Pinaglalaban ng mga OFW sa buong
mundo ang pagbasura sa dagdag singil ng PhilHealth
na nais ipataw sa lahat ng mga Pilipinong nais mag trabaho sa ibang bansa. Pinangunahan
ng isang social media group na Global OFW
Voices at PEBA (Pinoy Expat/OFW Blog
Awards) ang pagbabasura tungkol dito. Ito ang kanilang hinaing “OFWs NO TO 100% INCREASE IN PREMIUMS IN
JANUARY 1, 2013, IMPROVED BENEFITS, EXPAND DEPENDENTS COVERANGE TRANSPARENTCY
AT EASE OF ACCESS FOR OFWS”.
Isang sulat ang kanilang ginawa
para kondenahin ang panukalang ito:
“Isang taos pusong panawagan mula
sa mga OFW para po sa Presidente ng PhilHealth na si Dr. Eduardo Banzon. Hindi po lahat ng OFW pare pareho ang sweldo at
hindi lahat nakikinabang sa serbisyo”.
“Sana po wag ninyo nang dagdagan
ng 100% ang bayarin naming na SAPILITAN mula sa P1200 ay magiging P2400 sa
January 01, 2013. Maimprove sana muna po yung mga benefits para sa mga OFW,” Global OFW VOICES said.
Sa mahigit na 2.6M na ang miyembro
na OFW at 2.5M na dependents nito. Ang dapat kailangan gawin ng PhilHealth ay
magkaroon ng magandang serbisyo para sa mga OFW at hindi ang dagdag singil.
Kung ating aalamin lamang ang
katotohan, hindi lahat ng OFW ay pare pareho ang kinikitang pera at karamihan
sa kanila hindi naging maswerte sa mga kumpanyang pinasukan. Marami sa kanila
ang nagtitiis ng gutom at lungkot para lamang makapag ipon ng pera at mabigyan
ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.
Kaya ang panawagan ng lahat ng
mga OFW pigilan ang pagtaas ng singil sa PHILHEALTH at ayusin ang sistema para
sa mga OFW na magkaroon ng magandang benipisyo.
Kung kaisa kayo sa panawagan ito
ating pong pagtulungan na mapakinggan ang ating kahilingan bumisita sa FB
Account na GLOBAL OFW VOICES at share natin ang kanilang pinaglalaban sa
kapakanan ng lahat.
Mabuhay po ang lahat na mga OFW
sa buong mundo……..
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW