Friday, August 27, 2010

Mensahe Mula sa Korea

Korea Flag
Mensahe ng isang taga korea mula sa bansang PILIPINAS. Nabasa ko ang mensaheng ito mula sa youtube habang ako'y nanood ng ilang kanta na pinipili ko para ilagay ko sa MrDJ Song. Hindi ako makapaniwala bigla na lang pumasok sa akin ang mensaheng ito na tungkol sa ating bansa. Totoong marami sa ating mga PILIPINO ang hindi nagmamahal sa ating bansa dahil kitang kita naman karamihan sa ating mga malalaking kompanya ay banyaga ang namumuhunan kaya marami sa atin ang mahirap. Alam naman natin lahat na talagang laganap ang korapsyon sa ating gobyerno pero hindi naman talaga sagot iyon para umunlad ang ating bansa. Ang kailangan po natin ay ang pagmamahal at pagkakaisa para po maging maayos ang takbo ng ating gobyerno at syempre ng ating bansa. Sana ay umabot sa ating pangulo ang mensaheng ito para naman makagawa sya ng alternatibong paraan para makabangon ang mga mahihirap nating kababayan na kagaya ko na kailangan ko pang mag ibang bansa para lang masuportahan ko ang aking pamilya. Maraming salamat kay Jaeyoun Kim sa mensahe mo para sa aming mga Pilipino. Mabuhay ka at lubos akong umaasa na makakararating ang mensahe mo sa aming mga PILIPINO. 

Tuesday, August 17, 2010

BuhayOFW IRAQ at AFGAHNISTAN

Talaga namang nakakamangha ang lakas ng loob mo sa pag punta diyan sa bansang namumuo ang giyera at laban. Hindi ka pa rin natinag at nawalan ng lakas ng loob kaya hanga ako sa lakas ng loob mo kabayan! kaya naman nais ko din ibahagi sa mga kaibigan ko dito saBuhayOFW ang iyong kwento. Salamat sa GMANEWS.TV sa pagbahagi ng kwento itong para malaman din ng iba pa nating kababayan.

Basahin dito BuhayOFW:
Iraq War
Afghanistan War

Saturday, August 14, 2010

kwento sa Saudi Arabia (Shella)


Mula sa Kwento ng isang taong tumakas upang kalimutan ang asawang naghanap ng ibang babae kahit may asawa na. Nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang nabasa kong kwento ng isang ginang na mula sa GMANEWS.TV pinoy abroad ang kwento ni Shella na tumakas sa kanyang asawa upang hanapin ang kapalaran sa abroad dahil sa ginawa ng kanyang asawa na mangbabae. Sana maging leksyon po ito sa mga OFW at kapulutan natin ng aral.

Sa iyo Shella ang mapapayo ko lang dapat kinausap mo ng maaga ang iyong mister sa natuklasan mong pangloloko niya sayo dahil kawawa ang iyong anak na nasa piling lang iyong asawa.


Basahin ang Kwento 
http://bit.ly/cUX7A5

Monday, August 9, 2010

BuhayOFW (Tinatamad KABA)

JUAN TAMAD
Araw araw iniisip ng isang OFW ang kumita ng pera para makapag ipon para pag uwi niya sa PILIPINAS ay may pera siyang dala para sa kanyang pamilya. Ganito lagi ang nasa isip ng mga taong sumusubok makipag sapalaran sa magulong buhayOFW. Tayong mga PILIPINOay hindi tamad bagkus tayo pa ang madalas kunin ng mga dahuyan dahil alam nila ang ating kakayahan. Pero meron mga taong tamad at umaasa lang sa mga bigay ng kakilala at kaibigan para mabuhay sa labas ng bansa at yan ang minsan nakikita ko sa ibang tao. Napakahirap ang buhay sa ibang bansa lalo na kung nag iisa ka lang, Sa accomodation mo wala kang kausap kasi ibang lahi ang kasama mo. Naiisip mo rin siguro bakit ganito ang nangyari sa akin kala ko marami akong magiging kaibigan dito? Brother mahirap ang maging tamad at walang direksyon sa buhay. Alam kong nahihirapan kana sa mga amo mong sobra kung mag utos at hindi mo alam kung anu ba talaga ang ugali nila. Ganun talaga ang buhay natin dito! "alila" nga di ba marami sa atin dito ang nakakagawa ng hindi maganda sa kanilang amo dahil ubos na ang pasensya kaya ang iba ayun problema. Nandito ka hindi para magsaya nandito ka kasi para sa pamilya mo na naghihintay sayo PILIPINAS kung kelan ka babalik sa kanila. Gusto mo bang maging tamad na lang palagi sa tingin ko ayaw mo kasi kailangan mong kumita para sa pamilya mo. Kung naalala ninyo pa ang kwento ni JUAN TAMAD hay naku malamang sa kangkungan kayo pupulutin dahil sa sobrang katamaran ng taong yan. Kaya gising na BROTHERhindi ka nag punta dito para mag tamadtamad sa trabaho. Share ko lang sa inyo yung post ko na PATAKA(QATAR ID)http://buhayofw2010.blogspot.com/2010/08/kwento-sa-qatar_5213.html para sa mga taong guamgawa ng sideline. Reminders lang po para wala kayong maging problema.

Sunday, August 8, 2010

BuhayOFW (Nakakalimot ka)


Nakakalimot kaba sa iyong pamilya? Baka hindi mo sila kinakamusta? Nakapagpadala ka na ba ng pera nila pang gastos para sa mga anak mo. Sana hindi mo sila baliwalain dahil sila ang dahilan kung bakit ka nagpunta ng ibang bansa. Alam kong maraming tukso at problema ang nangyayari sa iyo dito pero hindi mo sinasabi sa kanila dahil ayaw mo malaman nila ang nagyayari sayo dahil ayaw mong mag alala sila. Ano ba ang problema at ganyan ang ginagawa mo. Ang dami mong dahilan at mga palusot pero ang totoo may kasama ka pala  dito na iba. Sana maisip mo ang ginagawa mo ay para sa kanila at hindi ka nag punta dito para magpakasarap sa piling ng iba. Isipin mo na may anak at asawa ka na naghihintay sayo. Bago ka gumawa ng anuman bagay na ikawawasak ng pamilya mo. Sana maisip mo na darating ang araw na baka sa anak mo mangyari ang lahat ng ginagawa mo. Sa mga taong nakakalimot lalo na sa mga taong may kasamang iba wag mo ng dagdag pa ang problema ng iba at baka magkaroon pa ng mas malalim na problema. Mas masarap ang pakiramdam kapag ang ginagawa mo ay ayon sa iyong pamilya. Sana dumating ang araw at maisip mo na hindi pa huli ang lahat para magbago ka. Masakit tanggapin kapag huli na ang lahat malalaman mo na lang mas nasaktan ka dahil nawala sila..... 


Para sa mga taong nakalimot sa pamilya
http://bit.ly/9rFh2c

Saturday, August 7, 2010

Kwento sa Qatar

DISTANCE
Gabi gabi na lang bago ako matulog hindi ko maaalis sa akin ang hindi ko pagmasdan ang mga litrato ng aking pamilya. Heto na naman at nararamdaman ko naman ang homesick. Pero syempre life must go on. Kaya nga tayo umalis ng bansa para sa kanila eh! Tama ba ako dyan kabayan kapag dumating na ang oras ng sweldo syempre bida ka naman sa asawa mo kasi ipapadala mo na yung pera na para sa pang gatos sa araw araw sa Pilipinas. Sabi nga sa kasabihan "lilipad na naman ang pera sa kamay" hanggang hawak ka lang hehehehehe..... Natatawa ako nung unang buwan ko dito sa abroad kala ko madaling kumita ng pera dito kasi abroad medyo malaki ang pera. Pero hindi pala kalabaryo pala ang napapala ng ibang nandito katulad din sa Pilipinas kasi marami ako nkasalamuha na mga pinoy dito. Kasi syempre ahente ako araw araw sa labas ang work ko. Marami akong nabalitaan na grabe ang nangyari sa kanila. Biro mo ba naman bago pa lang sila umalis ng bansa gumatos na sila ng malaking pera pagkatapos pag dating sa abroad hay naku naloko lang pala. Karamihan dito na nakilala ko hindi nila sinasabi ang tunay nilang kalagayan kasi ayaw nila mapahiya ganun talaga ang mga pilipino medyo mataas ang pride. Alam ba ninyo na mas grabe pala ang dinadanas ng mga OFW sa ibang bansa kumpara kapag nasa Pilipinas ka. Para sa akin first choice ko pa rin ang Pinas para mag work pero ang kailangan kong gawin mag ipon para sa itatayo kung business ayoko na maging empleyado gusto na magkaroon ng sariling mapagkikitaan. Ang saya siguro ng pakiramdam kapag unti unti mong nakakamit ang gusto mong mangyari lahat kami dito sa kompanyang pinasukan namin ay ganun lang ang laging iniisip ang makakuha ng malaking pera makapag-ipon at makapag simula para sa panibagong buhay sa PILIPINAS. Sabi nga sa kasabihan "kapag may isinuksok may bubunutin". Tama ba yun hehehehehe walang malisya ahhh! Baka iba naman ang nasa isip ninyo. Basta ako masaya ako kapag nakakapag padala ako ng malaking pera sa asawa ko sa PILIPINAS at alam ko na hindi sila nagugutom ayos na ako dito. 

Friday, August 6, 2010

Kwento sa Qatar

Mga kapatid alam ba ninyo na may malungkot akong balita sa inyo na isa sa mga kasamahan ko sa Iglesia ni Cristo dito sa Qatar ay namayapa na sa biglaang heart attack, Hindi ko na maaari i details ang pangyayari kasi po hindi naman po ako nabigyan ng permiso ng pamilya. Isang malungkot na balita po sa aming kapatiran ang ganitong nangyari. Sa pamilya po ng namatayan kami po lubos na nakikiramay sa inyo!






Thursday, August 5, 2010

Kwento sa Qatar

QATAR FLAG
Heto na naman ako at nagkukwento ng mga bagay na nagawa at nangyayari dito sa aKin sa QATAR. Kaninang umaga pinakita sa amin ng aming MANAGER ang tally ng mga sales ng bawat isa sa amin. Nakakalungkot namang isipin na anim na buwan kong nanatili dito sa QATAR pero never ko pa na Hit Sheet yung target na gusto ng boss ko na magawa namin. Hay's ang buhay marketing talaga kailangan mo ng lakas ng loob at determinasyon sa buhay bago mo makamit yung minimithi mo. Naalala ko tuloy yung sinabi ng boss ko sa HIGHREZ ang katagang "Kapag may ITINANIM may AANIHIN". Sabagay sabi naman nila lahat daw ng mga nandito ngayon ay ganun talaga ang nangyayari kasi nga First Time sa abroad. Pero ganun talaga ang buhay basta lagi lang daw tandaan  Family First before anything. Kaya tuloy lang buhay kasi mangyayari talaga ang dapat mangyari. "Kapag may Tyaga may Nilaga". 




Are you feeling sad the same as i feel?





Wednesday, August 4, 2010

Kwento sa Singapore



Singapore Flag
Ang Kwentong ito ng isang ginang sa kanyang anak ay sobra naman nakakatouch habang binabasa ko ito. Naalala ko tuloy nung nasa PILIPINAS pa ako habang hinihilot ko ang bunsong anak ko na si ALEXANDRA. kailangan ko kasi siya na hilutin para lumakas ang mga buto niya. Naalala ko rin yung panganak ko ng anak habang inaayusan ko siya ng kanyang damit. sobrang nakaka miss talaga ang mga ganitong sandali habang kasama mo ang iyong mga anak sa PILIPINAS. Salamat sa liham ni E. Velonza na nailathala sa gmanews.tv na nagbigay sa akin ng inspiration para lalo akong magtrabaho dito sa abroad.


tunghayan ninyo ang buong kwento ni E. Velonza na mula sa bansang Singapore


"Mahirap mag isa lalo na sa "first time MOM" na katulad ko. Wala si Papa mo dahil kailangan niyang mag trabaho bilang MARINO. Umaga't hapon ang paghilot ko sayo para hindi ka kabagan, Pati tuhod mo para maging malakas ang buto at madaling makalakad".


Ito po ang buong kwento niya Basahin ninyo:
http://www.gmanews.tv/story/197689/ang-damdamin-ng-isang-mapagmahal-na-ina


Papa Alex and Ate AJ
Papa Alex
PApa Alex and LEKLEK

Flores Family

Tuesday, August 3, 2010

Pangulong P-NOY (NOYNOY AQUINO)

PRESIDENT NOYNOY AQUINO
Mula sa liham na nabasa ko sa GMANEWS.TV ay isa ako sa mga maraming OFW na nagnanais na manatili sa bansang ating pinagmulan! Kaya na nabasa ang  kong artikulo na LETTER TO P.NOY FROM AN OFW ay bumukas din sa isipan ko ang ganitong sitwasyon namin ng pamilya ko sa PILIPINAS. Sana nga po matupad ang sinasabi ninyo na kaginhawaan para sa lahat ng mahihirap at mawala na ang korapsyon sa gobyerno. Narito po ang liham ng isa nating kasama mula sa GMANEWS.TV PINOY ABROAD.

Basahin ang Liham:

Monday, August 2, 2010

Kwento sa Canada

CANADA FLAG

Walang Imposible sa Diyos, Humiling ka lang

Gusto ko lang pong i share sa lahat ng tao sa PILIPINAS na wala pong imposible basta ipagdasal mo lamang.

Ako po ay isang room attendant  sa isang hotel sa PINAS( contract worker) at ngayon dahil sa aking pagsisikap isa na po akong supervisor sa magandang hotel dito sa Canada.

Isa lang po ako noon sa mga nagnais makapunta sa abroad para makatulong sa pamilyang mahirap. At sa aking apgsisikap ay naabot ko po ito. Kasi para sa akin walang imposible sa Poong Maykapal basta hihilingin mo lang ng taos sa puso.

