Tuesday, March 13, 2012

Manpower Agency


http://www.workabroad.ph/ 
Ang papunta sa ibang bansa ay isang sugal sa kapalaran ng tao, hindi natin alam kung ano nga ba ang mangyayari habang tayo’y nakikipagsapalaran sa bansang ating pinupuntahan. Marami sa ating mga kababayan ang nagbabaka sakali na makipag sapalaran sa ibang bansa kahit alam nilang delikado ang kanilang pupuntahan.

Ang mga MANPOWER AGENCY ang tumutulong upang maka alis ng ibang bansa at makapag trabaho ang ating mga kababayan. Ngunit may ilang mga MANPOWER AGENCY ang inirereklamo ng ilan nating kababayan sa kadahilanan na sobrang paniningil sa kanila at ito ang dahilan kung bakit sila nababaon sa mga inutangan nila. Ang mababang sweldo at hindi pagsunod sa kanilang pinirmahang kontrata ang ilan sa mga hinaing ng ating mga kababayan.

Ang pag aabroad ay isang pagsubok sa ating kakayahan. Ang pagiging matiisin at matyaga nating mga Pilipino ang isa sa katangian na kailangan nating gawin sa tuwing tayo ay nasa ibang bansa. Ang tanging napapasaya lang sa atin ay ang maibigay sa ating pamilya ang mga pangangailan at pang araw araw na gastusin. Halos dalawang taon o isang taon ang ating tinitiis bago muling makabalik sa ating bansa at makapiling ang ating mahal sa buhay.  
  
Kung makakarinig ka ng mga kwento tungkol sa mga kababayan nating naghihirap dahil sa kagagawan ng mga manlolokong MANPOWER AGENCY tulungan po natin silang maisiwalat. Ang panloloko ng mga ganid sa perang mga MANPOWER AGENCY ang ating isuplong upang hindi na muling maka ulit pa. Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kababayan nating nasasadlak sa kahirapan dito sa ibang bansa. Ito ang kanilang mga reklamo kaya pagtulungan po nating isuplong ang ganitong mga pahirap sa OFW.

Kung may mga hinaing po kayo tungkol sa inyong mga MANPOWER AGENCY isulat po ninyo sa angbuhayofw@gmail.com at subukan po natin silang isuplong para hindi nap o dumami ang ganitong mga kaso.

Maaari po ninyong bisitahin ang ating website http://buhayofw2010-2015.blogspot.com/ para ibang detalye.
Ang inyong lingkod BuhayOFW

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW