Wednesday, July 28, 2010

Kwento sa Japan

Ohayo gozaimas

Ipapakilala ko sa inyo ang isang Pilipina na si (kaye) na nag bahagi ng kanyang kwento. Si Kaye ay isang pilipina na nagtapos ng mataas ng kurso sa PILIPINAS. Isa siya sa pinaka mabait na nakilala ko sa balat ng lupa, Marami sa kanyang ang nag aalok ng trabaho sa PILIPINAS pero minabuti pa rin niya na makapunta ng bansang JAPAN. Marami sa kanyang kamag anak ang humanga ng makapunta siya ng bansang JAPAN. Kilala ang promotion na napuntahan ni kaye hindi basta basta lang (BELLSTAR PROMOTION). Ikinuwento sa akin ni Kaye ang kanyang experince sa pag tratrabaho sa JAPAN. Sabi nya may tinatawag silang ONSEN(http://www.onsenjapan.net/onsenbasics.php) iyon daw ang namimiss niya sa bansang JAPAN. Karamihan kasi daw ng mga pilipina dun yun ang ginagawa para ma relak ang kanilang katawan at pag iiisip. Sa unang buwan niya doon ay panay ang tawag niya sa mga mahal sa buhay sa PILIPINAS dahil namiss-miss daw po nya ang kanyang pamilya. Marami sa atin ang nagtataka kung bakit karamihan sa mga Pilipina ay nasa bansang JAPAN. Anu ba ang meron hiwaga sa JAPAN, ganito lang ang kwento niya sa akin! Sa JAPAN daw kasi malaki ang pera na mai-uuwi mo kung ang trabaho mo ay entertainer iyon ang trabaho ng karamihan sa Pilipina dun! Doon siya nakapag pundar ng panimula para sa kanilang bahay at yun din ang naging daan kaya sila nakaahon sa kahirapan! Mahirap daw ang buhay ng mga Pilipina sa JAPAN pero taas noo pa rin nila ipinag mamalaki ang kanilang trabaho dahil doon sila nagsimula. Hindi ko na ikukwento ang pighati ng kanyang kalooban dahil ayaw niya ipaaalam pa sa atin ang naging kalagayan ni Kaye sa bansang JAPAN. Basta ang masasabi ko lang sa kanyang kwento ay buong pagmamamalaki niyang sinabi na kahit minsan ay hindi siya pumatol sa Nihonjin (lalaki). Taas noo niyang sinabi sa akin na ang buhay sa JAPAN ay isang pagsubok ng iyong katatagan lalo na sa iyong pag ibig.      

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW