Sabi nga nila kahit gaano kahirap ang trabaho ng isang OFW basta sa malinis na paraan makikita mo ang iyong pinaghirapan. Alam naman natin kung gano kahirap ang maging OFW, Hindi bagay dito ang mayabang at mahilig magbuhat ng sariling bangko, Dapat ay marunong kang makibagay sa lahat at hindi mo kailangan mayabang dahil baka mawalan ng gana sayo ang iyong kasama. Alam naman natin na marami na ang nadapa at tingin ko ayaw mong maging katulad nila subukan mo hanapin ang iyong sarili at gawin mo ang nararapat na paraan para sa ikauunlad ng iyong ginagawa at tingin ko makikita mo ang iyong hinahanap. Kapag reklamo at daing ang lagi mong iniisip at hindi mo pinapalawak ang iyong pag-iisip malamang hanggang diyan ka na lang at wala kang mararating.
Hanapin mo kung saan ka magiging masaya at iwasan mo ang mga problema na alam mo namang hindi tama, Sa bawat patak ng iyong pawis na lumalabas sa iyong katawan katumbas yan ng libo libong ngiti na hatid ng iyong kasipagan. Kung puro sarap lang iyong iniisip marahil ay hindi ka bagay sa mahirap at magulong mundo ng BuhayOFW.
Ang iyong paghihirap ay siyang magiging daan para matuto ka na harapin ang bawat problema na iyong nararanasan. Ang BuhayOFW ay panukat sa iyong kakayahan lahat ng bagay ay magiging magaan kapag ikaw ay masaya, inspired at alam mo ang iyong trabaho. Mahirap ang madunung-dunungan at baka ikaw mismo ang mapahiya sa iyong kahibangan. Iwasan mo ang maging mayabang dahil hindi yan ang tamang paraan para tumagal ka sa mundo ng BuhayOFW.
Ang bawat natutunan natin sa trabaho ay tayo ang nakikinabang at wala ng iba pa, dahil ang ating pagsisikap na matuto ay siyang magiging dahilan upang maging maganda ang takbo ng ating pagtatrabaho.
Payo lang mga kaibigan wag tayong magmalaki dahil mahirap marating ang mga bagay na gusto nating gawin kapag ganyan ang lagi nating iniisip, Dahil ang sukatan ng pagiging maabilidad sa trabaho ay naririyan lang sa ating paligid. Iwasan natin ang magmalaki dahil ang ugaling yan ay hindi bagay dito sa ibang bansa at baka magaya ka sa mga talunan at looser dito sa abroad.
Nagpapaalala lang po!
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW