Wednesday, November 30, 2011

First Time Vacation - BuhayOFW

First time vacation.... Grabe nakaka excite pala kapag first time ka mag babakasyon after two years na nakikipag salaparan ka sa ibang bansa. Hindi mo mapigilan ang excitement dahil malapit mo ng makita ang mga mahal mo sa buhay at muli silang mayakap at mahalikan. Totoo pala na halos hindi kana makakatulog dahil parang gusto mo kinabukasan ay bitbit mo na ang maleta at bagahe mo para makauwi kana masilayan muli ang kanilang itsura. 

Sa dalawang taong kong mapapamalagi sa ibang bayan marami akong natutunan sa buhay. Maraming pagsubok ang dumating sa akin at marami din kaligayahan ang nangyari. Sa totoo lang hindi ko pa rin lubos maisip na nakatapos na ako ng dalawang taong kontrata sa kumpanyanng pinaglilingkuran ko dito sa disyerto ng Qatar ang bilis talaga ng panahon.

Nung unang tapak ko sa lupain ng Qatar para akong bata na tuwang tuwa picture dito picture doon ang ginawa ko kasi first time abroad. Maraming bagay ang hindi ko makakalimutan.  Una sa lahat ang pagtulong ng mga kasamahan ko sa trabaho noong nagsisimula pa lang ako sa abroad kanila "Sir Rolan, Brother Kiko, Boyet at si Condrad na nakauwi na nang Pilipinas. Sila ang mga taong unang tumulong sa akin noong ako'y nagsisimula pa lang mag abroad "Maraming salamat po sa inyong apat".

Ang pinapangarap kong bakasyon ay nagkatotoo na makasama ko sila sa buwan ng Disyembre at sa pagbubukas ng taong 2012. 

Ang aking panalangin:

Salamat po Ama sa mga biyayang ibinigay ninyo sa aming pamilya. Sa walang sawang pag iingat at pag tulong po ninyo sa amin noong kami ay nagkaroon ng problema.  Sa pagkakasakit namin na kami ay iyong pinagaling at higit sa lahat sa mga pagtapik po ninyo sa aming maling gawain.

Maraming salamat po

Ang lahat ng ito ay magalang naming hinihiling kay Jesus na aming tagapaglitas

Amen.....

Ang maibabahagi kong karanasan sa aking dalawang taong BuhayOFW ay ang mga sumusunod:

  1. Ang Pag iipon - Lagi natin iisipin na ang buhay natin sa abroad ay hindi ganun kadali ang bawat pera na ating pinaghihirapan ay katumbas ng lungkot at hapis na hindi natin kapiling ang ating mga mahal sa buhay. Kaya ang pag iimpok ang pinaka mahalagang bagay na dapat nating gawin habang tayo ay nasa ibayong dagat. Sabi nga ng mga nakausap ko kailangan pag uwi ko ng Pinas may negosyo na akong maitatayo galing sa pinaghirapan ko dito. Totoong totoo po iyan dahil wala naman tayong ibang nais kundi ang makabalik ng Pilipinas at doon natin simulan ang ating magandang bukas kapiling ang ating mga mahal sa buhay.
  2. Ang Pakikipag-kaibigan - Importante na gawin ng isang OFW ito dahil sila lamang ang magiging katuwang mo habang nakikipag sapalaran ka sa magulong mundo ng OFW. Ang kaibigan natin sa ibang bansa ang magiging dahilan para matanggal ang homesick at maging ang lungkot dahil sila lamang ang makakatulong para pansamantalang maibsan ang kalungkutan sila rin ang tutulong sayo kapag nagkaroon ka ng problema sa abroad.
  3. Ang Pagtitipid - Ito ang hindi ko nagawa na kailangan kong baguhin sa aking pagbabalik abroad. Totoo pala na kapag first time abroad ka! ang ugali na hindi mo maiiwasan ay ang "Bilmoko - Bili dito Bili doon" ika nga nila one day millionaire. Kapag malapit ka na umuwi doon mo lang maiisip na bakit pa kasi ako bumili nito ang liit tuloy ng uwi kong pera. Tsk tsk tsk
  4. Ang Pride - Kailangan may increase ako pag balik ko at kung hindi resign. Marami sa atin ang nag iisip nang ganito kapag malapit nang umuwi dahil nais nating madagdagan ang ating sweldo. Paano kung ang kumpanya na pinapasukan mo ay hindi ka kaya bigyan ng increase malamang makikipag bargain ka at kung hindi magkasundo ang hihingin mo Exit Clearance - Mag aapply ka ulit sa iba ng pahirapan at gagastos ka ulit ng malaking halaga para makapag aboad. Bago natin gawin ang isang bagay pag isipan po muna natin mahigit sa sampung beses bago tayo mag desisyon. Mahirap mawalan ng trabaho lalo na kapag may asawa't anak kana. Maiisip na lang natin iyan kapag nasa Pilipinas na tayo.
  5. Ang Pag iingat - Ingatan natin ang ating uwing pera at maging ang ating dalang gamit minsan nakakaligtaan natin ito. May mga time na hindi natin maalala kung saan natin nailagay ang ating pera lagi natin iisipin na ang perang ating nakuha ay madali din mawawala dahil sa laki ng gastos sa Pilipinas ngayon. Tipid tipid ang kailangan para makaraos sa bakasyon sa Pilipinas.
Lahat tayo na mga BuhayOFW ay walang ibang nais kundi ang makapiling ang ating mga mahal sa buhay nais natin hilahin ang araw para madali natin silang makasama. Sa bawat bakasyon na ating gagawin ibigay natin ang ating oras para sa kanila dahil ang bawat segundo, minuto at oras na makapiling natin sila ay walang katumbas na kaligayahan ang ating madadarama.

