Friday, May 20, 2011

Sino ba Si BuhayOFW

Sino ba si BuhayOFW? 

Sinimulan ang pagsusulat noong July 24, 2010 sa isang opisina sa Doha Qatar. Nag aral kung paano gawin ang isang akda na ang tema ay para sa mga OFW. Mag iisang taon na po sa darating na 2011 ang BuhayOFW na nakakapag bigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating OFW.

Marahil ay tinatanong ninyo kung bakit may kumukulit at palaging nag post sa mga wall ninyo tungkol sa usaping BuhayOFW. Sa totoo lang po hindi ko ginagawa ito upang magpapogi at kumuha ng attention ninyo. Ginawa ko ito dahil nais kong ishare sa inyo ang mga nalalaman ko bilang isang OFW. Nakikita ko kasi na hindi lahat ng mga OFW ay ganun karangya ang buhay nalaman ko rin kung gaano kahirap ang maging isang OFW. Sa isang taon kong pamamalagi sa ibang bansa nakita ko na totoo pala na ang BuhayOFW ay kabalitaran sa mga iniisip natin na kapag nag-abroad ang isang Pilipino ay tinuturing na nating mayaman. Nakita ko rin na hindi pala ganun kadali ang mangibang-bayan, karamihan sa mga nakilala ko dito sa labas ng bansa karamihan ay reklamo at hindi ginhawa ang kanilang sinasabi. Sa totoo lang po nakakaawa talaga kapag nalalaman natin na ganun ang nangyayari sa kanila may mga mababang sweldo dahil hindi natupad ang pangakong sweldo, strikto ang amo, hindi pantay ang trato, bahay na akala mo ay kulungan ng aso, at higit sa lahat hindi pinapasweldo lahat ng yan ay pawang katotohanan. Alam ba ninyo na marami sa mga kababayan natin ang gumastos ng malaki makapag-abroad lang nangutang sa mga kaibigan , kamag anak at kung sino pa ang na malalapitan upang may ipangbayad sa agency para maka alis ng bansa pagkatapos ay sa kangkungan lang napupunta. "mga manloloko, sinungaling", yan ang mga linya karamihan dito sa abroad at totoo po iyan na karamihan sa mga nag aabroad ay gumagastos ng malaki para lang makaalis ng bansa at makapag abroad. Maswerte kana kung tinulungan ka ng isang kaibigan para lang makapag abroad ka dahil hindi kana nahirapan at gumastos na kung ano anu pa. Mag ingat po tayo sa mga agency na hindi rehistrado ng ating POEA at walang pahintulot ng ating gobyerno para kumuha ng mga manggagawang OFW. Maging matalino po tayo ng sa ganun ay hindi kayo mabigo sa inyong pag aabroad. Nais kong palawakin ang aking mga gawa upang maipabatid natin sa kapwa nating Pilipino kung anu ang tamang mga gagawin sa pag aabroad.


nais po ba ninyong tumulong sa BuhayOFW para ng sa ganun ay marami tayong mabigyan ng impormasyon sa mga nagnanais mag abroad. Sumulat po kayo sa aking akin Just Click this side angbuhayofw@gmail.com

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW