Wednesday, June 27, 2012

PhilHealth Issue Ibasura ang Dagdag Singil



Pinaglalaban ng mga OFW sa buong mundo ang pagbasura sa dagdag singil ng PhilHealth na nais ipataw sa lahat ng mga Pilipinong nais mag trabaho sa ibang bansa. Pinangunahan ng isang social media group na Global OFW Voices at PEBA (Pinoy Expat/OFW Blog Awards) ang pagbabasura tungkol dito. Ito ang kanilang hinaing “OFWs NO TO 100% INCREASE IN PREMIUMS IN JANUARY 1, 2013, IMPROVED BENEFITS, EXPAND DEPENDENTS COVERANGE TRANSPARENTCY AT EASE OF ACCESS FOR OFWS”.

Isang sulat ang kanilang ginawa para kondenahin ang panukalang ito:

“Isang taos pusong panawagan mula sa mga OFW para po sa Presidente ng PhilHealth na si Dr. Eduardo Banzon. Hindi po lahat ng OFW pare pareho ang sweldo at hindi lahat nakikinabang sa serbisyo”.
“Sana po wag ninyo nang dagdagan ng 100% ang bayarin naming na SAPILITAN mula sa P1200 ay magiging P2400 sa January 01, 2013. Maimprove sana muna po yung mga benefits para sa mga OFW,” Global OFW VOICES said.

Sa mahigit na 2.6M na ang miyembro na OFW at 2.5M na dependents nito. Ang dapat kailangan gawin ng PhilHealth ay magkaroon ng magandang serbisyo para sa mga OFW at hindi ang dagdag singil.

Kung ating aalamin lamang ang katotohan, hindi lahat ng OFW ay pare pareho ang kinikitang pera at karamihan sa kanila hindi naging maswerte sa mga kumpanyang pinasukan. Marami sa kanila ang nagtitiis ng gutom at lungkot para lamang makapag ipon ng pera at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.

Kaya ang panawagan ng lahat ng mga OFW pigilan ang pagtaas ng singil sa PHILHEALTH at ayusin ang sistema para sa mga OFW na magkaroon ng magandang benipisyo.

Kung kaisa kayo sa panawagan ito ating pong pagtulungan na mapakinggan ang ating kahilingan bumisita sa FB Account na GLOBAL OFW VOICES at share natin ang kanilang pinaglalaban sa kapakanan ng lahat.



Mabuhay po ang lahat na mga OFW sa buong mundo……..

Friday, June 22, 2012

It's More Fun in the Philippines - Balut


Balut - Hot Chick 
Fertilizer Duck or Chicken Embryo


Ito ay popular sa Pilipinas na kung saan nilalako ito tuwing gabi. Isa ito sa mga kinasasabikan ng mga OFW kapag uuwi ng Pilipinas upang matikman nila ang Balut made in the Philippines. 

Kaya tara na balikan natin ang Pilipinas at kumain tayo ng ating Balut made in the Philippines. 


Thursday, June 21, 2012

DFA has no plans of increasing passport processing fees


ABS-CBNnews.com


The DFA, in its May 2 directive, instructed its consular offices nationwide to no longer accredit travel agencies offering passport services effective June 30, 2012 and to remove the special privileges enjoyed by accredited agencies such as guaranteed slots and express processing for their clients. 
  
“The directive was issued simply to ensure that all passport applicants, regardless of their social status, get to experience the same privileges but at no additional cost to them,” said Seguis.
 
He added that the DFA has no plans of increasing passport processing fees which remain at P950 for regular processing and P1,200 for expedited processing.


Continue reading: www.abs-cbnnews.com

Monday, June 18, 2012

File Case Versus illegal Recruiter in Syria

By Fat Reyes 
INQUIRER.net




MANILA, Philippines - The government filed 29 illegal recruitment cases against agencies and persons recruiting Filipinos to work in Syria despite a government ban, Vice President Jejomar Binay said in a statement Monday.
At the same time, the case has exposed links of some immigration personnel to the illegal activity.
“[As many as] 14 show-cause orders have been filed against Bureau of Immigration (BI) personnel for their alleged involvement in the illegal smuggling of Filipinos,” Binay, also the Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFW) concerns, added.
The statement noted a mandatory interview of all repatriated OFWs from the strife-torn nation conducted by the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
The statement said that based on the data from the interviews, only 330 of the 668 OFWs repatriated from Syria to date had verified passports issued by the Department of Foreign Affairs.
“Only 196 departures or 59 percent of the total verified passports were recorded by BI officers,” the statement said.
Continue reading: globalnation.inquirer.net

Saturday, June 16, 2012

Ama ng Tahanan Dakila KA


"Anak mag aral ka ng mabuti kasi kailangan mong makatapos ng pag aaral para makabalik na ako sa Pinas at matulungan mo ako sa pagbabayad ng bills sa bahay. Nakakapagod na kasi dito sa abroad palagi na lang babad sa sikat ng araw minsan pa nga may sand storm grabe nakakapuwing ng mata tapos ang hirap huminga." - construction workers

Ang trabaho ng isang construction workers ay isa sa pinaka mabigat na trabaho dito sa abroad lalong lalo na sa Middle East. Sobrang init lalo na kapag dumadating ang buwan ng Mayo hanggang Oktobre. Karamihan kasi sa kanila ay sa mga site napupunta kung saan road works at pagtatayo ng mga gusali. Ang hirap kaya ng trabaho talaga nila.....

Ang mga Ama ng Tahanan na sumasabak sa ganitong trabaho ay kailangan ng malawak na pang unawa ng kanilang mahal sa buhay. Kung inyo lang po malalaman kung gaano kahirap ang trabaho ng isang construction workers dito sa abroad malamang maiiyak kayo dahil hindi madaling kitain ang bawat patak ng pawis na lumalabas sa kanilang katawan.

Bilang pag gunita sa araw ng Ama ng Tahanan inaalay ko po ang isang tula para sa lahat ng mabubuting Ama ng Tahanan buong mundo....

Ama ng Tahanan Dakila Ka

Ikaw ay lumisan
Sa malayong bayan
Upang maibigay 
ang magandang kinabukasan

Hindi na mo inisip
ang hirap na pagdadaan
para lang makamit
ang pangarap na kinabukasan

Dahil sa iyo aking AMA
ako ay humahanga
sa tibay ng iyong loob
at sa malawak na pang unawa

Hindi kita bibiguin
sa pangarap mong bituin
dahil pagsisikapan ko
matapos ang aking tungkulin

Dakila ka aking AMA
ipagmamalaki kita
ipagyayabang kita
sa lahat ng aking Kabarkada

Ang tulang iyan ay inaalay ko sa mga Ama ng tahanan na patuloy na nagsisikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa kahirapan.


Happy Father's Day po sa ating lahat.....


Wednesday, June 13, 2012

Kalayaan 2012 - Ramdam ba natin?

"Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan." 
"The Accountability of a Sovereign Nation of Responsible Citizenry."



Ito ang tema ng ating bansa sa taong 2012 para sa selebrasyon ng ating kalayaan. Kung ating mapapansin isang payak na salita pero ang kahulugan nito ay isang malawak na responsibilidad. 

Isang napakagandang mensahe mula sa ating pamunuang lokal. Ang tanong natutupad po ba ng bawat isa sa atin ang sinasabing TUWID NA DAAN, kung ang unang nagiging dahilan ay ang mga gahaman sa kapangyarihan. Hindi tayo bulag at hindi din tayo bingi sa mga daing ng ating mamamayan. 

Ang mataas na bilihin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang siyang nagpapahirap sa ating lahat. Kung atin lang ipaglalaban ang pag aabolish ng tinatawag na EVAT na pinapataw sa ating lahat marahil malaking tulong ito sa bawat pamilyang naghihirap. 

Sa Middle East walang TAX na binabawas sa mga workers at kung ating titignan napaka unlad ng kanilang bansa. Ang magandang pamumuno ng kanilang mga gobyerno kung bakit maunlad ang kanilang bansa.

Totoo na ang tuwid na Daan ang magiging dahilan para makamit natin ang ating kaginhawaan, makakalaya tayo sa kahirapan. Ang bawat galaw o kilos ng ating mamamayan ang makakapagpabago sa ating bansa, yan ang magiging dahilan upang magawa nating ang ating responsibilidad bilang isang mamamayang Pilipino. 

Sana naman magampanan nang ating pamahalaan ang kanilang mga tungkulin at makapag isip ng alternatibong paraan para sa ating lahat. Kung patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin at ang pagpataw ng EVAT sa atin marahil hindi natin makakamit ang kalayaan sa kahirapan.

Tulungan natin ang mga taong nasa likod ng pag aabolish ng EVAT at yan ang isa sa magpapalaya sa ating lahat sa kahirapan.

Isang pagbati po sa lahat ng mga OFW sa buong mundo na nagpupumilit makapag trabaho sa ibang bansa upang matulungan ang kani-kanilang pamilya sa ating bayan.


Sunday, June 10, 2012

Pacquiao Loss to Bradley



Bakit nga ba natalo si Pacquiao? 

Marami ang nagtatanong bakit nga ba natalo si Pacman? Isa na ako sa palaging sumusubaybay sa kanyang mga laban kahit na nasa ibang bansa ako ngayon.  Hindi ko napanood ng live ang kanyang laban dahil sa iba ang oras ng aming trabaho sa tuwing may laban siya kaya nagtitiyaga na lamang kami sa reply buhat sa CD  copy  na binebenta sa mga tindahan.

Bakit nga ba natalo si Pacman? 
  • Dahil ba sa kababasa ng Bibliya at napapabalitang magpapastor na siya?
  • Dahil ba sa Issue tungkol sa mga trainer niya
  • Dahil ba sa GAY marriage issue
        Link: Gay Marriage Issue
  • Dahil ba sa pagiging congressman
  • Dahil ba sa magreretire na siya
       Link: Manny Pacquiao Retire

Maraming mga tanong ang naglabasan dahil sa pagkatalo ni Manny Pacquiao at iyan ang mga sumusunod na pangyayari. Nakakalungkot mang isipin subalit sa labang ito ay mayroon talagang nananalo at natatalo. Sa labang iyan talo ang ating pambansang kamao at wag na nating palakihin pa ang issue tungkol kanyang naging pagkatalo.

Ito ang aking masasabi sa kanyang naging paghahanda sa laban.
  • Hindi siya nakapokus sa kanyang laban dahil sa maraming mga aktibidad na kanyang pinuntahan.
  • Lakwatsa dito lakwatsa doon ang kanyang ginawa
  • Relaks na relaks na akala mo ay talagang kayang kaya niya ang laban
  • Masyadong kumpiyansa sa kanyang kakayahan.
  • Sobrang daming iniisip sa Pulitika at sa kanyang pagiging boksingero.
  • Mahina na ang kanyang resistensya dahil sa mga batikos at isipin na palaging gumugulo sa kanyang isip.
  • Mareretire na talaga siya
Sabi nga niya noong March 2012, ito na ang aking huling laban dahil sabi ni Lord mag retire na ako. Ito ang link: Manny Pacquiao Retirement

Ewan lang natin kung talagang totoo ang kanyang sinabi noon or isang way lang ito para sabihing may talo si Pacquiao at matuloy ang laban niya  kontra kay Mayweather.

Abangan nalang natin ang susunod na kabanata.......



Hayaan nalang natin ang mga batikos at no comment na lang sa laban ni Mr. Manny Pacquiao.....

Thursday, June 7, 2012

Independence Day Celebration sa Doha Qatar

Inaanyayahan ang lahat na mga Pilipino maging ang ibang nasyonalidad na narito sa bansang Qatar na suportahan ang isasagawang Independence Day Celebration sa Sheraton Doha Resort and Convention Hotel sa June 8, 2012 mula alas 6 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi. Inaasahang dudumugin ang nasabing pagdidiriwang na ito dahil sa partisipasyon ng ating mga kababayan. 

Maraming nakahandang programa mula sa embahada ng Pilipinas patungong Sheraton. Kasama na rin diyan ang mga gagawing pagtulong sa mga kababayan nating may mga problema sa bansang Qatar. Isa na rito ang mga kababayan nating nasawi sa nangyaring sunog sa may Viallagio Mall.

Tiniyak din ng pamunuan ng PINOC sa pamumuno ni Mr. Fidel Escurel na magiging masaya at makabuluhan ang gagawin pagdiriwang para sa mga kababayan nating Pinoy dito sa Qatar. Makikibahagi din ang iba't ibang grupo at organisasyon upang lalo pang maging masaya ang gagawing pagdiriwang.

Maaari din ninyong panoorin via Live Streaming ang nasabing okasyon sa pamamagitang ng BalitangQ website narito po ang Link: www.balitangq.org


Ang Inyong lingkod BuhayOFW

Friday, June 1, 2012

PhilHealth Issue - June 01, 2012

Manila, Philippines - Ayon sa balita 5 milyon OFW na ang rehistrado ng Phil Health (Philippine health Insurance Corp.) ayon sa pangulo ng PhilHealth na si Dr. Eduardo Banzon nakakuha na ang mahigit sa 2.5 milyon na OFW maging ang kanilang mga pamilya. 

Ang mga OFW na hindi pa rehistrado ng PhilHealth ayon sa kanya ay maaaring magparehistro maging ito ay land base or sea base.

Basahin ng buo: www.gmanetwork.com

400 na mga Pinoy Workers sa Viallagio Mall Nangangamba sa kanilang Trabaho

Nangangamba ang mahigit sa 400 mga Pilipinong manggagawa sa Viallagio mall na mawalan ng trabaho dahil na rin sa pagpapasara ng pamahalaang Qatar sa nasabing mall. Karamihan sa mga empleyado ng naturang mall ay mga Pilipino na nasa iba't ibang kumpanya na pinapasukan.

Marami sa kanila ay pawang mga workers sa restaurant, grocery, boutique, at iba pang mga kumpanya. Kaya marami sa kanila ang nalulungkot sa nangyaring trahedya sa nasabing mall.

Sundan ang balita: www.abs-cbnnews.com