Mula po sa BuhayOFW
Ang aking karanasan

Monday, November 21, 2011

Broken Family - OFW

Broken Family - Isa kaba sa mga nakakaranas ng ganito?
Noong isang araw may nakausap akong isang kaibigan tawagin na lang natin siyang Maria (nickname) na nakakaranas ng ganitong sitwasyon sa abroad. Sa hindi inaasang pagkakataon napunta ang usapan namin sa maselang bahagi tungkol sa kanyang buhay. Hindi ko lubos maisip na mapag kukwentuhan namin ang istorya ng kanyang buhay. Bago ko lang siyang kakilala at isa siya sa mga kliyente ko dito sa Qatar. 

Sitwasyon: (pinaikli ko na lang ang kwento para madali tayong maka relate)

BuhayOFW: Kamusta friday na bukas saan naman ang gala mo?
Maria: Hay naku wala akong panahon sa ganyan at 
paano naman ako makakagala sa dami ng problema ko sa buhay.
BuhayOFW: Ano kaba enjoy your life nohhh kung puro ka trabaho hindi mo mapapasaya ang life mo sa abroad.
Maria: Matagal ng hindi masaya ang buhay ko, simula pagkabata ko hanggang sa nagka asawa ako......
BuhayOFW: ay sori pasensya kana at masyado akong matanong hehehehehe
Maria: okey lang gusto ko lang ilabas din ang sama ng loob ko.....
BuhayOFW: Ganun ba tara kain tayo sa KFC tutal mag uuwian na rin naman kung okey lang sayo para naman mawala ang sama ng loob mo......
Maria: Naku wag na baka kung ano pa ang isipin ng iba sa atin.......
BuhayOFW: bakit naman treat lang kita kasi client kita nohhhh.
Maria: Wag na nohhhhh dahil sa ganyan nasira ang buhay ko.

Si BuhayOFW
Nagtataka!!! Nag iisip?? tila may pumasok sa isip ko na hindi magandang pangyayari sa buhay niya...

BuhayOFW: O sige hindi na kita pipilitin at alam ko naman na talagang ayaw mo umalis dahil may problema ka....
Maria: Salamat ahhhhhh......
BuhayOFW: Okey po ma'am no problem..... Mapi Muskila hehehehehe

Sabado November 12, 2011

Tumunog ang celphone ko! Nokia Tone........
BuhayOFW: Hello
Celphone: Hi sir! si Maria po ito from ____.
BuhayOFW: Hello kamusta po!
Maria: Sir punta ka opis may ipapagawa akong trabaho....
BuhayOFW: Okey po Ma'am punta po ako diyan pagtapos po ng meeting ko sa isang client.... mga 4:00pm.
Maria: O sige hintayin kita..
BuhayOFW: Okey po Ma'am

Sa opisina ni Ms. Maria

BuhayOFW: Good afternoon po!
Maria: Pasok! dun tayo sa cubicle ko ipapakita ko sayo yung artwork ng ipapagawa ko....
BuhayOFW: Okie po

Habang nasa cubicle palinga linga ang mata ko sa lamesa niya parang may hinahanap ako.... nakita ko ang litrato ng kanyang mga anak dalawa ang anak niya pero parang kulang wala ang litrato ng kanyang asawa. Minasdan ko ulit ang litrato ng kanyang mga anak tingin ko mga 10 at 15 ang edad malalaki na at highskul na siguro. Habang nag iintay ako sa pagdating niya sa cubicle napansin ko ang isang frame nang kanyang pamilya. Nagtaka ulit ako dahil parang kulang ulit ang nasa larawan hindi ko makita ang larawan ng kanyang Ama. Anu ba yan para akong sira na nakiki alam sa buhay ni Ms. Maria, parang apektado ako sa buhay niya. pagkalipas ng 10minuto dumating si Ms. Maria...

Maria: Sorry naghintay ka tuloy kasi yung manager ko kinausap pa ako.
BuhayOFW: Okey lang po...

Habang pinapakita niya sa akin ang artwork na ipapagawa niya sa LCD screen nasa avatar pala niya ang kuhang larawan ng kanyang Mister. Kasama ang kanyang mga anak.....

BuhayOFW: Ma'am Mister mo yan at mga anak mo?
Maria: Oo yan ang asawa ko bwisit yan......

Natigilan ako sa sinabi niya, Parang namulta ako sa bigla ng pagkakasabi niya. Parang nagkamali ata ako sa pagtatanong. Hays paki alamero ka kasi BuhayOFW ayan ang napala mo.

BuhayOFW: Ma'am bakit naman po?
Maria: Ang katulad niyang lalaki ay hindi tunay na lalaki at hindi siya dapat mabuhay sa mundo. Tinatapon dapat sa impyerno.
BuhayOFW: Mukang napakalaki ng kasalanan sayo ng mister mo ahhh
Maria: Hindi lang malaki wala siyang kwentang tao.

Nagkwento na si Ma'am Maria

Ang papa niya dating nasa abroad at mahigit sa 20taon sa middle east, Nalaman nila na may ibang pamilya ang kanyang Ama kaya nakipag hiwalay ang kanyang ina at binuhay mag isa ang kanilang pamilya. Napakasakit sa tulad niyang anak na nabuhay na halos walang Ama na nag aaruga at tumutulong sa kanila. Maraming pagsubok at krisis ang dumating sa kanila pero wala pa rin tulong pinansyal na nakuha ang kanyang ina. 

Maaga siyang nakapag asawa dahil sa Broken Family sila maaga siyang nagka-anak sa hindi inaasahang pagkakataon. Iniwan ng kasintahan sa unang pag-ibig na naranasan. Ganito ba talaga kapag broken family? Pumasok tuloy sa isip ko na kaya pala marami sa atin ang parang damit lang kung magpalit ng kapareha. Dagdag pa ni Ma'am Maria nagka asawa siyang muli at nagkaroon ng isa pang anak subalit talagang mapaglaro ang tadhana iniwan siya muli ng kanyang asawa dahil nagkaroon na naman ng  ibang babae. Ganun ba talaga ang buhay at kay dali nating palitan at iwanan ang ating minamahal.

Nakakalungkot ang pangyayari na nailahad sa akin ni Ma'am Maria at hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang nangyari sa kanyang buhay. Isa lang ang punto ko kung bakit ko naisulat ang kwentong ito.... Ang isa sa mga dahilan kung bakit napapariwara ang isang pamilya ay dahil na rin sa Broken Family status. Maiiwasan naman yan kung hindi natin gagawin pero talagang mapusok na ang bawat nilalang ngayon. Karamihan tayo mismo ang nagiging dahilan ng mga pagkawasak ng ating pamilya.

Sa mga Ama at Ina ng Tahanan paki basa lang po ninyo ang hinalukay kong munting kaalaman tungkol sa ating sinumpaan...

click po ninyo ang LINK sa Baba
Ang Pag -aasawa - Ama ng Tahanan




Adobe Photoshop - BuhayOFW

Doha, Qatar - Ang karunungan o kaalaman sa isang bagay ay wag nating ipagdamot upang maging huwaran tayo ng ibang tao na walang ibang nais kundi ang makapag lingkod sa kanilang kapwa. Ganito ang nasa isip ko habang binubuo ko ang isang tutorials para sa "Adobe Photoshop" para sa aking mga kaibigan.

