Friday, October 22, 2010

United Nation - Alisa Joice Flores





Mr. & Ms. Italy
United Nation Day - Ang ganitong mga Events sa mga eskwelahan na nilalahukan ng mga bata lalo na kapag ang ANAK mo ay isa sa mga kasali sa ganitong events ay talaga namang nakakapagbibigay ng kasiyahan sayo at sa mga mahal mo sa buhay na kahit papaano ay maibsan ang homesick at kalungkutan ng isang manggagawang  OFW na tulad ko. Si Alisa Joice Flores na panganay kong anak ay nakasali sa United Nation Day sa School nila sa Saint Bernadeth Day Care Center sa Taguig City. Nakakatuwa talaga isipin na kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan naming mga OFW lalo na kapag nakikita namin na masaya at nakakapagbigay kami ng suporta sa anak namin para makasali sa ganitong paligsahan. Hindi naman kailangan gumastos ka sa ganitong paligsahan ang kailangan lang ay mabigyan mo ng kahit konting suporta ang iyong ANAK para naman maranasan niya ang sumali sa ganitong paligsahan ang importante ay naisama mo siya. Masaya ako dahil sinabi sa akin ng aking asawa na apat daw ang nakuhang Award ni ALISA JOICE at talaga naman na nakakatuwa dahil masaya marahil ang anak kong si AJ. Narito ang mga ilang litrato na nakuha ko sa naganap na United Nation Day sa St. Bernadeth Day Care Center. Salamat din kay Makatang KIKO na nag bigay ng TULA para sa Anak kong si Alisa Joice para sa United Nation Day.....



Salamat sa mga nakuha kong mga larawan dahil dito ay napasaya ninyo ako kahit na mahirap ang trabaho basta masaya lang ang pamilya at mahal sa buhay ayos na yun. Ganito kasi ang buhayOFW HOME SICK