Wednesday, July 26, 2017

Build Build Build Philippines - Duterte Nomics


In his 10-point Socioeconomic Agenda, President Rodrigo Duterte envisioned the reduction of poverty from 21.6% in 2015 to 13%-15% by 2022. 

Among the reforms that will drive this Agenda is the acceleration of infrastructure and the development of industries that will yield robust growth across the archipelago, create jobs and uplift the lives of Filipinos.

Infrastructure is among the top priorities of this Administration with public spending on infrastructure projects targeted to reach 8-9 trillion pesos from ‎2017-2022.

The Build Build Build Portal lists down high impact projects that are envisioned to increase the productive capacity of the economy, create jobs, increase incomes, and strengthen the investment climate leading to sustained inclusive growth.

It is a real-time tool where projects are monitored and tracked – with relevant information made available to everyone.

Please visit the site of Build Build Build Duterte Nomics for the complete project status.
Here's the link: http://www.build.gov.ph/





Tuesday, July 25, 2017

Kayamanan ng isang OFW


Ang tanging kayamanan ko sa Mundo 
ay ang pagmamahal ng pamilya ko.

Kaya kahit hirap ako sa pagtatrabaho
AY KAKAYANIN KO PARA SA KINABUKASAN
NG PAMILYA KO....

Gaano ba kahalaga sayo ang iyong pamilya? handa kabang gawin ang lahat para bigyan sila ng magandang buhay. Nagawa mo bang maging isang mabuting AMA o INA sa iyong pamilya?.

Wala namang ibang hangad ang isang OFW kundi ang kumita ng pera para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang isang AMA o INA ng tahanan ay palaging nag uunawaan sa mga bagay na para sa kanilang pamilya. Kung gaano nila pinahahalagahan ang kanilang mga sarili ay ganun din dapat ang pagpapahalaga nila sa kanilang pamilya.

Hindi na mahalaga ang maraming pera basta kumpleto lang kinikita at walang sakit ang mga bata. Ito ang hangad nating lahat kaya pahalagahan natin ang lahat ng bagay na ginagawa natin.






Monday, July 24, 2017

President Rodrigo Duterte - SONA 2017







President Rodrigo Duterte - SONA 2017

Ang mga linyang binitawan ni Pangulong Duterte na tumatak sa isip ko habang pinapanood ko ang kanyang ikalawang SONA ngayong 2017. Sa totoo lang nakikita ko sa kanya ang pag-kasinsero sa mga sinasabi niya wala pang akong nakitang naging presidente ng bansa na handang magpakamatay para lang maisakatuparan ang pagbabago ng bansa.

Nakita ko sa kanya ang tapat at malinis na hangarin para sa ikakabuti bansa. Subalit sa kabila ng kanyang pagpupursige ay mga ilan-ilan tayong mga kababayan na galit na galit pa rin sa kanya. Nakakainis sila tignan dahil wala naman silang naitutulong sa ating bansa.

Kagaya na lang po ng mga nag rally sa labas ng kongreso at sumisigaw palaban sa ating pangulo habang siya ay nagtatalumpati. Hindi ba nila alam na halos hindi na nga natutulog ang ating presidente para lang may magawa ikabubuti ng lahat. Mahirap intindihin ang mga taong ito dahil pilit nilang pinalabas na masama ang pangulo.

Nagulat ako sa ginawa ng pangulo dahil lumabas na naman sa balita na pinuntahan niya ang mga nag rally at kinausap. Ang kanyang pagmamahal ay walang katumbas dahil hindi niya alintana ang panganib sa pagpunta at makipag usap. Doon ko napagtanto na totoo ang kanyang sinabi at kaya niyang isang tabi ang galit at ibibigay pa rin niya ang respeto at pagmamahal sa kapwa niya Pilipino. Ang nakakainis lang naging bastos pa ang mga nag rally, imbis na makipag dialogo ay pilit pa rin nilang sinasabi ang kanilang mga demand. 

Diba nakakainis lang!

Ano nga ba ang pinaglalaban nila o baka naman may mga taong tumutulong sa kanila upang mag-rally at ipakita na tutol sila sa polisiya ng pangulo. Eto lang po ang tanong ko may naitulong po ba kayo sa pag unlad ng bansa. Puro nga kayo kalat sa kalye matapos ninyo mag rally. 

Salamat na lang at may mabuti tayong pangulo ng bansa sa ngayon na handang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para sa bayan. Alam kong magiging maayos ang ating bansa sa kabila ng kaguluhan dulot ng hindi pagkakaintindihan. Subalit ang hiling lang naming mga OFW ay patuloy sanang gabayan ang ating mahal na Pangulo upang magawa niya lahat para sa ikakabuti ng ating bansa.







2nd State of the Nation Address of President Rodrigo "ROA" Duterte

President Duterte Speech


State of the nation address of President Rodrigo Roa Duterte.






Saturday, July 22, 2017

Extension ng Martial Law sa Mindanao


July 22, 2017

Humingi ng extension si Sec. Lorenzana na ma extend ang Martial Law sa Mindanao. Nilinaw ng kalihim na kailangan itong gawin upang masugpo ang karahasan at mga kaguluhan. Marami na ang apektado at marami na rin ang napapatay sa hanay ng sundalo at mga terorista kaya naman nais nilang palawigin pa ang Martial Law upang hindi na makakuha pa ng suporta ang mga bandido. Kapag inalis daw ang Martial Law ay muli na naman magkakaroon ng lakas at makakuha ng pondo ang mga terorista dahil luluwag ang mga check points sa bawat daanan.

Karamihan sa mga mamamayan na naninirahan doon ay pabor dahil alam nila na mas makakabuti ito sa kanilang bayan. May mga ilan ilan lamang ang hindi sang ayon dahil siguro nais nilang matulungan ang bandido. 

Ayon sa mga naninirahan doon ay nais nila mawala ang mga taong sumisira sa kanilang bayan. Karamihan sa kanila ay sawa na sa giyera. Ang kanilang mga pamilya ay hindi makapamuhay ng maayos dahil sa karahasan. Nais nilang magkaroon ng mapayapang pamumuhay para magkaroon ng katahimikan. Marami sa kanila ang nasira ang kabuhayan at mga ari arian kaya naman lahat ng ito ay isinisisi sa mga teroristang umukopa sa Marawi.

Ang mga OFW na may pamilyang apektado sa karahasan ay nais magkaroon ng mapayapang solusyon. Walang ibang hanggad ang bawat mamamayan kundi ang maging maayos ang kanilang pamumuhay.



Paki alamero at Paki alamera - Buhay OFW Quotes


Paki alamero at Paki alamera

Marami sa ating mga kababayan ang may ugaling ganito. Ang paki alaman ang buhay ng may buhay. Siguradong isa ka sa mga nabiktima o isa ka sa mga may ugaling ito. 

Naaalala ko pa nga ang bilin sa akin ng aking AMA na wag akong maki alam sa mga bagay na hindi naman ako involve. Sa totoo lang may kasabihan tayo na "Ang taong paki alamero/alamera ay mga inggetero/inggetera" kung agree ka malamang may kakilala kang ganito na nakasama mo na.

Hindi maganda sa isang tao ang palagi na lang nakikialam sa buhay ng may buhay. Alamin natin kung ano anu ang idinudulot nitong problema sa kapwa. 

1. Pinakikialaman ang buhay tungkol sa relasyon.
2. Pinakikialaman ang mga bagay o pag aari ng walang paalam
3. Pinakikialaman ang trabaho na hindi naman niya trabaho.
4. Pinakikialaman ang sitwasyon kahit hindi naman siya involve.
5. Mahilig maki alam sa mga bagay na hindi naman niya kaya gawin.

Nakakainis diba, bakit hindi maiwasan ng isang tao ang ugaling ito. Bawat tao ay may mga sarili diskarte at may mga sariling pag iisip. Kaya hindi na natin dapat pang paki alaman kung ano ang hindi natin sakop. 

Sana maisip natin na bago tayo maki alam sa isang bagay ay dapat responsable tayo. Yung tipong makiki alam tayo pero sa ikakabuti at hindi sa ikakasama ng tao. Sa tingin ko dito agree kayo paki alaman kung makakatulong naman at hindi ang makakasira lang ng samahan.


Friday, July 21, 2017

Pangarap ng isang OFW


Sa TAMANG panahon makakamit ko din
ang matagal ko ng PANGARAP
KONTING TIIS PA

Isa ka din ba sa milyong OFW na may mataas na pangarap sa buhay. Kung OO dapat lagi natin iisipin na ang bawat pagtitiis natin sa ibayong dagat ay may kahalagahan. Sa bawat pagbili natin ng gamit, alahas, celphone, at mga bagay na materyal ay kinakailangan ng doubleng desisyon. Tandaan natin na ang mga gamit ay nasisira at madaling pagsawaan.

Hindi natin kailangan bumili ng mamahalin kung hindi naman sapat ang ating kinikita para bumili ng mga ito. Ang mga luho ay dapat nating iniwasan para makaipon tayo at may magamit sa oras ng kagipitan. 

May nakilala akong tao habang kasama ko siya isang okasyon napaka simple niya pero nang malaman ko ang kanyang istorya ay napahanga ako. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng itsura niya ay may mga ari-arian siyang napundar katas ng kanyang pagtitipid at mga sideline habang siya ay nasa abroad. Pinahanga ako ni kuya dahil hindi siya mayabang at ubod baba ng ere. Hindi ko siya nakitaan ng kayabangan sa kanyang mga naikwento bagkus ito ay ikinagulat ko. 

Ang pag uusap namin ng gabing iyon ang dahilan bakit ako napasulat na naman dito sa BuhayOFW. Sana ay magawa ko din ang kanyang mga diskarte sa buhay para ng sa gayon ay makamit ko din ang munting pangarap na aking palaging iniisip.



Tuesday, July 18, 2017

INGGIT - OFW QOUTES


Inggit sa kapwa

Sa totoo lang marami sa mga OFW ang may sakit na ganito. Kahit alam naman nilang hindi ito makakabuti sa kapwa nila OFW. May mga taong hindi kuntento sa pag angat ng iba bagkus ginagawan pa ng kakaibang kwento. 

Marami na akong narinig na kwento tungkol sa mga OFW pero ito ang isa sa pinakamarami. Karamihan sa kanila para lang makuha ang magandang pwesto ay gagawan nila ng hindi magandang kwento ang kasamahan nila. Ang nakakalungkot dito, ito ang nagiging dahilan kaya umaalis at nag reresign na lang ang kasamahan nila. 

Paano ba natin maiiwasan ang mainggit sa kapwa natin OFW? may mga paraan naman para hindi ka maiingit sa tinatamasa ng kapwa mo OFW. Narito po ang ilang sa mga paraan upang maiwasan ang pagka-inggit sa kapwa.

1. Palagi umattend sa mga Worship Services ng iyong relihiyon.
2. Maging pasensyoso sa lahat ng bagay, iwasan maging mapagmataas
3. Maging matalino upang umangat ang posisyon na hindi umaasa sa ibang tao.
4. Maging pala kaibigan at totoo sa kapwa. Iwasan maging plastik ang pag uugali.
5. Makuntento kung ano man ang nakukuha at hindi mapang hangad.

Alam kong kulang pa ang mga ito pero kung may nais kang idagdag ay mangyaring mag komento ka sa post trending na ito. Karamihan sa atin ay may sakit na ganito at hindi natin maiwas - iwasan subalit kung alam naman nating makakasama sa kapwa natin ay mas maigi pang iwasan nating mainggit sa ating kapwa.