Base sa liham nya po sa akin ay ganito! Nung 2008 ng sya ay nag punta ng Saudi upang hanapin ang kanyang kapalaran si Anthony ay binata at my sapat na gulang. Nung unang nakarating daw sya sa bansang SAUDI ay napakasaya daw nya at lahat ng kanyang kamag anak ay tuwang tuwa sa dahilan sya pa lang ang una sa magkakapatid na makakarating ng ibang bansa. Subalit ng makarating sya doon ay hindi nya inaakala na siya daw ay maloloko ng mga taong mapagsamantala! ILLEGAL RECRUITER Hindi nya alam kung anu ang kanyang gagawin dahil bago lang sya sa pag punta ng ibang bansa" Ito ang sinabi nya: Kung alam ko lang na ganito ang magiging buhay ko dito hindi na sana ako nag punta pa dito" ang katagang iyon ay palagi nyang sinabi kapag sya ay nag iisa. Tiniis nya ang hirap at pighati ng isang OFW. Hindi alam ng mga taong nagmamahal sya kanya kung anung klaseng hirap ang pinag dadaanan nya. Patuloy daw ang pag trato ng hindi tama sa kanya ng mga taong matagal ng nag tratrabaho dun sya lang kasi ang unang PILIPINO na nag trabaho sa kompanya ng pinapasukan nya! Lumipas ang mga buwan, taon at tapos na ang kontrata. March 15, 2010 ang pinakahihintay nyang sandali na muling tumapak sa bansang Pilipinas. Sinabi nya sa liham nya po sa akin ay mag ingat sa mga ILLEGAL RECRUITER sa pilipinas. Marami daw sa mga Probinsya na nag aalok ng ibang bansa.....
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW