Hello TheGreat, Ang bigkas nya sa akin nung kami ay nagkita. Si Sam ay isang Pilipina na kliyente ko ang kanilang kompanya dito sa Qatar, Sabi nya sa akin TheGreat labas naman tayo ohhhh! Syempre kliyente ko kaya sabi ko ok cge mamayang hapon pag tapos ng work. Ilang beses sya tumawag sa akin upang malaman nya kung tuloy ba kami o hindi. Nakakahiya naman tumangi kasi kliyente ko nga kaya sa madaling usapan natuloy kami. Sinundo ko sya ng bandang 5:30 ng hapon at habang nasa sasakyan kami ay panay ang kwento nya sa akin tungkol sa kanyang buhay at syempre ako naman panay lang pakinig. Hindi ko lubos maisip kung bakit kinuwento nya sa kin ang kanyang buhay. Mula sa kanyang asawa na hindi maganda ang kinalabasan ng pagsasama sa dahilang pinag bubuhatan sya ng kamay at higit sa lahat Babaero pa. Dalawa ang anak ni SAM (dalawang lalaki). Nagpunta sya ng Qatar sa dahilang my sinundan syang BF(boy friend) akala nya magiging masaya nung nakapunta sya dito sa qatar kasi magkikita sila ng kanyang BF(boy friend) yun pala hindi kasi nakabalik na nag pilipinas yung BF(boy friend) nya. Malungkot si Sam habang nag kukwento sa akin kaya ako naman sinasabi ko sa kanya Don't Worry my dadating sayo na mas higit pa sa inaakala mo (para lang sumaya sya kaya ko sinasabi yun). Kinuwento rin nya sa akin yung tungkol sa na link sa kanya sa opisina nya na si CHRIS natanggal sa opisina kasi dahil sa kanya....(Ganda kasi ni LOLA ehh). Sabi ko sa kanya wag mo na intindihin ang mga bagay na hindi ka makikinabang kasi ibang iba dito kasya sa Pilipinas. Sabi ko sa kanya na gawin nyang mabuti ang bawat trabaho na binibigay sa kanya ng opisina kasi mahirap dito sa abroad (maraming Tsimis). Ang buhay dito sa abroad ay sukatan kung gaano ka katatag sa buhay, hindi dito pede mag laro o gumawa ng mali kasi mahirap ang mga batas sa abroad lalong lalo na sa middle east. Hanggang sa matapos ang gabi ay panay pa rin ang kwento ni SAM sa akin at syempre my ending din. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko kung bakit marami talaga sa atin ang gusto subukin ang abroad pero ng dumating ako dito karamihan sa narinig ko ay puro kabaliktaran. Marami sa atin sa pilipinas ang nag sasabing kapag nasa abroad ka (MAYAMAN KANA). Hays kung alam nyo lang..... heheheheehehe
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW