa pag iibang bansa upang mabigyan natin ng konting kaalaman ang mga nagnanais mag ibang bansa!