Ako po ay isang contract worker bilang room attendant sa isang hotel sa PILIPINAS. Ni sa panaginip ay di ko naiisip na makakarating ako sa abroad kasi wala akong pera para gamitin sa pagkuha ng papeles sa pag aapply. Ang sahod ko na 4,000 pesos kada buwan ay kasya lamang sa pagpapadala sa pinag aaral kong kapatid at pang gatos ng magulang ko sa probinsya. Kapag kinakapos nangungutang na lang ako pang bayad sa boarding house. May pangyayari po sa aking buhay bago ako nakapunta dito na hindi ko makakalimutan at nagsilbi iyong inspirasyon para lumingon ako sa aking pinanggalingan.

Nagbakasakali akong mag apply kahit hindi ko alam ang kasiguraduhan hanggang sa maubos ang aking pera sa mga requirement at pang apply ngvisa. Dumating po ang punto na wala na po akong matakbuhan para makuhanan ng pera. Magulong magulo na ang isip ko dahil marami na akong utang. Dumating pa ang punto na sumabay pa ng humihingi ng pera ang kapatid ko kasi my sakit. Tapos ang kapatid ko na nag aaral ay kailangan mag bayad ng tuition fee. Halos dalawang araw na lang ako kumain sa isang araw sa PINAS. Hanggang sa naisipan kong kumapit na lang sa DIYOS kasi hindi ko nakayang dahil ang aking problema.

Pumunta ako sa Quiapo at nag dasal kinausap ko si GOD sabi ko “Kung talagang mahal ninyo ako at tinatanggap bilang anak, tulungan ninyo po ako ng ma solve ang aking problema. Bulungan ninyo po ako kahit konting pag-asa”.
Tapos bigla kong nasabi na dala ng aking pagkadesperada na “Kung ayaw po ninyo akong papuntahin ng CANADA ay pwede po bang papanalunin nalang ninyo ako sa LOTTO”.

Hanggang sa pag-uwi ko my nag aalok sa akin na kaibigan na magpahiram ng pera kahit di muna bayaran. Pagka umaga nakatanggap ako ng tawag mula sa embassy na my VISA na ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam kong lang dininig ng DIYOS ang panalangin ko. Iyak lang ang naging tugon ko sa kanya. Iyak ng pasasalamat. Bago ang flight ko nagpamisa at namigay ako ng pagkain sa mga bata sa kalye. Doon ko lang mababayaran ang diyos sa mga kabutihan niya sa akin.

Pasensya na kayo kung hindi ako magaling mag kwento at hindi ko po masabi lahat. Gusto ko po sanang isalaysay lahat kasi gusto ko pong makapagbigay ng aral sa iba at inspirasyon ang kwentong ito na walang imposible kay GOD.

Salamat mga GMA kapuso dahil sa inyo updated kami ng balita sa PILIPINAS

Thanks KAPUSO

Sheila Mae Balagbano
Canmore, Alberta Canada

Ang kwentong ito ay na publish sa GMAnews.tv Kapuso abroad. Isa po itong inspirasyon para mga taong nagnanais mag abroad nawa'y makatulong sa inyo ang kwento ni Sheila.

Sunday, August 1, 2010

Buhay namin sa QATAR



Sa Grupo namin dito sa Qatar ngayon ay napakasaya, Alam ninyo ba kung bakit kasi lahat kami dito ay pare parehas ang dinadanas HOMESICK karamihan kasi sa mga nag aabroad ay nakakaranas ng homesick kahit sino ka man. Siguro iniisip ninyo bakit kaya ganito kapag nasa abroad nakakamiss ang PILIPINAS. Kung ikaw ay pamilyadong tao malamang lalo mo mararanasan ang HOMESICK lalo na kung may anak kana! Ako 2 ang baby na iniwan ko sa PILIPINAS at puro maliit pa kaya nga lalo ako na HOMESICK ehhh kasi di ko sila kasama. Nakakatawa kaya kami ng nung isang gabi habang sabay sabay kaming natutulog aba akalain ninyo nag patutog si Tsong Paeng ng mga kanta na puro pamagat eh PANG BISAYA tawa kami ng tawa habang nakikinig sa mala anghel na tutog na na mula sa kanyang Cellphone. Para kaming baliw na kakaisip sa mga mahal naming sa buhay sa PILIPINAS. Akalain ninyo kinanta pa namin at with matching DJ pa kami. Ganito lang ang buhay naming dito Qatar minsan malungkot at minsan Masaya. Ok lang yun at least lahat kami walang samaan ng loob mahirap kasi kung magkakaroon ng samaan ng loob napakahirap gumalaw  hindi mo alam kung bakit kayo nagkasamaan ng loob. Kaya lahat ng nag aabroad dito ditto makikita ang mga totoong ugali at ditto mo mararanas ang tunay na klase ng buhay hindi tulad sa PILIPINAS. Ganito talaga buhayOFW minsan my topak minsan naman ok basta lahat kami dito masaya at tulong tulong ayos na yun.