Tuesday, October 5, 2010

Ramadan sa Qatar

RAMADAN 2010

Ramadan KareemRamadan Mubarak, Ngayon araw Agosto 11, 2010 Ipinag-didiwang ng mga kapatid nating muslim ang araw ng Ramadan, Ito ang buwan ng pinaka importanteng araw para sa mga muslim. Karamihan sa mga malalaking gusali dito sa bansang aking pinuntahan ay makikita mo kung paano nila ipinagdidiwang ang ganitong selebrasyon. Ang buwan ng Ramadan ang isa sa inaabangan ng mga PILIPINO na hindi muslim dahil maraming pagbabago ang mangyayari. una sa lahat ang oras ng pasok ng karamihan ay 8:00am hanggang 2:00pm. Pagkatapos nun overtime na hanggang matapos mo ang pinapagawa sayo ng boss mo. Pagkatapos uuwi kana sa bahay. Syempre libre ka na manood ng palabas na mula sa DVD or cableTV. Sarado lahat ng mall, restaurant at iba pang establishment kasi mga bandang 6pm. sila nagbubukas. Sabi nga nila ang ramadan daw boring para sa mga hindi muslim kasi maraming pagbabago. Unang RAMADAN ko dito sa lugar na pinuntahan ko kaya tinitignan ko ang mga nangyayari dito. Marami din daw ang pinagbabawal kapag Ramadan.

Mga Bawal Kapag RAMADAN

1. Bawal kumain kapag may ARAW pa 
2. Bawal Uminom ng tubig kapag may ARAW pa
3. Bawal ang mag ingay lalo na sa mga establishment kung saan meron nagdadasal.
4. Mag ingat sa mga namamaneho dahil karamihan sa mga muslim fasting kaya nahihilo at sanhi ng banggaan.

Dapat nating sundin ang mga patakaran nila dahil ito ang buwan ng kanila pag aayuno. Dapat nating irespeto at igalang ang lahat ng kanila gawain dahil ito ang kanilang paniniwala.

Salamat sa mga kapatid nating Muslim na palaging tumutulong sa mga usapang pangkapayapaan sa buong mundo... Nawa'y maging kaisa kayo ng tunay na kapayapaan. "May Alah share his blessing to all of you"...

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW