Monday, October 25, 2010

Pacquiao vs Margarito


Mabuhay ang mga Pilipino....Heto na naman at may laban ang pang bansang KAMAO ng PILIPINAS na si Manny Pacquiao at syempre inaabangan nating lahat ang mga ganitong laban. Nung nakaraang laban ni Manny Pacquiao ay nag kasya lang kami sa hiniram namin na CD Copy para mapanood ang laban niya kay Clottey. Ganito rin marahil ang mangyari dahil wala naman kaming access para mapanood ng live ang laban niya kay Margarito. Kaming mga OFW ay lubos na nasisiyahan kapag nalaman namin na panalo si Manny. Sa laban niyang ito ay inaabangan namin ang magiging resulta gaya ng mga nakaraan niyang laban. Narito ang mga ilang Highlight sa laban nila sa November 13,2010 sa Texas Stadium....