Saturday, July 24, 2010

kwento ni THEGREAT



Tawagin na lang po ninyo akong si THE GREAT, tubong pasay at laki sa pasay! Nag pasya po akong mag ibang bansa sa kadahilan na mahirap ang buhay sa pilipinas, my asawa at dalawang anak. Naka alis ako ng bansa noong JANUARY 06, 2010. Karamihan sa atin sa pilipinas ay nag babalak na mag ibang bansa subalit hindi lahat ay pinalad bagkus salamin lang ito ng isang tunay na laban. Karamihan sa atin ay nagtitiis na mag trabaho upang my maihain sa ating pamilya. Isa ako sa mga taong nakasaksi kung anung klase ang mamuhay sa ibang bansa, buti na lang at pinalad ako na makapasok sa isang kompanya na maluwag ang may ari! Ginawa ang blog na ito upang maibahagi ang mga pangyayari sa aking buhay. Ang lahat ng aking isusulat dito ay pawang katotohanan na tungkol sa mga kababayan nating nakikipag sapalaran upang bigyan ng magandang kinabukasan ating mahal sa buhay!

Kung my nais kayong ibahagi na kwento ng iyong buhay ay mangyari po lamang na isulat ninyo sa aking email: jonh_axcelserolf@yahoo.com. Upang maibahagi po natin ang ating karanasan sa pag iibang bansa upang mabigyan natin ng konting kaalaman ang mga nagnanais mag ibang bansa!