Monday, August 2, 2010

Kwento sa Canada

CANADA FLAG

Walang Imposible sa Diyos, Humiling ka lang

Gusto ko lang pong i share sa lahat ng tao sa PILIPINAS na wala pong imposible basta ipagdasal mo lamang.

Ako po ay isang room attendant  sa isang hotel sa PINAS( contract worker) at ngayon dahil sa aking pagsisikap isa na po akong supervisor sa magandang hotel dito sa Canada.

Isa lang po ako noon sa mga nagnais makapunta sa abroad para makatulong sa pamilyang mahirap. At sa aking apgsisikap ay naabot ko po ito. Kasi para sa akin walang imposible sa Poong Maykapal basta hihilingin mo lang ng taos sa puso.

Ako po ay isang contract worker bilang room attendant sa isang hotel sa PILIPINAS. Ni sa panaginip ay di ko naiisip na makakarating ako sa abroad kasi wala akong pera para gamitin sa pagkuha ng papeles sa pag aapply. Ang sahod ko na 4,000 pesos kada buwan ay kasya lamang sa pagpapadala sa pinag aaral kong kapatid at pang gatos ng magulang ko sa probinsya. Kapag kinakapos nangungutang na lang ako pang bayad sa boarding house. May pangyayari po sa aking buhay bago ako nakapunta dito na hindi ko makakalimutan at nagsilbi iyong inspirasyon para lumingon ako sa aking pinanggalingan.

Nagbakasakali akong mag apply kahit hindi ko alam ang kasiguraduhan hanggang sa maubos ang aking pera sa mga requirement at pang apply ngvisa. Dumating po ang punto na wala na po akong matakbuhan para makuhanan ng pera. Magulong magulo na ang isip ko dahil marami na akong utang. Dumating pa ang punto na sumabay pa ng humihingi ng pera ang kapatid ko kasi my sakit. Tapos ang kapatid ko na nag aaral ay kailangan mag bayad ng tuition fee. Halos dalawang araw na lang ako kumain sa isang araw sa PINAS. Hanggang sa naisipan kong kumapit na lang sa DIYOS kasi hindi ko nakayang dahil ang aking problema.

Pumunta ako sa Quiapo at nag dasal kinausap ko si GOD sabi ko “Kung talagang mahal ninyo ako at tinatanggap bilang anak, tulungan ninyo po ako ng ma solve ang aking problema. Bulungan ninyo po ako kahit konting pag-asa”.
Tapos bigla kong nasabi na dala ng aking pagkadesperada na “Kung ayaw po ninyo akong papuntahin ng CANADA ay pwede po bang papanalunin nalang ninyo ako sa LOTTO”.

Hanggang sa pag-uwi ko my nag aalok sa akin na kaibigan na magpahiram ng pera kahit di muna bayaran. Pagka umaga nakatanggap ako ng tawag mula sa embassy na my VISA na ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam kong lang dininig ng DIYOS ang panalangin ko. Iyak lang ang naging tugon ko sa kanya. Iyak ng pasasalamat. Bago ang flight ko nagpamisa at namigay ako ng pagkain sa mga bata sa kalye. Doon ko lang mababayaran ang diyos sa mga kabutihan niya sa akin.

Pasensya na kayo kung hindi ako magaling mag kwento at hindi ko po masabi lahat. Gusto ko po sanang isalaysay lahat kasi gusto ko pong makapagbigay ng aral sa iba at inspirasyon ang kwentong ito na walang imposible kay GOD.

Salamat mga GMA kapuso dahil sa inyo updated kami ng balita sa PILIPINAS

Thanks KAPUSO

Sheila Mae Balagbano
Canmore, Alberta Canada

Ang kwentong ito ay na publish sa GMAnews.tv Kapuso abroad. Isa po itong inspirasyon para mga taong nagnanais mag abroad nawa'y makatulong sa inyo ang kwento ni Sheila.

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW