Kaninang umaga July 25, 2010, kausap ko ang iba kong mga kasamahan sa trabaho at nagkakwentuhan! Isa na doon ang tinatawag naming si Tsong Paeng. Kinuwento nya sa amin nung nakapunta sya ng SAUDI ARABIA at pumasok sa isang printing press doon. Sinabi nya kung anu ang kalagayan ng kanyang pinapasukan at doon namain nalaman ang kanyang kwento. Hindi sya nagtapos ng kontrata sa dahilang mahigit na sa 3 buwan syang hindi pinapasweldo ng kanyang AMO. Naging makulit lang sya kaya sya nakakuha ng sweldo at yung ang pagkakataon upang sya ay gumawa ng paraan para makatakas sa kanyang AMO. Nagpunta sya ng backdoor sa JEDDAH kasi doon lang daw my deportation ng mga pilipino. Kinulong sya ng dalawang linggo ng mga pulis doon at pina deport pabalik ng pilipinas. Nagpapasalamat siya ng marami sapagkat nakabalik siya ng bansang Pilipinas at ngayon ay nakikipag sapalaran muli sa bansang QATAR. Sinabi niya rin sa amin na mas magandang mamasukan sa mga taong may kapangyarian sa bansang iyong pinunpuntahan.
pangmalakasan to!
ReplyDelete