Sunday, July 25, 2010

PATAKA (QATAR ID)

Sa Anim na buwan ko dito sa abroad marami akong nalamang kwento at gusto ko ibahagi sa inyo! Marami dito sa bansang QATAR ang naghahanap ng iba't ibang sideline para makadagdag sa kanilang pera para maipadala sa pamilya na naghihintay sa PILIPINAS. Sa halos na anim na buwan ko dito nakita ko ang salamin ng isang manggagawang PINOY na pilit naghahanap ng pagkakakitaan! Alam ninyo na kapag nahuli ka na gumawa ng sideline sa trabaho at hindi mo iyon trabaho ay kulong ka at pag mumultahin kapa. Dito kasi sa Qatar may Tinatawag na PATAKA (QATAR ID) at iyon ang nagsasabi kung anung klase ang pinapasukan mo kapag wala kang PATAKA(QATAR ID) ay naku isang malaking problema yun sayo. Hindi ka makakauwi ng Pilipinas kaya napaka importante sa Qatar ang PATAKA(QATAR ID). May mga nakilala ako na wala silang PATAKA(QATARI ID) dahil expired na kaya panay nalang ang tago nila kapag may dumating na pulis. Kasi dito minsan my mga pulis na nag iinspeksyon ng PATAKA(QATAR ID) kapag wala ka nun naku kulong ka at my multa pa.