Monday, August 9, 2010

BuhayOFW (Tinatamad KABA)

JUAN TAMAD
Araw araw iniisip ng isang OFW ang kumita ng pera para makapag ipon para pag uwi niya sa PILIPINAS ay may pera siyang dala para sa kanyang pamilya. Ganito lagi ang nasa isip ng mga taong sumusubok makipag sapalaran sa magulong buhayOFW. Tayong mga PILIPINOay hindi tamad bagkus tayo pa ang madalas kunin ng mga dahuyan dahil alam nila ang ating kakayahan. Pero meron mga taong tamad at umaasa lang sa mga bigay ng kakilala at kaibigan para mabuhay sa labas ng bansa at yan ang minsan nakikita ko sa ibang tao. Napakahirap ang buhay sa ibang bansa lalo na kung nag iisa ka lang, Sa accomodation mo wala kang kausap kasi ibang lahi ang kasama mo. Naiisip mo rin siguro bakit ganito ang nangyari sa akin kala ko marami akong magiging kaibigan dito? Brother mahirap ang maging tamad at walang direksyon sa buhay. Alam kong nahihirapan kana sa mga amo mong sobra kung mag utos at hindi mo alam kung anu ba talaga ang ugali nila. Ganun talaga ang buhay natin dito! "alila" nga di ba marami sa atin dito ang nakakagawa ng hindi maganda sa kanilang amo dahil ubos na ang pasensya kaya ang iba ayun problema. Nandito ka hindi para magsaya nandito ka kasi para sa pamilya mo na naghihintay sayo PILIPINAS kung kelan ka babalik sa kanila. Gusto mo bang maging tamad na lang palagi sa tingin ko ayaw mo kasi kailangan mong kumita para sa pamilya mo. Kung naalala ninyo pa ang kwento ni JUAN TAMAD hay naku malamang sa kangkungan kayo pupulutin dahil sa sobrang katamaran ng taong yan. Kaya gising na BROTHERhindi ka nag punta dito para mag tamadtamad sa trabaho. Share ko lang sa inyo yung post ko na PATAKA(QATAR ID)http://buhayofw2010.blogspot.com/2010/08/kwento-sa-qatar_5213.html para sa mga taong guamgawa ng sideline. Reminders lang po para wala kayong maging problema.

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW