Monday, October 25, 2010

Pacquiao vs Margarito


Mabuhay ang mga Pilipino....Heto na naman at may laban ang pang bansang KAMAO ng PILIPINAS na si Manny Pacquiao at syempre inaabangan nating lahat ang mga ganitong laban. Nung nakaraang laban ni Manny Pacquiao ay nag kasya lang kami sa hiniram namin na CD Copy para mapanood ang laban niya kay Clottey. Ganito rin marahil ang mangyari dahil wala naman kaming access para mapanood ng live ang laban niya kay Margarito. Kaming mga OFW ay lubos na nasisiyahan kapag nalaman namin na panalo si Manny. Sa laban niyang ito ay inaabangan namin ang magiging resulta gaya ng mga nakaraan niyang laban. Narito ang mga ilang Highlight sa laban nila sa November 13,2010 sa Texas Stadium....



Friday, October 22, 2010

United Nation - Alisa Joice Flores





Mr. & Ms. Italy
United Nation Day - Ang ganitong mga Events sa mga eskwelahan na nilalahukan ng mga bata lalo na kapag ang ANAK mo ay isa sa mga kasali sa ganitong events ay talaga namang nakakapagbibigay ng kasiyahan sayo at sa mga mahal mo sa buhay na kahit papaano ay maibsan ang homesick at kalungkutan ng isang manggagawang  OFW na tulad ko. Si Alisa Joice Flores na panganay kong anak ay nakasali sa United Nation Day sa School nila sa Saint Bernadeth Day Care Center sa Taguig City. Nakakatuwa talaga isipin na kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan naming mga OFW lalo na kapag nakikita namin na masaya at nakakapagbigay kami ng suporta sa anak namin para makasali sa ganitong paligsahan. Hindi naman kailangan gumastos ka sa ganitong paligsahan ang kailangan lang ay mabigyan mo ng kahit konting suporta ang iyong ANAK para naman maranasan niya ang sumali sa ganitong paligsahan ang importante ay naisama mo siya. Masaya ako dahil sinabi sa akin ng aking asawa na apat daw ang nakuhang Award ni ALISA JOICE at talaga naman na nakakatuwa dahil masaya marahil ang anak kong si AJ. Narito ang mga ilang litrato na nakuha ko sa naganap na United Nation Day sa St. Bernadeth Day Care Center. Salamat din kay Makatang KIKO na nag bigay ng TULA para sa Anak kong si Alisa Joice para sa United Nation Day.....



Salamat sa mga nakuha kong mga larawan dahil dito ay napasaya ninyo ako kahit na mahirap ang trabaho basta masaya lang ang pamilya at mahal sa buhay ayos na yun. Ganito kasi ang buhayOFW HOME SICK

Monday, October 18, 2010

Bagyong Juan

Wag na po sanang maulit ang ganitong Bagyo
Hays ang buhayOFW talaga! Kapag nakakarinig kami ng balita na tungkol sa PILIPINAS na gaya ng Bagyo at hindi kami makatulog ng maayos dahil inaalala namin ang mga mahal namin sa buhay kung anu na ang nangyari sa kanila. Kaya naman panay ang bukas ko ng balita para malaman namin ang nangyayari doon. Sana naman ay walang mangyaring masama sa lahat ng kababayan natin na naapektuhan ng bagyong dumating. Maging maagap po sana ang gobyerno sa kalamidad na gaya nito at wag na po sanang maulit ang BAGYONG ONDOY na tumama sa atin nung nakaraang taon.........

panoorin ninyo ang mga nakuha kong balita mula sa iba't ibang ahensya...

NEWS PATROL - ABS CBN



SAKSI - GMA7


Mula sa Newspaper
MANILA BULITEEN
INQUIRER

Tuesday, October 5, 2010

Ramadan sa Qatar

RAMADAN 2010

Ramadan KareemRamadan Mubarak, Ngayon araw Agosto 11, 2010 Ipinag-didiwang ng mga kapatid nating muslim ang araw ng Ramadan, Ito ang buwan ng pinaka importanteng araw para sa mga muslim. Karamihan sa mga malalaking gusali dito sa bansang aking pinuntahan ay makikita mo kung paano nila ipinagdidiwang ang ganitong selebrasyon. Ang buwan ng Ramadan ang isa sa inaabangan ng mga PILIPINO na hindi muslim dahil maraming pagbabago ang mangyayari. una sa lahat ang oras ng pasok ng karamihan ay 8:00am hanggang 2:00pm. Pagkatapos nun overtime na hanggang matapos mo ang pinapagawa sayo ng boss mo. Pagkatapos uuwi kana sa bahay. Syempre libre ka na manood ng palabas na mula sa DVD or cableTV. Sarado lahat ng mall, restaurant at iba pang establishment kasi mga bandang 6pm. sila nagbubukas. Sabi nga nila ang ramadan daw boring para sa mga hindi muslim kasi maraming pagbabago. Unang RAMADAN ko dito sa lugar na pinuntahan ko kaya tinitignan ko ang mga nangyayari dito. Marami din daw ang pinagbabawal kapag Ramadan.

Mga Bawal Kapag RAMADAN

1. Bawal kumain kapag may ARAW pa 
2. Bawal Uminom ng tubig kapag may ARAW pa
3. Bawal ang mag ingay lalo na sa mga establishment kung saan meron nagdadasal.
4. Mag ingat sa mga namamaneho dahil karamihan sa mga muslim fasting kaya nahihilo at sanhi ng banggaan.

Dapat nating sundin ang mga patakaran nila dahil ito ang buwan ng kanila pag aayuno. Dapat nating irespeto at igalang ang lahat ng kanila gawain dahil ito ang kanilang paniniwala.

Salamat sa mga kapatid nating Muslim na palaging tumutulong sa mga usapang pangkapayapaan sa buong mundo... Nawa'y maging kaisa kayo ng tunay na kapayapaan. "May Alah share his blessing to all of you"...

Saturday, October 2, 2010

TORNADO TOWER in QATAR


Tornado Tower
Tornado Tower utilizes an efficient yet striking structural system to house 52 floors of office space in a 200m tall building.  In addition, the project aims to minimize effects on the natural environment through proper site utilization, innovative uses of materials, energy reduction, reduced emissions, and water consumption.  The building demonstrates relevance to the contemporary and future needs of the community in which it is located, and adds economic vitality to its occupants, owner, and community.

Map of Tornado Tower