Si Rod ay isa sa mga nakilala ko dito sa Qatar pinakilala sya sa akin ng isang kaibigan, Dumating sya dito sa Qatar noong September 2009. Marami akong nalamang kwento sa kanya nung kami ay nag uusap, Mahigit sa 4 buwan siyang hindi pinapasweldo ng kanyang amo! Ang masakit pa nun yung pinag usapan nila ng kanyang employer dun sa agency sa Pilipinas ay hindi natupad. Ganun ang Kwento nya sa akin at halos sa araw araw naming pakikita noon ay bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Di ko akalain na mangyayari pala sa kahit sino dito sa ibang bansa ang ganung pangyayari. Lumipas ang mga walong buwan at nagsara ang kumpanyang pinapasukan niya rito at ang masakit pa nito tangay pati ang passport niya. Pilit nyang hinihingi sa kanya amo ang release pero ganun talaga dito sa QATAR kailangan ma irelease ka bago ka makahanap ng trabaho o makauwi ng pilipinas. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin syang naghahanap ng swerte dito sa Qatar kahit na wala syang PATAKA(QATAR ID) ay pilit pa rin nya binubuhay ang kanyang sarili dito. Nagpapasalamat siya ng marami sapagkat marami siya naging kaibigan dito at isa na ako doon (THE GREAT). Sana makagawa tayo ng konting tulong sa kanya at hindi sa pera kundi ang tama pakikisama. Yun ang kailangan ng bawat tao rito sa abroad hindi mo kailangan ipagmalaki o ipagyabang kung anu ang narating mo! Kailangan mo tumulong sa kapwa nating Pilipino na hindi pinalad sa abroad. Good luck na lang kay BROTHER ROD. Ipinanalangin ko na malalagpasan mo ang lahat ng problema na darating sayo!
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW