Sarap Pakinggan kapag sinasabi nila na isa kang OFW, Totoo ba? Dati nung nasa Pilipinas pa lang ako lagi ko sinasabi sa sarili ko na balang araw ay mag aabroad din ako. Naiingit kasi ako sa mga kakilala ko na nasa ibang bansa dahil nasa isip ko noon aba Bigtime na si Classmate, si Kumpare, si Bestfriend, Si Tito, si Tita, si Insan at marami pang iba.
Pero ilan lang sa mga nakilala ko ang naging matagumpay sa labas ng bansa siguro kung ako ang inyong tatanungin 20% sa 100% lang ang nakilala ko na natupad ang kanilang nais gawin. marahil dahil na rin sa mga iba't ibang kadahilanan kung bakit ganun ang naging pagsagot ko.
Alam ba ninyo na may nakilala ako dito na mahigit na siya 25 years sa abroad at dito na siya tinubuan ng mga puting buhok pero hindi pa rin niya nakakamit ang gusto niya kung sa Pilipinas siya nagtatrabaho marahil retirado na siya. Sa eded niyang 60 years old nakikipag sapalaran pa rin siya dito sa abroad. Imagine 60years old na siya pero andito pa rin siya at pumapasok sa isang kumpanya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Napapaisip kaba sa mga sinasabi ko marahil ay OO. Gusto mo bang mangyari din sayo ito? Hays kay hirap talaga maging OFW.
Brother at sister alam naman natin na ang pag aabroad ay isang pagsubok sa totoong kakayahan at katatagan ng tao dahil dito lang natin nararanasan ang mga pagsubok na kailanman hindi natin nararanasan sa Pilipinas. Alam ko na mahirap talaga sa abroad. May ipon kana ba para pang uwi mo? May naiisip ka bang paraan para magawa mo yung dapat mong gawin para makapag negosyo ka sa Pilipinas.
Sayang ang mga panahon kapag inuubos mo lang ang iyong oras sa mga lakwatsya at gimikan kasama ang iyong mga kaibigan. Marami ang nagugutom at kinakapos sa pera pero ilan sa atin ay inuuna pa ang mga sosyalan at gimikan. Marahil ay tinatamaan ka sa mga sinasabi ko dahil ikaw nga yun hehehehehe. Alam ko na babasahin mo ang sinusulat ko dahil palagi mo naman sinusubaybayan ang mga ginagawa kong pag susulat.
Sa susunod na mga taon sana makita ko ang improvement mo at sasabihin mo sa akin "tama ka nga BuhayOFW dapat dati ko pa ginawa ang mga dapat kong gawin para makatulong ako sa aking sarili at maging sa aking pamilya".
Mapalad tayo nga tayo dahil kahit paano ay nasa abroad tayo para kumita ng pera at makaipon para may magamit tayo pag uwi natin sa Pilipinas at magsimulang muli doon para sa ating kinabukasan.
Kaya nga! ang isang tanong ko na lang sa inyo, Masarap ba ang maging OFW?
Pakinggan ko nga ang mga sagot ninyo?
Sumulat sa BuhayOFW angbuhayofw@gmail.com
just click here:
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW