Thursday, July 29, 2010

Agawan ng Kliyente

Team work PILIPINO
Hay naku ang buhay Qatar talaga! Mahirap talaga ang mkipag agawan ng kliyente sa mga taong nauna na sayo sa bansang ito. Marami sa mga Pilipino dito ay nahihirapang makahanap ng tunay na kasangga kung baga kapag kalahi mo yun ang uunahin nila na kunin o makipag transakyon. Ganito dito sa bansang pinuntahan ko sa dami ko ba naman napuntahan at nakilala iba't iba ang kanila istilo meron makikipag kaibigan sayo pero my intensyon pala, meron naman kala mo kasangga mo yun pala yun ang taong magbabasak sayo. Hay's ang buhay ng mga Pilipino talaga napakasarap kasi pinanganak tayong maabilidad at hindi umaasa sa mga bigay ng iba. kaya nga ang daming pilipino sa ibang bansa kasi kilala tayo sa pagiging madiskarte at higit sa lahat matalino. Sa loob ng anim na buwan ko na pag tatrabaho dito ay nakita ko kung paano makipag kumpensya ganito talaga kapag ahente ka STAR ka kung baga. Hay ang buhay natin parang life ika nga. Kaya para sa mga Pilipino na katulad ko kaya natin mga BROTHER! PILIPINO is better than other nationalities.......