Bagaman hindi ako ganun kagaling sa pagtuturo at pag-gamit ng naturang software ay nagpapasalamat ako sa dakilang lumika na binigyan niya ako talino para maituro sa kanila ng maayos at kahit paano ay maibahagi ko ang aking kaalaman para makatulong sa kanila sa darating na panahon. 

Nakakatuwang isipin dahil sa loob ng mahigit sa apat na linggo naming pag aaral nakita ko sa kanila ang interest para matuto at mag-aral ng software na "Adobe Photoshop". Ang kanilang interest ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para matuloy ang iniisip kong plano para sa kanila.

Sa bawat panahon na kami ay nag aaral hindi ko lubos maisip kung paano ko nagagawa ang ganung bagay dahil wala naman akong background sa pagtuturo at humarap sa kanila bilang isang professor. Sabi nga ng isa sa mga estudyante na aking tinuturuan "Sir buti na lang nagturo ka ng ganito dahil malaking bagay ito para kami ay matuto ng ganitong kaalaman". Isang nakakatuwang linya na aking sineryoso para gumawa ng plano kung paano ko sila matuturuan ng maayos at maibahagi sa kanila.

Sa mahigit na 20 estudyante na aking tinuruan marahil makakagawa na sila ng ilan sa mga "Artworks" na gusto nila magawa dahil naituro ko na sa kanila kung paano gamitin ang bawat tools ng photoshop. 

Hangad ko na sa mga darating na panahon ay magawa nila ang aking mga itinuro at maibahagi rin nila sa kanilang mga mahal sa buhay, maging sa kanilang mga kaibigan para magamit sa bawat araw na lumilipas.

Sa lahat ng aking mga estudyante tungkol sa "Adobe Photoshop Tutorials" maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Kahit papaano meron po kayo natutunan kahit na konti at palawakin na lang po ninyo ang inyong mga likha para magamit po ninyo sa ikakabuti ng lahat.

Ang inyong lingkod BuhayOFW




Friday, November 11, 2011

New7Wonder of Nature - Puerto Princesa Underground River

Isang magandang balita para po sa ating bansang Pilipinas. Ang ating Puerto Princesa Underground River ay isa  sa napiling New Seven Wonder of Nature. Kahit ito po ay provisional winner pa lang isa na ito sa tagumpay ng ating PPUR dahil alam natin na ang PPUR ay isa sa maiituturing na ingat yaman ng ating bansa.


Tagumpay ng Puerto Princesa Underground River tagumpay ng bansang Pilipinas.


Lahat po ay nagtulong tulong para sa isang adhikain at layunin na patunayan na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga lugar na may magandang tanawin. Kami sa hanay na mga OFW sa bansang Qatar ay nagkaisa upang kahit paano ay makatulong sa paraan na makaboto ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mangungulit sa kanila.

Maraming salamat po sa mga bumubuo ng PPUR Organising Commitee ng bansang Qatar mula sa aming embahada ng Pilipinas Ginoong Cresente Relacion at ng grupong BalitangQ. Sa lahat ng taong nakasama upang maging matagumpay ang pagboto maging ang social media group at iba't ibang organisayon sa bansang Qatar panalo po ang ginawa nang bawat isa sa atin.




Salamat sa inyong suporta.....

Mula po sa BuhayOFW nag uulat - BalitangQ member

Thursday, November 3, 2011

Remmitance Center - "Hoy wag kang SUMINGIT sa Pila"

Doha, Qatar - Sa wakas sweldo na namin kailangan ko na magpadala ng pera sa Pilipinas, Mapuputulan na sila ng kuryente, wala na sila pambili ng pagkain at wala na rin gatas si bunso. Ganito palagi ang nasa isip ng mga OFW pagkatapos makuha ang kanilang pinagpagurang sweldo sa loob ng isang buwan.

Pagdating sa padalahan syempre ang unang una na aalamin ehhhhh kung magkano ba ang palitan ngayon? Pumunta ako sa Gulf Exchange 11.80/1QRs. lipat naman sa City Exchange 11.72/1QRs ang baba naman ng palitan. Isa na lang ang pinupuntahan ko pa dito na remittance ang Islamic Exchange tignan ko nga magkano ang palitan 11.74/1QRs. Ganito palagi ang ginagawa ng mga OFW kapag nahahawakan na ang kanilang mga sweldo. Pinupuntahan ang pinaka malaking palitan para medyo malaki ang mapadala.

Sa loob ng padalahan makikita natin ang iba't ibang lahi na nakapila sa kanila kanilang remmitance center. Iba't ibang klase ng amoy ang naglipana masakit sa ilong at pawisan ang iba. Karamihan sa kanila ay magpapadala sa kanilang mga mahal sa buhay. Pumunta ako sa pila ng mga Pilipino dahil sa Pilipinas (PinoyAKO) ako nagpapadala ng pera. Habang naghihintay ako sa napakahabang pila karamihan sa amin ay umabot na sa mahigit na isang oras ang hinintay. May mga napansin akong tao na pilit sumisingit sa pila para sila ang mauna. Karamihan sa amin ay naghintay ng mahabang oras para makarating sa unahan ng pila ngunit ano itong nakikita natin na merong ilang mga kababayan ang hindi marunong rumespeto sa kapwa na bigla na lang sisingit para makarating agad sa unahan ng pila. Ang gawain ito ay hindi maganda at hindi dapat pamarisan ng bawat pilipino na OFW. Minsan dito nagsisimula ang away at gulo na ang dahilan ay pagpila lamang.

Aktual na pangyayari:

Pinoy 1: Hoy wag kang sumingit diyan astig kaba!
Pinoy 2: Doon ka sa likod at huwag kang sumingit Pilipino kaba!
Pinoy 3: Parang wala kang pinag aralan ahhhh! nakuha mo pang sumingit!
Pinoy 4: Kanina pa kami dito tapos uunahan mo lang kami sa pila. Bumalik ka nga sa pinang galingan mo!
Pinoy 5: Umalis ka nga diyan at baka sapakin kita diyan.

Pinoy na sumingit sa Pila: Nakayukong umalis sa pila at nahihiya na ipakita ang mukha. Habang siya ay umalis sa pila narinig ko na nag-salita siya ng Sorry kabayan aalis na lang ako........

Pinoy 6: Buti naman at umalis ka baka kung ano ang gawin ko sayo.
Pinoy 7: Ayan ganyan nga ng hindi ka makatikim ng hindi magandang salita. Umalis ka na nga
Pinoy 8: Doon ka likod pumila.
Pinoy 9: Wag kang sumingit kanina pa kami dito doon ka sa likod
Habang papaalis ay minasdan ko ang mukha niya at parang naiiyak sa kanyang ginawa. Nag isip tuloy ako na baka may mabigat na problema si kabayan at kaya siya nagmamadali na pumunta sa harapan ng pila. Nakakaawa ngunit mali pa rin ang kanyang ginawa dahil sa hindi man lang siya nag sabi sa mga nakapila kung pede ba siya sumingit dahil may problema siyang hinaharap. 


Ang ganitong sitwasyon sa padalahan ay dapat nating ibahagi sa bawat Pilipino na OFW. Araw-araw nakikita natin na napakahaba ng pila sa mga padalahan ngunit nag titiis ang lahat sa atin na pumila dahil kailangan nating magpadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay. Kung may mga pagkakataon po na Emergency Cases at kailangan po na maipadala agad ang pera. Mangyari po sana na magsabi lang po kayo sa mga nauna sa inyo sa pila para alam po nila at hindi kayo mapahiya sa kapwa ninyo Pilipino. Hindi nakakahiya ang maki usap at magsalita sa lahat dahil parehas lang tayo mga pinoy pero kung bigla ka na lang sisingit at hindi magsasabi malamang gulo at away ang iyong mapapala. Huwag po natin hayaan na ito ang pagmumulan ng away ang mga bagay na ito ay dapat nating iwasan. 

Salamat sa mga pilipino na nakasama ko kanina sa padalahan dahil sa inyo ay nakakuha ako ng isang sitwasyon na maaaring kapulutan ng aral ng bawat Pilipinong OFW.

Mula po sa BuhayOFW