Sapat ba?
Masakit na ang ulo ng mga OFW sa kakaisip kung paano kumita ng pera sa labas ng bansa. Hindi natin maikakaila na marami pa ring mahihirap nating kababayan ang nakikipag sapalarang lumabas ng bansa kahit na delikado ang kanilang pupuntahan.
Tignan nalang natin ang datos na mga kababayan nating walang trabaho sa ating bansa, Hindi ba ninyo nakikita na patuloy pa rin ang paghihirap. Marami ang nagugutom at walang makain sa kanilang hapag kainan.
Noong nakaraan disyembre ng taong 2011, Ito ang araw ng aking bakasyon mula sa 2 taong pagtatrabaho sa ibang bayan. Masaya na malungkot ang aking naramdaman dahil dumating ako at muling aalis sa mga susunod na buwan.
Noong unang araw ng aking pagdating labis ang aking kasiyahan sapagkat makikita ko na aking pamilya na nangulila sa akin ng 2 taon. Hindi ko pa lubos maisip noon na nasa Pilipinas ako at mayayakap ko na sila.
Dahil labis ang aking pananabik sa kanila wala akong ibang hinanap kundi ang aking asawa at mga anak, tingin dito tingin doon ang aking ginawa at sa wakas nakita ko agad sila. Tuwang tuwa ko silang kinawayan habang sigaw sa kanila. Masayang tagpo ang aking nakita mula sa pagbaba ko ng paliparan.
Ngunit heto na nagsisimula........
Pasakay pa lang kami ng taxi nakita ko agad ang taas ng presyo na singil sa aking ng taxi driver na aming sinakyan. Dahil sa pagmamadali namin para makauwi na, pumayag na ako sa kontrata ng taxi driver na aming sinakyan.
Lumipas ang mga araw maraming bagay pa akong nalaman tungkol sa pagtaas ng bilihin sa Pilipinas. Ang lahat ng ito ay dahil na rin siguro sa ekonomiya na pinapalakad ng ating gobyerno. Tanong ko lang po dapat ba patuloy tayong pumayag sa mga hakbang nila na alam naman nating ang buong sambayanan ang magdudusa. Anong alternatibong hakbang ba ang kanilang ginagawa upang tulungan ang ating mga kababayan at maging ang ating bansa.
Ang unang pangingibang-bayan ko ang dahilan kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito. Siguro mahal ko ang bayan ko kaya patuloy akong nagsusulat tungkol sa mga bagay na alam ko namang apektado pati ang pamilya ko.
Maraming problema ang dumating sa buhay natin pero patuloy tayong lumalaban para sa ikakabuti ng lahat at makapagbigay ng inspirasyon sa kapwa tao. Narito muli ako upang simulan ang pagsusulat tungkol sa BuhayOFW
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW