"Brother kamusta Ano balita?" iyan palagi ang lumalabas sa aking bibig kapag dumadalaw ako sa isa pa naming opisina Al Jazeera Printing Press para kamustahin ang mga kasama ko at makibalita. Paminsan - minsan na lang kasi ako nakakadalaw doon dahil busy naman ako sa trabaho bilang Ahente sa "Al Jazeera Digital". Habang ako ay nakikipag usap sa mga Pilipino na kasama ko doon napansin ko na ang malungkot na muka ng aming kaibigang si Kiko Matsing. Napansin ko na rin ang kanyang pag-aalala dahil nabalitaan ko na rin ang tungkol sa kanyang ina na malubha na ang kalagayan dahil sa sakit. Sinabi na rin niya sa akin na ang nanay ng kanyang asawa ay pumanaw na. Kaya nagpaalam na siya para umuwi ng Pinas.
Maka ilang beses na akong nagtangkang tanungin at kamustahin ang kalagayan ng kanyang ina subalit ang sagot niya palagi sa akin "Brod. tingin ko hindi na tatagal si Nanay inaantay na lang niya ako na umuwi dahil sinabihan na kami ng doktor" sa puntong iyon ay kumalabog ang aking dibdib dahil naalala ko rin ang aking inay nung buhay pa siya, parang may isang tinik na pumasok sa aking dibdib sa aking narinig. "Gusto ko umuwi para maabutan ko pa siya dahil ako na lang ang inaantay nun dahil sinabihan na ako ng aking asawa" Inulit niya ulit sa akin. Sa puntong iyon isa lang ang nasasabi ko sa kanya "Bro. subukan mo magsabi kay Boss para maayos nila yung ticket mo at makasama mo pa ang iyong nanay" iyan ang aking sinagot. Subalit sa kanyang reaksyon malungkot ang kanyang sinabi "Brader hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala na rin akong budget dahil nag advance na ako kay boss dahil pinadala ko sa kanila". Nalungkot ako habang pinakikinggan ko ang kanyang mga sinasabi dahil alam ko na dama niya ang lungkot at pag-alala sa kanyang Ina. Isa na lang ang sinabi ko sa kanya "Brother umuwi ka at mag-paalam ka na para maabutan mo ang iyong nanay dahil iyan lang ang magiging paraan para gumaan ang iyong kalooban".
Kinagabihan habang ako'y gumagawa ng quotation para sa aking mga client. May isang mensahe akong natanggap mula aming kasamahan sa BalitangQ si Dra. Cora " Lex kamusta anu balita? San ba nakatira si Kiko? May number kaba niya?" iyan ang mga tanong na lumabas sa facebook message ko. Sabi ko kay Dra. Cora " Bakit po Dra. may problema po ba? Magkasama kami ni Kiko sa trabaho at sa industrial kami nakatira". Habang kami ay ang uusap sinabi niya sa akin na nag alala din siya kay Kiko dahil sa mga lumalabas na shout sa facebook. Nag usap na kami ni Dra. sa mga gagawin para bukas dahil confirm na uuwi si Kiko sa Pinas para sa kanyang Ina.
Kinabukasan pumunta ulit ako sa Al Jazeera Printing Press para kamustahin si Kiko "Bro. patay na nanay ni Kiko" sambit sa akin ng isa sa aming kasamahang Pilipino na ikinagulat ko. Kahapon lang magkausap kami tungkol sa kanyang nanay at iyon na ang nangyari. Dali dali kong pinuntahan ang aming kasamahang si Kiko para alamin ang pangyayari. "Bro. wala na si Nanay patay na siya kakatawag lang sa akin ni Leny kaninang umaga" wala na akong nasabi dahil alam ko na malungkot ang kanyang reaksyon. Sa puntong iyon nag isip na ako ng paraan para makatulong sa aming kaibigan. Naiisip ko agad ang isa sa aming kasamahan si Solomon dahil siya lamang ang may access sa lahat ng aming empleyado. Gumawa kami ng sulat para makalikom ng pera para naman may uwing pera kahit papano si Kiko. Sinimulan ko sa Al Jazeera Digital hanggang sa Al Jazeera Printing Press kahit paano ay nakatulong ng kaunti ang nagawa naming bagay para kay Kiko.
Habang malapit na umuwi si Kiko gumagawa din ng paraan ang ilan sa kasamahan namin sa BalitangQ para makatulong sa kanya. Hanggang sa airport ay sama-sama kaming naghatid sa kanya dahil alam ng bawat isa sa amin kung ano ang nararamdaman niya sa pagkamatay ng kanyang Ina at nanay ng kanyang asawa.
Ibinihagi ko sa inyo ang karanasan ito para malaman po ninyo na dapat nagtutulungan at nagkakaisa ang bawat isa sa atin lalo na po ang mga Pilipinong magkakasama sa iisang kumpanya dito sa abroad. Mahirap ang maging OFW lalo kung may mabigat kang problemang hinaharap sa loob at labas ng kumpanya. Hindi natin kailangan magyabang o mag mataas, Kahit gaano man kataas ang iyong posisyon sa kumpanya. Ang pinaka mahalaga ay maipakita mo sa kapwa mo Pilipino na mabuti kang tao at hindi tayo katulad ng ibang lahi na nag-mamataasan ng kanilang pride at hindi nagtutulungan. Higit sa lahat hindi natin maikakaila na ang mga Pilipino ay talagang mapagmahal sa kapwa at may respeto sa bawat isa.
Maraming salamat po sa isang maikling kwento na aking nilikha para po magising ang puso ng mga taong mapagmataas at walang pakisama sa kasamahan niya sa trabaho sa ibang bansa maraming salamt pong muli.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW