Saturday, August 7, 2010

Kwento sa Qatar

DISTANCE
Gabi gabi na lang bago ako matulog hindi ko maaalis sa akin ang hindi ko pagmasdan ang mga litrato ng aking pamilya. Heto na naman at nararamdaman ko naman ang homesick. Pero syempre life must go on. Kaya nga tayo umalis ng bansa para sa kanila eh! Tama ba ako dyan kabayan kapag dumating na ang oras ng sweldo syempre bida ka naman sa asawa mo kasi ipapadala mo na yung pera na para sa pang gatos sa araw araw sa Pilipinas. Sabi nga sa kasabihan "lilipad na naman ang pera sa kamay" hanggang hawak ka lang hehehehehe..... Natatawa ako nung unang buwan ko dito sa abroad kala ko madaling kumita ng pera dito kasi abroad medyo malaki ang pera. Pero hindi pala kalabaryo pala ang napapala ng ibang nandito katulad din sa Pilipinas kasi marami ako nkasalamuha na mga pinoy dito. Kasi syempre ahente ako araw araw sa labas ang work ko. Marami akong nabalitaan na grabe ang nangyari sa kanila. Biro mo ba naman bago pa lang sila umalis ng bansa gumatos na sila ng malaking pera pagkatapos pag dating sa abroad hay naku naloko lang pala. Karamihan dito na nakilala ko hindi nila sinasabi ang tunay nilang kalagayan kasi ayaw nila mapahiya ganun talaga ang mga pilipino medyo mataas ang pride. Alam ba ninyo na mas grabe pala ang dinadanas ng mga OFW sa ibang bansa kumpara kapag nasa Pilipinas ka. Para sa akin first choice ko pa rin ang Pinas para mag work pero ang kailangan kong gawin mag ipon para sa itatayo kung business ayoko na maging empleyado gusto na magkaroon ng sariling mapagkikitaan. Ang saya siguro ng pakiramdam kapag unti unti mong nakakamit ang gusto mong mangyari lahat kami dito sa kompanyang pinasukan namin ay ganun lang ang laging iniisip ang makakuha ng malaking pera makapag-ipon at makapag simula para sa panibagong buhay sa PILIPINAS. Sabi nga sa kasabihan "kapag may isinuksok may bubunutin". Tama ba yun hehehehehe walang malisya ahhh! Baka iba naman ang nasa isip ninyo. Basta ako masaya ako kapag nakakapag padala ako ng malaking pera sa asawa ko sa PILIPINAS at alam ko na hindi sila nagugutom ayos na ako dito. 

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW