Saturday, July 31, 2010

kwento ni THEGREAT

Kahapon kausap ko ang pinaka mamahal kong asawa at syempre masaya naman ako sa kanyang ginawa kasi mahigit sa 3 oras kami mag kausap ang buhay talaga namin ay talaga namang napaka hirap kasi sa komunikasyon pa lang ay hirap na kami sa isa't isa kasi ba naman yung computer na bagong bili ko ay na virus kaya ayun nasira. Pero syempre ang bagay naman ay madaling palitan at maayos kaya no worry pa rin kasi maayos din naman iyon! Ang pinaka importante sa lahat ay ang komunikasyon sa bawat isa mahirap talaga kapag wala kayong komunikasyon dahil iyon ang magiging dahilan ng pag aaway at pag hantong sa hindi magandang mangyayari! Marami akong nabalitaan na ganyan ang sitwasyon lalo na dito sa pinuntahan ko maraming gumagawa ng hindi maganda para sa pamilya kaya ayun ang hantong ehhh sad story! Kaya nga pilit akong nagsasabi sa asawa ko na kailangan magkaroon agad kami ng komunikasyon dahil iyon ay para na rin sa aming mag asawa.

1 comment:

  1. papa hwag kang mag alala lahat nmn po ng paraan ay ginagawa ko upang hindi maputol ang atng komunikasyon... allma ko kung gaano kahirap ang mamuhay sa ibang bayan... ngunit kung malakas ang pananampalataya mo ka Ama walang anomang mangyayari sa ating pamilya...
    just focus to your goal and stay faithfully to our Father...
    We love you so much papa

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW