Ang KALAYAAN ng Pilipinas ay nakamit natin mula sa mga magigiting nating kababayan (Bayani) upang maging malaya tayo sa mga dayuhang sumakop sa atin. Karamihan sa kanila ay nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating inang bayan (Pilipinas). Hindi man natin naabutan ang pangyayaring iyon nakakatak pa rin sa ating mga kasaysayan ang inukit ng mga digmaan.
Makikita natin ang mga lugar na makasaysayan noon sa pamamagitan ng pagbisita sa mga lugar kung saan naganap ang madugong digmaan gaya ng Battle of Corregidor, Bataan Death March, at Battle of Manila Bay. Ilan lang yan sa mga digmaan kung saan marami sa mga kababayan natin ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Sa panahon ngayon nakikita mo pa ba ang kalayaan na dati ay halos magpakamatay ang karamihan makamit lang ang inaasam na kalayaan? Nakikita pa ba natin ang mga pagkakaisa at pagtutulungan para labanan ang kahirapan? Ilang milyong manggagawa pinoy (OFW) ang nagtitiis sa malayong lugar para ng ganun ay may maibigay sila sa kanila pamilya? Marami sa mga OFW ang nakakulong sa magulong mundo ng pag aaboard, Ilan sa kanila ay humihingi ng tulong para makalaya sa kanilang kulungan, Nais sana gisingin ng BuhayOFW ang ating pamahalaan upang bigyan ng aksyon ang mga nakakulong nating kababayan na nasa bingit ng alanganin ngayon sa kanilang mga bansang kinasasadlakan.
Hindi natin maikakaila na ang tinatawag nating kalayaan ay wala ng saysay dahil sa kahirapan na ating nararanasan, Bagkus ang nakikita natin ang mga mapagsamantalang kababayan natin na imbis na sa kapakanan ng ating mga kababayang OFW ang unahin, ay sarili ang inuuna dahil sa KASAKIMAN. Ang tunay na kalayaan ay hindi natin nakakamit dahil sa mga katulad nilang gahaman sa kapangyarihan. Ako at maging ikaw? bilang isang OFW sa tingin mo nakakamit mo ba ang kalayaan bilang Pilipino dahil sa mga pangyayaring ganyan. Nais sanang ipabatid ng BuhayOFW sa lahat na dapat mag ingat po tayo sa mga ginagawa natin hakbang lalo na kung nasa ibang bansa tayo para maiwasan po natin ang mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Ang mga OFW ay bayani ng ating bayan sa panahon ngayon dahil sa mga inaambag nilang dolyares para sa ating ekomoniya. Kaya dapat lang na bigyanng pansin ng ating pamahalaan ang mga sakripisyo at daing ng ilan sa ating mga kasamahan.
Happy Indepence day sa kapwa ko OFW sa lahat ng panig ng Mundo mabuhay po tayo....
Maligayang araw ng Kalayaan
ReplyDeleteMalaya na nga ba talaga tayo o sadyang nabubuhay lang tayo sa isang kasinungalingan ng ating sinasabing pagkakalaya?
ReplyDeleteMahirap mang aminin pero talagang hindi pa rin natin nakakamit ang tunay na kalayaan na ating pinagdidiriwang......
ReplyDelete