Saturday, May 28, 2011

Pamama-alam sa INA

"Brother kamusta Ano balita?" iyan palagi ang lumalabas sa aking bibig kapag dumadalaw ako sa  isa pa naming opisina Al Jazeera Printing Press para kamustahin ang mga kasama ko at makibalita. Paminsan - minsan na lang kasi ako nakakadalaw doon dahil busy naman ako sa trabaho bilang Ahente sa "Al Jazeera Digital". Habang ako ay nakikipag usap sa mga Pilipino na kasama ko doon napansin ko na ang malungkot na muka ng aming kaibigang si Kiko Matsing. Napansin ko na rin ang kanyang pag-aalala dahil nabalitaan ko na rin ang tungkol sa kanyang ina na malubha na ang kalagayan dahil sa sakit. Sinabi na rin niya sa akin na ang nanay ng kanyang asawa ay pumanaw na. Kaya nagpaalam na siya para umuwi ng Pinas.

Maka ilang beses na akong nagtangkang tanungin at kamustahin ang kalagayan ng kanyang ina subalit ang sagot niya palagi sa akin "Brod. tingin ko hindi na tatagal si Nanay inaantay na lang niya ako na umuwi dahil sinabihan na kami ng doktor" sa puntong iyon ay kumalabog ang aking dibdib dahil naalala ko rin ang aking inay nung buhay pa siya, parang may isang tinik na pumasok sa aking dibdib sa aking narinig. "Gusto ko umuwi para maabutan ko  pa siya dahil ako na lang ang inaantay nun dahil sinabihan na ako ng aking asawa" Inulit niya ulit sa akin. Sa puntong iyon isa lang ang nasasabi ko sa kanya "Bro. subukan mo magsabi kay Boss para maayos nila yung ticket mo at makasama mo pa ang iyong nanay" iyan ang aking sinagot. Subalit sa kanyang reaksyon malungkot ang kanyang sinabi "Brader hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala na rin akong budget dahil nag advance na ako kay boss dahil pinadala ko sa kanila". Nalungkot ako habang pinakikinggan ko ang kanyang mga sinasabi dahil alam ko na dama niya ang lungkot at pag-alala sa kanyang Ina. Isa na lang ang sinabi ko sa kanya "Brother umuwi ka at mag-paalam ka na para maabutan mo ang iyong nanay dahil iyan lang ang magiging paraan para gumaan ang iyong kalooban".

Kinagabihan habang ako'y gumagawa ng quotation para sa aking mga client. May isang mensahe akong natanggap mula aming kasamahan sa BalitangQ si Dra. Cora " Lex kamusta anu balita? San ba nakatira si Kiko? May number kaba niya?" iyan ang mga tanong na lumabas sa facebook message ko. Sabi ko kay Dra. Cora " Bakit po Dra. may problema po ba? Magkasama kami ni Kiko sa trabaho at sa industrial kami nakatira". Habang kami ay ang uusap sinabi niya sa akin na nag alala din siya kay Kiko dahil sa mga lumalabas na shout sa facebook. Nag usap na kami ni Dra. sa mga gagawin para bukas dahil confirm na uuwi si Kiko sa Pinas para sa kanyang Ina.

Kinabukasan pumunta ulit ako sa Al Jazeera Printing Press para kamustahin si Kiko "Bro. patay na nanay ni Kiko" sambit sa akin ng isa sa aming kasamahang Pilipino na ikinagulat ko. Kahapon lang magkausap kami tungkol sa kanyang nanay at iyon na ang nangyari. Dali dali kong pinuntahan ang aming kasamahang si Kiko para alamin ang pangyayari. "Bro. wala na si Nanay patay na siya kakatawag lang sa akin ni Leny kaninang umaga" wala na akong nasabi dahil alam ko na malungkot ang kanyang reaksyon. Sa puntong iyon nag isip na ako ng paraan para makatulong sa aming kaibigan. Naiisip ko agad ang isa sa aming kasamahan si Solomon dahil siya lamang ang may access sa lahat ng aming empleyado. Gumawa kami ng sulat para makalikom ng pera para naman may uwing pera kahit papano si Kiko. Sinimulan ko sa Al Jazeera Digital hanggang sa Al Jazeera Printing Press kahit paano ay nakatulong ng kaunti ang nagawa naming bagay para kay Kiko.

Habang malapit na umuwi si Kiko gumagawa din ng paraan ang ilan sa kasamahan namin sa BalitangQ para makatulong sa kanya. Hanggang sa airport ay sama-sama kaming naghatid sa kanya dahil alam ng bawat isa sa amin kung ano ang nararamdaman niya sa pagkamatay ng kanyang Ina at nanay ng kanyang asawa.

Ibinihagi ko sa inyo ang karanasan ito para malaman po ninyo na dapat nagtutulungan at nagkakaisa ang bawat isa sa atin lalo na po ang mga Pilipinong magkakasama sa iisang kumpanya dito sa abroad. Mahirap ang maging OFW lalo kung may mabigat kang problemang hinaharap sa loob at labas ng kumpanya. Hindi natin kailangan magyabang o mag mataas, Kahit gaano man kataas ang iyong posisyon sa kumpanya. Ang pinaka mahalaga ay maipakita mo sa kapwa mo Pilipino na mabuti kang tao at hindi tayo katulad ng ibang lahi na nag-mamataasan ng kanilang pride at hindi nagtutulungan. Higit sa lahat hindi natin maikakaila na ang mga Pilipino ay talagang mapagmahal sa kapwa at may respeto sa bawat isa.

Maraming salamat po sa isang maikling kwento na aking nilikha para po magising ang puso ng mga taong mapagmataas at walang pakisama sa kasamahan niya sa trabaho sa ibang bansa maraming salamt pong muli.














Monday, May 23, 2011

Proud ako kay ITAY! Happy Father's Day

Ang mahal kong itay! Isa lang ito sa laging namumutawi sa aking bibig nung time na nawala na siya aming patingin noong taong 2003 habang ibinababa ang kanyang kabaong kanyang libingan. Nakakaiyak ang mga tagpo noon pero pilit kong nilalakasan ang aking kalooban dahil wala na rin kaming magagawa dahil kinuha na siya. Alam ba ninyo na napakarami ang nakiramay sa amin  nung time na yun dahil si Itay ay napakabait sa ibang tao at maging sa aming pamilya isa siya sa maituturing kong "Perfect Father". Hindi pa rin naaalis sa aking isip kung gaano kahalaga ang mga oras na kami ay nagluluksa sa kanyang pagkamatay. Mahirap kalimutan ang mga kasiyahan at magandang pangyayari nung nabubuhay pa siya dahil nakatatak na sa aking puso at isip ang kahalagahan ng aking AMA.

Maraming bagay akong pinagsisihan nung magkasama pa kami sa bahay. Palibasa hindi ko pa noon naiisip kung gaano pala kahirap ang maging isang Ama dahil bata pa ako. Naalala ko pa noon kahit na hirap na ang kanyang katawan sa pagiging barbero ay pilit pa rin siyang kumukuha ng kostumer para lang may maipangbili ng pagkain at mailatag sa aming harapan. Napakasakit talaga sa aking kalooban kapag naalala ko ang mga bagay na katulad ng ganyan noong buhay pa siya. Naalala ko rin dati na naiinis pa ako kapag tinatawag ang pangalan ko  para hilutin ang kanyang likod dahil sa kanyang karamdaman, Ang bad ko talaga noon nakakainis. Hindi ko rin makalimutan kapag pinapagalitan at sinasabihan niya ako na wag kong gawin ang mga bagay na ikapapahamak ko. Hays napapabuntong hininga tuloy ako ngayon mahirap pala maging isang Ama, Nalulungkot ako kapag naalala ko na hindi ako naging mabuting anak sa kanila nung siya ay nabubuhay pa. 

Naalala ko tuloy nung lagi niya ako sinasabihan na wag na akong pumunta sa HOLIDAY PLAZA, Pasay para mag Video Games na inaabot ako ng madaling araw sa kalalaro ng "Street Fighter at Tekken" iyon kasi yung kinababaliwan ko nung bata ako, Mahilig din kasi ako sa mga barkada na inaaabot ng hating gabi sa daan para lang tumabay at makipag kwentuhan, Sobrang bad ko talaga noon. Nung tumuntong na ako ng college tsaka ko lang unti unting naiiwasan ang mga barkada dahil kailangan kong maging Working Student dahil medyo mahal ang tuition fee dahil hindi na ako kayang suportahan ni Itay, Pero hindi pa rin nawawala ang pangaral niya habang ako ay nag-aaral sa  college kaya kahit paano nakikita ko pa rin ang kanyang suporta. Napakasarap ang maging tatay ang isang katulad niya kaya kahit wala kana sa aming piling lagi ka pa rin laman ng usapan namin ng mga apo mo kaya "PROUD ako kay Itay" Happy Father's Day Tatay Bhoy napakaswerte ko po sa inyo dahil pinalaki ninyo ako ng maayos kahit na hindi tayo gaano magkasundo dahil sa magkakaiba nating hilig. Nag iisa ka lang sa aming puso dahil bawat tao ay may iisang Ama sa mundo at para sa akin ikaw ang best father Happy father day "Tatay Bhoy".

Happy Father's Days sa lahat ng katulad kong Ama ng Tahanan......

God Bless sa mga pamilya natin






Friday, May 20, 2011

Masarap bang maging OFW?



Sarap Pakinggan kapag sinasabi nila na isa kang OFW, Totoo ba? Dati nung nasa Pilipinas pa lang ako lagi ko sinasabi sa sarili ko na balang araw ay mag aabroad din ako. Naiingit kasi ako sa mga kakilala ko na nasa ibang bansa dahil nasa isip ko noon aba Bigtime na si Classmate, si Kumpare,  si Bestfriend, Si Tito, si Tita, si Insan at marami pang iba. 

Pero ilan lang sa mga nakilala ko ang naging matagumpay sa labas ng bansa siguro kung ako ang inyong tatanungin 20% sa 100% lang ang nakilala ko na natupad ang kanilang nais gawin. marahil dahil na rin sa mga iba't ibang kadahilanan kung bakit ganun ang naging pagsagot ko.

Alam ba ninyo na may nakilala ako dito na mahigit na siya 25 years sa abroad at dito na siya tinubuan ng mga puting buhok pero hindi pa rin niya nakakamit ang gusto niya kung sa Pilipinas siya nagtatrabaho marahil retirado na siya. Sa eded niyang 60 years old nakikipag sapalaran pa rin siya dito sa abroad. Imagine 60years old na siya pero andito pa rin siya at pumapasok sa isang kumpanya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Napapaisip kaba sa mga sinasabi ko marahil ay OO. Gusto mo bang mangyari din sayo ito? Hays kay hirap talaga maging OFW.

Brother at sister alam naman natin na ang pag aabroad ay isang pagsubok sa totoong kakayahan at katatagan ng tao dahil dito lang natin nararanasan ang mga pagsubok na kailanman hindi natin nararanasan sa Pilipinas. Alam ko na mahirap talaga sa abroad. May ipon kana ba para pang uwi mo? May naiisip ka bang paraan para magawa mo yung dapat mong gawin para makapag negosyo ka sa Pilipinas.

Sayang ang mga panahon kapag inuubos mo lang ang iyong oras sa mga lakwatsya at gimikan kasama ang iyong mga kaibigan. Marami ang nagugutom at kinakapos sa pera pero ilan sa atin ay inuuna pa ang mga sosyalan at gimikan. Marahil ay tinatamaan ka sa mga sinasabi ko dahil ikaw nga yun hehehehehe. Alam ko na babasahin mo ang sinusulat ko dahil palagi mo naman sinusubaybayan ang mga ginagawa kong pag susulat.

Sa susunod na mga taon sana makita ko ang improvement mo at sasabihin mo sa akin "tama ka nga BuhayOFW dapat dati ko pa ginawa ang mga dapat kong gawin para makatulong ako sa aking sarili at maging sa aking pamilya".

Mapalad tayo nga tayo dahil kahit paano ay nasa abroad tayo para kumita ng pera at makaipon para may magamit tayo pag uwi natin sa Pilipinas at magsimulang muli doon para sa ating kinabukasan.

Kaya nga! ang isang tanong ko na lang sa inyo, Masarap ba ang maging OFW?

Pakinggan ko nga ang mga sagot ninyo?   

Sumulat sa BuhayOFW angbuhayofw@gmail.com


just click here:


Sino ba Si BuhayOFW

Sino ba si BuhayOFW? 

Sinimulan ang pagsusulat noong July 24, 2010 sa isang opisina sa Doha Qatar. Nag aral kung paano gawin ang isang akda na ang tema ay para sa mga OFW. Mag iisang taon na po sa darating na 2011 ang BuhayOFW na nakakapag bigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating OFW.

Marahil ay tinatanong ninyo kung bakit may kumukulit at palaging nag post sa mga wall ninyo tungkol sa usaping BuhayOFW. Sa totoo lang po hindi ko ginagawa ito upang magpapogi at kumuha ng attention ninyo. Ginawa ko ito dahil nais kong ishare sa inyo ang mga nalalaman ko bilang isang OFW. Nakikita ko kasi na hindi lahat ng mga OFW ay ganun karangya ang buhay nalaman ko rin kung gaano kahirap ang maging isang OFW. Sa isang taon kong pamamalagi sa ibang bansa nakita ko na totoo pala na ang BuhayOFW ay kabalitaran sa mga iniisip natin na kapag nag-abroad ang isang Pilipino ay tinuturing na nating mayaman. Nakita ko rin na hindi pala ganun kadali ang mangibang-bayan, karamihan sa mga nakilala ko dito sa labas ng bansa karamihan ay reklamo at hindi ginhawa ang kanilang sinasabi. Sa totoo lang po nakakaawa talaga kapag nalalaman natin na ganun ang nangyayari sa kanila may mga mababang sweldo dahil hindi natupad ang pangakong sweldo, strikto ang amo, hindi pantay ang trato, bahay na akala mo ay kulungan ng aso, at higit sa lahat hindi pinapasweldo lahat ng yan ay pawang katotohanan. Alam ba ninyo na marami sa mga kababayan natin ang gumastos ng malaki makapag-abroad lang nangutang sa mga kaibigan , kamag anak at kung sino pa ang na malalapitan upang may ipangbayad sa agency para maka alis ng bansa pagkatapos ay sa kangkungan lang napupunta. "mga manloloko, sinungaling", yan ang mga linya karamihan dito sa abroad at totoo po iyan na karamihan sa mga nag aabroad ay gumagastos ng malaki para lang makaalis ng bansa at makapag abroad. Maswerte kana kung tinulungan ka ng isang kaibigan para lang makapag abroad ka dahil hindi kana nahirapan at gumastos na kung ano anu pa. Mag ingat po tayo sa mga agency na hindi rehistrado ng ating POEA at walang pahintulot ng ating gobyerno para kumuha ng mga manggagawang OFW. Maging matalino po tayo ng sa ganun ay hindi kayo mabigo sa inyong pag aabroad. Nais kong palawakin ang aking mga gawa upang maipabatid natin sa kapwa nating Pilipino kung anu ang tamang mga gagawin sa pag aabroad.


nais po ba ninyong tumulong sa BuhayOFW para ng sa ganun ay marami tayong mabigyan ng impormasyon sa mga nagnanais mag abroad. Sumulat po kayo sa aking akin Just Click this side angbuhayofw@gmail.com

Monday, May 16, 2011

Ang bakas ng Kinabukasan


Ang buhay sabi nga nila parang Life hindi masosolve ang problema kung hindi ka gagawa na paraan. Iisa lang ang Life natin at yan ang dapat nating laging tatandaan hindi madali gumawa ng isang bagay na hindi mo pinag iisipang mabuti. Alam ko na mabigat ang iyong problema pero hindi yan ang tamang paraan para masagot ang iyong hinaharap na problema. Alam naman nating lahat na pare-parehas lang tayo na may mga problemang pinag dadaanan magkakaiba nga lang ang mga dahilan kung mahina ang iyong kalooban malamang hindi ka makakalaban. Ikaw, Ako, Sila, tayo, at sino pa ba? Marahil tinatanong mo ako kung sino ba ang taong makakatulong sayo hayssssss mahirap lusutan ang mga bagay na sa bandang huli ay hindi mo na kayang lusutan. Alam ko naman na malakas ka at higit sa lahat guided ka ng mga kasama mo. Wag mo lang aabusuhin ang kabaitan ng mga nakapalagid sayo marahil ay matatabangan yan at hindi mo na matatakbuhan kapag nawalan na ng gana sayo. Paalala lang kaibigan ang buhay natin ay iisa lang hindi masosolve ang problema sa mga ganyang paraan. Hanapin mo ang bakas ng liwanag ng iyong buhay marahil makikita mo ang isang magandang kinabukasan na naghihintay sayo at yan ang magiging dahilan para makaahon ka sa iyong mga kabiguan. Subukan mong hanapin ang tunay na daan para makalimutan mo ang iyong nakaraan. Masarap ang mabuhay lalo na kapag naiisip mo na ikaw mismo ang gumawa ng paraan para maging maganda muli ang iyong kinabukasan.

Kaibigan bilib ako sayo dahil alam ko na malakas ka at hindi kayang gibain ng kahit sino na nakaharang sayo. Tatandaan mo lang lahat ng bagay ay may dahilan at ikaw lang ang makakagawa nun para makita mo ang iyong sarili. Mahal na mahal ka ng iyong mga kaibigan at higit sa lahat mahal ka ng iyong pamilya. Mahirap tanggapin ang mga bagay na hindi mo na kayang labanan dahil sa mga magkakaibang kadahilanan. Tandaan mong muli ang Buhay ay parang Life at ang Life ay isang Buhay na magbibigay sayo ng panibagong buhay...

Sana ay mabasa mo ang isang munting paalala ng isang kaibigan na kahit hindi man tayo ganun ka close sana ay maalala mo rin na maraming nagmamahal sayo na kaibigan....... 

Monday, May 9, 2011

Connecting Sticker



Ganito ang trabaho namin dito sa Qatar, sadya yatang nadikit na sa amin ang ganitong trabaho dahil dito kami nahubog at naging daan para makarating kami dito sa Gitnang Silangan at makapag trabaho para pang taguyod sa aming mga mahal sa buhay. Ang trabahong ito ay halos 7 taon na naming ginagawa ng aking kaibigang si OMAR. Sa Pilipinas pa lang ay ito na ang aming pinagkakaabalahan.  Sa bawat patak ng aming mga pawis na katumbas ng isang libong ngiti para sa aming Pamilya. Sana ito ang 1st para ang Connecting Sticker na aking ginawa ay simbulo ng aming pagkakaibigan na nabuo sa aming Kumpanya (Highrez Graphics) noong kami ay nasa Pilipinas pa lamang. 

Please Support Alex P. Flores PEBA2011 Photo Entry
1) Like the PEBA Page first www.facebook.com/PEBAWARDS
2) Like photo here : http://on.fb.me/AlexFlores
3) Deadline for submission of entries May 15, 2011 11:59 PM
4) Read More details here : www.bit.ly/PEBA-PHOTO-MECHANICS
5) Top 3 Most Liked photos will receive prizes from PEBA and Sponsors!
Check it here: www.bit.ly/PEBAmazingPrizes

Connecting Sticker

This job is done by my Pareng Omar when we install the new mobile phone E7 Nokia phone in Al Merqab Showroom in Doha, Qatar

Alex P. Flores
Marketing Executive
Doha - Qatar

*COPY BELOW AND PASTE ON YOUR FB WALL FOR YOUR CAMPAIGN
Please Support my PEBA2011 Photo Entry
1) Like the PEBA Page firstwww.facebook.com/PEBAWARDS
2) Like photo here : http://on.fb.me/AlexFlores
3) Deadline for submission of entries May 15, 2011 11:59 PM
4) Read More details here : www.bit.ly/PEBA-PHOTO-MECHANICS
5) Top 3 Most Liked photos will receive prizes from PEBA and Sponsors!
Check it here: www.bit.ly/PEBAmazingPrizes
Send us a creative shot of you and/or your colleagues at work. You can be as funny or serious as you want. Entries should be fun, modest, and unique. HOW TO JOIN: 1. Send us a photo of you or your friends at work, resolution minimum of 800x600. 2. Email ...See More

Friday, May 6, 2011

Happy Mother's Day


Para sa Mahal nating INA

Maligayang Araw sa lahat ng mga minamahal nating Ina ng Tahanan. Ang araw na ito ay Mahalagang araw sa kanila bilang pag alala sa mga mabubuting nagawa ng ating mga Mahal na Ina nung tayo pa lamang ay sanggol at bata pa. Naaalala mo pa ba nung ikaw ay maliit pa lamang at panay ang iyak dahil sa TAENG nakakairita sa iyong lampin o sobrang basa na ang iyong salawal dahil sa pamanghe mong IHI. Diba naaalala mo pa ba nung panay ang iyak mo dahil gutom kana at kailangan mong dumede ng gatas. Naalala mo pa ba nung inihahatid ka niya nung papasok ka sa eskwela para mag aral at higit sa lahat ang araw araw na pagmamahal na ibinibigay sayo ng iyong INA habang ikaw nag aaral pa. "Nakakamiss diba" iisa lang ang ating INA kaya dapat nating mahalin at alagaan. Maraming tayong utang sa kanila dahil sila ang nagpalaki at nag aruga sa atin nung tayo ay bata pa lamang. Ang mga nagawa nila ay sobra sobra para sa atin kaya dapat lamang nating ibalik sa kanila ang pagmamahal at pag aaruga kung sila ay matanda na at nabubuhay pa. Kung meron man sa ating mga magulang na sobrang makulit at papansin sana ay intindihin na lang po natin sila dahil matanda na sila at sign of the Age na yun kaya kailangan natin silang intindihin. Naalala ko pa nga nung buhay pa ang aking INA hindi ko makakalimutan ang mga katagang "DONG pengeng PERA" hays nakakamiss talaga. Kung buhay pa sana siya marahil naibigay ko ang mga gusto niya at marahil napaipagamot ko siya. Miss you Nanay Beth lagi ka nasa puso ko at hindi ka mawawala sa isip ng mga APO mo.

Para sa Mahal nating ASAWA

Naalala mo pa ba nung kayo ay mag BOYFRIEND at Girl FRIEND pa lamang  kung paano mo niligawan ang iyong asawa para mapasagot mo lamang siya. Marahil naalala mo din nung panay ang away ninyo nung kayo mag syota pa lamang. Palagi kayong nag aaway dahil may mga nalalaman kang tsimis dahil sa kanya. Marahil naaalala mo din ang mga araw na magkasama kayo nun kayo  ay nagdadate pa lamang. Ngayon ay asawa mo siya marahil ay masaya ka dahil nagkaroon kayo ng mga anak na matagal na ninyong pangarap. Mahal natin ang ating mga asawa dahil sila ang ILAW ng ating TAHANAN sila ang nag aaruga sa ating mga anak kaya dapat nating ibigay sa kanila ang respetong para sa kanila. Kung kayo man ay may hindi nagkakaunawaan sa isa't isa dapat ninyong ayusin kaagad para hindi lumala ang sitwasyon at maging maayos ang takbo ng inyong pamilya. Mahal natin ang ating mga Asawa dahil sila ang ating ilaw ng tahanan. 

Happy Mother Day's po sa inyo......

Wednesday, May 4, 2011

WATAWAT SA PALIPARAN



Nakaka-aaliw talaga pag-masdan ang mga "WATAWAT SA PALIPARAN", sa kanilang pagwagayway ay parang isang kamay na tayo ay kinakawayan at sinasabihang “maligayang pagdating sa lupang tinubuan". Base nga sa awitin ni Ginoong Gary Valenciano na “Babalik ka rin, Babalik ka rin at Babalik-babalik ka rin”. Hahahaha!


  

Totoo nga naman, hindi ba? Ano mang layo ang marating nating mga OFW, hilaga man o kanluran? Maging sa silangan o sa katimugan? Saan man tayo lupalop mapadpad sa bayan natin, tayo ay muling babalik at sasariwain natin ang buhay bilang isang Pilipino. Walang kasing sarap ang mamuhay sa Pilipinas, ang kasiyahan at ang kalayaan natin bilang isang Pilipino ay tanging sa Pilipinas lang natin nararanasan. Ika nga nila, There’s no Place like Philippines. Kung sa bagay, totoo naman ito. Alam ko na ganito rin ang nararanasan mo bilang isang OFW.

            Maaga akong naulila sa aking mga magulang, nakakalungkot isipin na wala akong nagawa noong nabubuhay pa sila para sila ay matulungan at maipagamot. Sa kakaunti na kinikita ko sa Pilipinas noon, hindi ko magawa ang pagtulong na dapat sana ay naibigay ko sa aking mga mahal na magulang. Pero syempre, huli na ang lahat upang ako ay mag sisi. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit narito ako ngayon sa ibang bansa at nakikipag sapalaran. Hindi ako ipinaganak na mayaman pero namuhay ako na puno ng lakas ng loob upang makipag sapalaran at lumaban sa tamang paraan. Sa determinasyon ko na matututo sa aking trabaho noong ako’y isa pa lamang na ahente sa isang Advertising and Printing Services sa Pilipinas ay pilit kong inaalam kung papaano ang makipag salamuha sa iba’t ibang klase ng tao. Pinag aralan ko din ang Software na dapat kong malaman sa Advertising at hindi naman ako nabigo dahil sa pagpupursige ko na matuto. Ang pagsisikap ko ang naging tulay ko para makarating ako sa gitnang silangan(Qatar). Pagtitiwala sa ating Poong May-kapal ang isa sa mga naging lakas ko upang matupad ang aking mga pangarap. Sa ngayon ay isa na akong pamilyadong tao na ginantimpalaan ni Ama ng dalawang nag-gagandahang mga anak. Sadya yata na mapag biro ang tadhana, sapagkat sa hindi inaaasahang pagkakataon ako ay nagkaroon ng   anak na kung tawagin ay “Special Child” bagamat masakit para sa akin ang lumisan sa piling ng aking asawa at mga anak, kailangan kong tiisin ang hirap at lungkot bilang Ama ng tahanan at yan ang dahilan kung bakit ako nakikipag sapalaran sa Gitnang Silangan (QATAR), Para maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan. Masaya ang feeling kapag nakikita natin na maayos ang ating pamilya.

            Hindi madali ang mamuhay sa ibang bansa, ang makisama sa ibang lahi, makipag usap o maging ang maki-bagay. Lahat ng pwede mong gawin na pakikisama ay gagawin mo upang ikaw ay tumagal sa pakikipag sapalaran. Kailangan mong sumunod sa agos ng buhay at harapin ang lahat ng mga pagsubok. Ganoon pa man mapalad pa rin ako, sapagkat sa aking pag punta dito sa Bansang Qatar maraming bagay akong natutunan at na-improve sa aking sarili. Natutunan ko kung paano tumulong sa mga tao na hindi mo kailangan maglabas ng pera. Sa simpleng pagsusulat at pagbibigay ng impormasyon sa kanila ay malaking tulong na para magkaroon sila ng idea kung paano mamuhay ang isang OFW at kaya ko nabuo ang sulating BuhayOFW.  Mas lalong lumakas ang loob ko na humarap sa mga tao, mas higit na nadagdagan ang kaalaman ko sa trabaho na aking kinahihiligan at higit sa lahat mas lalong tumibay ang pananampalataya ko sa ating Amang nasa Langit na naging sandata ko sa pakikipag sapalaran sa ibang bansa.

            Lahat ng nangyayari sa akin dito sa Bansang Qatar ay ipina-uubaya ko sa ating Diyos Ama na Lumikha sa atin. Marahil yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakakaraos ako dito. Ang sabi nga ng mga matatanda “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”. Nagtratrabaho ako ngunit ipina panalangin ko ang lahat sa Kanya dahil alam ko na ang lahat ng ito ay Kanyang kaloob. Kaya ang isang ginawa kong Panalangin ng mga OFW ay isang pagtulong sa mga Kababayan nating nawawalan ng pag asa. Nababatid ko na ang lahat ng aking pag titiis at pangugulila sa aking mga mahal na anak at asawa ay may hangganan dahil sa lahat ng mga pagsubok na ito ay may isang liwanag na naghihintay. At sa aking pagbabalik sa bansang Pilipinas na matagal ko ng hinihintay ay talaga namang aking pinaghahandaan. Marahil sabik na ang aking pamilya na muli nilang makita ang aking itsura at pagmamahal. Nais kong hilahin ang mga araw upang ako’y makauwi na sa bansang aking sinilangan(Pilipinas). Mga laruan at mga gamit na mahahalaga ay nakahanda na, upang ipasalubong sa kanila. Nakakatuwa talaga ang nangyari sa akin sa labas ng bansa dahil sa loob lamang ng isang taon maraming bagay akong naipon at ang pinaka magandang nagawa ko ay ang pagkakabili ko ng isang lote sa Taguig, Maynila na maari kong simulan ng aking isang maliit na negosyo. Sa kaunting sipag at tiyaga nagkaroon ako ng kaunting nilaga na maaari kong pag-simulan ng isang magandang kinabukasan. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking karanasan at pagsusumikap para maisip din ng bawat isa sa atin na ang pag aabroad ay hindi lamang isang laro kundi isang mabigat na pagsubok sa kakayahan ng tao. Ito ang BuhayOFW at kailangan natin pag isipan ang bawat ginagawa natin dito sa abroad dahil narito tayo para magkaroon ng magandang kinabukasan dahil hindi natin hangad ang mamuhay na malayo sa ating mga minamahal. Alam ko naman na parehas lang tayo ng nararamdaman, Gusto natin lagi kasama ang ating mga anak at asawa  sa bawat yugto ng ating buhay. Nais nating maging bahagi sa bawat pagtanggap ng kanilang medalya at diploma sa bawat pagtatapos sa eskwelahan.

            Kailanman hindi mawawala ang aking pagtitiwala sa bansang Pilipinas. Bagamat ako ay ipinanganak na mahirap at salat sa kayamanan hindi ito naging hadlang upang ako ay magsikap sa aking buhay. Walang kasing sarap mabuhay sa piling ng mga mahal natin, kung sakaling tayo man na mga OFW ay nalulungkot ngayon hindi dapat tayo magpapatalo sa damdaming ito. Ang sabi nga ng mga matatanda “Kung walang tiyaga, walang nilaga”.  Lagi nating iisipin na ang bawat paghihirap natin sa ibang bansa ay may kapalit na ginhawa pagkatapos nito. Hindi tayo dapat papadaig sa anomang Tukso o pagsubok na ating mararanasan. Kailangan nating magsumikap para tayo ay magtagumpay. Sa muli nating pagbabalik sa bansang Pilipinas marahil malaking tulong ito sa ating pamilya at maging sa ating ekonomiya dahil ang bahagi mo bilang isang OFW ay isang kabayanihan sa ating bansang Pilipinas. Wag mong kakalimutan na bisitahin ang ating mahal na bansa kung sakaling ikaw ay matatag na ang iyong trabaho sa ibang bansa. Dahil ang isang pagbisita mo ay katumbas ng pagmamalasakit mo sa ating bansa at karagdagang dolyares sa kaban ng ating bayan. At sa pag-uwi natin ang mga wagayway ng mga "WATAWAT SA PALIPARAN" ay masasabayan natin at sasabihin natin ng buong puso na, ako ay magiting na Pilipino.! Mabuhay po ang lahat ng OFW sa lahat ng panig ng mundo. God Bless and more power to all……..