Friday, January 20, 2012

Bayaning Marino

Costa Concordia - Kahanga hanga ang ipinakita ng mga Pilipinong tripulante na sakay ng Cruise Ship mula sa tumagilid na barkong Costa Concordia ng ITALIA. Ang ating mga kababayang Pilipino ang tumulong sa mga pasahero ng barko at nagligtas ng maraming buhay na nasa bingit ng kamatayan sakay ng barko.

Ang kanilang kabayanihan ay pinuri ng mga dayuhang sakay ng nasabing barko,  Hindi nila inalintala ang panganib at kamatayan mailigtas lang ang mga sakay nilang pasahero. Ang ilan sa kanila ay kumuha pa ng Video para gampanan ang kanilang tungkulin bahagi ng kanilang training.

Ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanila ng may kapal ang pinagpapasamat nila ngayon at makapag patuloy sila sa kanilang mga trabaho sa susunod nilang byahe.



Narito po ang ilan sa mga balita at pangyayari sa lumubog na barko:


Ang BuhayOFW ay humahanga sa ipinakitang kabayanihan ng mga Pilipinong Seaferer ng Costa Concordia Cruise Ship ng Italia