Salamat po ng marami PEBA!
sa lahat ng bumubuo ng PEBA Team salamat po ng marami sa kanilang pagpili sa BuhayOFW bilang isa sa mga Finalist sa PEBA 2011 Blog award. Ang kanilang napakagandang adhikain na makatulong sa kapwa tao sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan ay isang kahanga-hangang gawa. Hindi ko pa rin lubos maisip na isa ako sa mga FINALIST para sa taong 2011 na ang tema ay "Ako'y magbabalik hatid ko'y Pagbabago" I will return, I will bring change.
Lahat tayo ay naghahangad ng magandang buhay at isa sa mga paraan ay ang pag aabroad o pangingibang bayan. Sa totoo lang hindi ko akalain na makakarating ako sa ibang bansa gamit lang ang lakas ng loob at matibay na determinasyon sa buhay. May nagtiwala lang sa aking kakayahan kaya ako nakarating sa ibang bayan at maswerteng napili para subukan ang hamon na maging ahente. Gaya nga po ng sinabi ko sa aking lahok na "Watawat sa Paliparan" Kung walang tiyaga, wala ding nilaga. Lagi natin iisipin na ang paghihirap natin sa ibang bansa ay may kapalit na ginhawa pagkatapos nito.
Tayong lahat na OFW sa iba't ibang panig ng mundo. Kahit Saan man tayo lupalop mapadpad sa bayan natin, tayo ay babalik at sasariwain natin ang buhay bilang isang Pilipino. Kailan man hindi natin hinangad na malayo sa ating pamilya ng sobrang tagal dahil alam naman natin na sa Pilipinas ang ating tunay na tahanan.
Ang isa sa nagpalakas ng aking kalooban ay makitang masaya ang aking pamilya at maibigay sa kanila ang kanilang mga pangangailangan. Sa bawat padala na galing sa aking pagpupursige sa malayong lugar ay unti-unti kong nakikita ang pagbabago sa amin buhay. Ang patuloy na pagpapagawa sa aming tahanan ang aking inuuna upang kahit paano ay hindi na sila matuluan ng ulan sa loob ng bahay. Maraming hirap ang aking pinagdaraan subalit tiniis at nilaban ko iyon para sa aking pamilya. Ang magulong mundo ng BuhayOFW ang isa sa mga nagpatatag sa akin upang mabuhay kasama ang aking pamilya.
Walang kasing sarap ang mamuhay sa Pilipinas, Ang kasiyahan at ang kalayaan natin bilang isang Pilipino ay tanging sa Pilipinas lang natin nararanasan. Ika nga nila, "There's no place like Philippines". Isa iyan sa mga linya sa aking "Watawat sa Paliparan"
Ang Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA), INC ay isang non-profit and non stock na organisasyon na binubuo ng mga OFW at home base blogger na pawang volunteer lamang. Kahanga-hanga ang kanilang organisasyon bagamat walang pondo ay nagagawa nilang magpatimpalak ng katulad nito. salamat ng marami at naging bahagi ang BuhayOFW sa inyong patimpalak.
Malayo man ang marating ng bawat isa sa atin wag natin kalimutan ang tatak bilang isang Pilipino
Mabuhay po ang lahat ng Pilipino sa lahat ng panig ng mundo......
Ang inyong lingkod BuhayOFW
congrats brader!
ReplyDeleteSalamat Brother alam mo naman na ikaw ang mentor ko sa mundo ng blogging.......
ReplyDelete