Binigyan ng pahintulot na makasali sa PEBA 2011 Blog Award para makapagbigay ng isang istorya kung paano nga ba ang maging isang OFW. Mula sa pa-contest na pinamagatang "Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago" ang BuhayOFW ay gumawa ng totoong istorya upang maipabatid sa mga kababayan natin kung paano nga ba ang pamumuhay ng mga OFW. Gamit ang mga istoryang galing mismo sa kapwa OFW ang inililimbag at nakakapagbigay ng impormasyon sa lahat.
Ang pinamagatang "Watawat sa Paliparan" ay naibahagi sa iba't ibang website katulad ng www.gmanews.tv(PinoyAbroad), www.filipinosabroad.com, at naging featured Article sa Fuse.TV hindi natin maikakaila na ang bawat istoryang lumalabas sa artikulo ng BuhayOFW ay pawang katotohanan at totoo istorya na nagaganap bilang OFW. Totoong napaka hirap ang maging isang dayuhan sa ibang bansa dahil hindi mo alam kung kasiyahan ba o kalungkutan ang pwedeng mangyari. Lahat tayo ay may iba't ibang istorya na maaaring mangyari sa atin bilang OFW. Isa kaba sa mga kakampi ng BuhayOFW, suportahan po natin at isulat ang inyong kakaibang kwento upang marami pa sa mga kababayan natin ang maka-alam ng mga tamang gagawin bilang OFW.
at isulat ninyo ang mga istoryang makakapag bigay impormasyon sa ating mga kababayan bilang isang OFW.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW