Monday, July 26, 2010

Sarap ng Feeling

Villagio Mall
July 26, 2010 620pm.to 810pm - Hay's sa wakas nabuo na naman ang araw ko kasi naka usap ko ng matagal ang pinakahihintay kong kausap ASAWA ko. Halos dalawang oras din kaming magkausap sa Gmail Chat. Syempre balitaan kung anu ang mga pangyayari sa PILIPINAS kung anu na ang kalagayan nila doon. Ganito talaga ang buhayOFW masaya ka kapag nakakausap mo ang mahal mo sa buhay sa pamamagitan lang ng internet. kahit ilang oras lang kayo mag kausap magkakaroon kana ng sigla ng iyong katawan. Paano pa kaya yung mga kababayan nating nakakulong dito sa ibang bansa siguro naiisip na rin ninyo iyon kung gaano sila katatag sa buhay. Sa bawat mali na ginagawa mo dito sa ibang bansa ay may kapalit na dusa, May mga nabalitaan ako na kahit wala kang kasalanan pilit ka pa rin paaamin sa kasalanan na hindi mo naman ginagawa. Karamihan dito ay pawang pagtatanggol lang sa sarili kaya nila nagawa yung kasalanan at sila ang naparusahan. Sana kababayan sa bawat gagawin mong hakbang dito ay pag isipan mo munang mabuti mahirap makipag sapalaran lalo kung pamilyadong tao kana.......

-TheGreat-